MYSTERIOUS GHOST
Janice's Point of View
Tok. Tok. Tok.
Kabang kaba na ako ngayon sa kama ko ng biglang may kumatok. Kalagitnaan ng pagdadasal ko pero napatigil ako bigla. Sino ba yun?
"Sh*t"
Ano bang nangyayari sa akin. Bakit ako pa? Bakit niya ako sinusundan, wala naman akong kasalanan sa kanya ah, wala nga ba? Basta, ni hindi ko nga siya kilala eh. Kung naghahanap lang siya ng matatakot at pagtitripan ay wag na sana ako dahil aatakihin na talaga ako sa takot.
"Hey! Are you there?"
Tok. Tok. Tok.
Teka. Hey daw? Nagsasalita na yung multo? Ano bang nangyayari sa Earth?
"Hey, PA. Nanjan ka ba?"
Napatigil naman ako sa panginginig ng marinig ng maayos ang boses nung kumakatok sa pinto. Isang tao lang naman ang tumatawag sa akin ng "Hey".
"Sir Gadreel?" nagtataka kong tanong sa utak ko. Si sir Gadreel ba iyon?
Tila nahimasmasan naman ako kaya napabangon ako ng wala sa oras. Agad akong pumunta sa pinto para pagbuksan siya. Nakatalikod na siya at tila paalis na ng buksan ko ang pinto.
"Sir Gadreel? Ano pong ginagawa niyo dito?" pagkasabi ko noon ay napalingon naman siya. As usual, poker face. Naglakad na siya pabalik dito.
"Nakalimutan ko kaseng ibigay kanina, heto o" matapos niyang magsalita ay may iniabot siya sa aking sobre.
"Ano po ito?" nacurios kase ako sa kung ano ang laman ng sobre na iyon.
"Monthly allowance mo" bakit ang plain niya naman makipag-usap. Parang napipilitan lang.
"Po? Hala, nag-abala pa po kayo. Dapat po bukas niyo nalang ibinigay" iyon nalang ang nasabi ko. Nakakahiya, boss pa mismo ang nagdala sa akin ng allowance ko.
"Okay!" yun lang ang sinabi niya at tumalikod na. What, seryoso ba siya? Bukas na nga niya ibibigay? Kaya naman pinigilan ko siya sa tangka niyang pag alis.
"Teka Sir. Masyado ka naman pong seryoso. Akin na po Sir hehe. Sayang po pagpunta niyo eh, gusto niyo po munang tumuloy sa loob?" mungkahi ko sa kanya. Pero siyempre ayoko talaga siyang patuluyin sa loob, bukod sa makalat eh nakakahiya din.
Bigla siyang humarap sa akin at tila nag-iisip. Ginagawa niya nanaman ang pag galaw galaw ng eyeballs niya. Pagkatapos ay dire-diretso na siyang pumasok sa loob.
Teka naman Sir, Oh my Gosh. Dire-diretso siya.
Nataranta naman akong sumunod sa kaniya. Napaka masunurin naman nitong si Sir. Hindi niya ba alam na likas lang talaga sa ating mga Pilipino ang mapag anyaya sa bahay pero ang totoo ay hoping tayo na huwag talaga sanang tumuloy? Hays. Inikot niya ng mata ang loob ng kwarto ko.
Maliit lang itong apartment ko. Two meters by two meters lang ang dimension kaya maliit, pinagkasya na doon lahat. Kama, faucet, kainan etcetera. Nasa baba ang CR kaya sabi ko na hindi na ako maglilinis kanina dahil kinakailangan ko pang lumabas pag nagkataon.
"Bahay 'to?"
Biglang napataas naman ang kilay ko sa sinabi niyang iyon. Wow, edi ikaw na ang malaki ang office na para ng bahay. Kahiya naman sa'yo, Sir.
"Ahh hehe, opo. Wala po kaseng budget kaya ito lang ang nakayanan" pabebe kong tugon sa kaniya. Pero sa totoo lang ay gigil na ako dito kay Sir.
BINABASA MO ANG
GADREEL: The Fallen Angel (What's In The 13th Floor Book 1)
HororHave you ever use an elevator? Most of us did. But what if one time, that elevator you used to ride everyday put you to a floor you shouldn't be. Are you brave enough to discover the mysteries that lies beyond that floor, or smart enough to realize...