Janice's Point of View
'Ang gwapo talaga'
'Ang tangos ng ilong niya'
'Ang haba ng pilikmata'
'Fallen angel ba talaga 'to'
'Eh bakit parang anghel pag tulog!'
'Ang perfect niya'
'Ang labi niya, ang pula'
Agad kong nasapok yung sarili ko. Ano bang ginagawa ko? Napatingin ako sa orasan. Waaaah. Alas kwatro na ng madaling araw.
Nakaupo lang ako sa tapat ng kama ko. Nakahiga si Sir Gadreel, tulog na tulog siya. Halatang halata na pagod na pagod siya. Pagod din naman ako ah. Pero bakit hindi ako inaantok. Paano naman kase eh nasa harapan ko itong fallen angel na ito. Panaginip ba ito? Kinurot ko yung pisngi ko. Okay hindi siya panaginip.
Siguradong bagsak ako nito bukas sa skul, ay wala nga palang pasok bukas. Puyat na ako nito. Ayos lang, napanood ko naman si Sir matulog magdamag. Hehe.
Napatingin ako sa polo shirt niya. Bigla akong namula. Naalala ko yung kanina. Ang ganda ng katawan niya. Parang baliw kase, may pahubad hubad pang nalalaman. Pero okay lang din. Okay kase para magamot ko yung sugat niya.
Hindi naman ako mahilig sa mga katawan dahil inosente akong tao pero iba yung kanina eh. Yung abs niya, binilang ko. Six ata waaah. Hindi ko maipaliwanag eh, basta ayaw ko ng isipin baka kung ano pang magawa ko kay Sir. Hala, ano daw yung sinabi ko? Umayos ka naman Janice kahit ngayon lang please. Awatin mo ang sarili mo.
Pinagmasdan ko nalang ang mukha niya. Ang dami niya talagang sugat, iniisip ko kung anong klaseng pagpapahirap ang ginawa sa kaniya kase mukhang malala eh. Mas lalo yung mga sugat niya sa likod. Napakaraming latay. Napahinga nalang ako ng malalim. Sana gumaling agad si Sir.
Kinumutan ko siya. Magpahinga ka lang jan Sir, dito lang ako sa tabi mo.
---
Hay. Nag unat unat ako. Nasilaw kase ako sa ilaw na tumatama sa mukha ko. Maliwanag na pala. Kinusot kusot ko pa yung mata ko ,medyo masakit parin kase. Anong oras na ata ako nakatulog. Teka, bakit nasa kama ako? At may kumot? At sino itong katabi ko. Hala, wait lang. Kinakabahan na ako ,natalukbong siya ng kumot. Nilakasan ko na ang loob ko at hinawakan ang kumot. Hihilahin ko na. Makakasampal ata ako ng malakas. May nangyari ba na hindi ko alam? Pero diba malalaman ko naman daw yon kapag una? Mukhang okay naman ang lahat sa akin, pero ano to. Saglit. Bibilang ako.
Isa
Dalawa
Tatlo.
Hinila ko ng mabilisan.
"Issa prank :)"
"Sh*t"
Bigla akong napasapok sa noo ko.
"SIR GADREEEEEEEL!"
Mabuti nalang ang umaga na kaya wala ng papansin sa sigaw ko. Seryoso ba ito? Yung hotdog ko na unan kase yung katabi ko, para kaseng tao. Tapos may nakadikit doong note. Issa prank daw. Ano yun, prankster siya? Saan naman niya natutunan ang ganoong bagay? Walanjong fallen angel talaga yon. Nakakatakot na ang pagbabago sa kaniya ha. Hala baka naman nababaliw na siya. Sa akin, joke.
Ano ba naman Janice, pati ikaw ata may sapak na. Eh kase naman si Sir. May ganon na nalalaman. Wala na siya sa apartment ko. Hindi manlang nagpaalam o nagthank you. Ano pa bang aasahan ko sa kaniya.
![](https://img.wattpad.com/cover/235138953-288-k572786.jpg)
BINABASA MO ANG
GADREEL: The Fallen Angel (What's In The 13th Floor Book 1)
TerrorHave you ever use an elevator? Most of us did. But what if one time, that elevator you used to ride everyday put you to a floor you shouldn't be. Are you brave enough to discover the mysteries that lies beyond that floor, or smart enough to realize...