Billy Pov.
Tinanong mo ako kung naniniwala ba ako sa love at first sight..
Oo, naniniwala ako..
Dahil nung una palang kitang nakita dito sa rooftop alam kong nabihag mo kaagad tong puso kong matagal nang walang nag papatibok..
Yung tipong hindi ko na maalis ang paningin ko sayo..
Kung paano ka mag isip ng malalim..
Kung paano kumunot ang iyong mga noo.
Kung paano gumalaw ang iyong mga labi..
Kung paano ka nagulat nung lumitaw ako. .
Kung paano ka mag tanong kong multo rin ba ako?
Kung paano mo sabihin saakin na muka akong si casper..
Kung paano ka nag react nung nag salita ako..
At kung paano mo nagagawang maging maganda at maging gwapo at the same time ..
Alam kong simula palang gusto na kita hanggang sa nag tagal at nasanay akong palagi ka sa tabi ko ..
Sa tawanan, sa iyakan dahil namimiss mo na ang family mo, sa takotan at lalo na sa asaran...
Sabi ko nung una dapat layuan na kita, hindi dapat tayo mapalapit..
Dahil alam kong maiiwanan ako..
Darating ang araw na magigising ka at ako maiiwanan mag isa..
Kaya ayaw kong mapalapit sayo dahil ayaw kong hanap hanapin kita pag wala kana ..
Sinubukan ko naman eh..
Pero habang tumatagal lalo lang akong napapalapit sayo at hindi ko mapigilan ang sarili ko ..
Ngayon..
Dumating na nga ang oras na yon Xera ..
Magigising kana..
Sabi mo mangako ako sayo na mag papakita ako sayo..
Pero hindi ko magawa..
Ayukong ng pumasok pa sa mundo mo.
At alam natin pareho hindi tayo pwede ..
Buhay ka at ako ay patay...
Lagi mong sinasabi na kapag nagising ka hahanapin moko dito.
Na isisigaw mo ang pangalan ko.
Na isasama mo ako sa lahat ng pupuntahan mo..
Lahat ng yun ay mga salita mong lumipad kasama ng hangin at nag laho ..
Dahil hindi mo na ako maaalala pa kahit kailan Xera...
Lahat ng masasayang nangyare mawawala sa isipan mo ..
Lahat ng mga sinabi mong mabubulaklak na salita makakalimutan mo ..
Lahat ng pangako mo saakin ..makakalimutan mo..
Lahat ng deal at napagkasunduan natin..
Alam kong makakalimutan mo sa pag gising mo ..
Kung ako ang papipiliin, mas gusto kita sa tabi ko. Pero hindi ako ganun kasama para ipagkait ka sa pamilya mo ..
Ayaw kong sayangin mo ang buhay mo kaya tinulungan kita.. At kapalit nun ay ang pag hahanap sa parents ko at sa katawan ko..
Pumayag ako dahil ayaw kong manatili ka dito.. Kahit na alam kong hindi mo maibibigay ang tulong na sinasabi mo .. Dahil pag nagising ka ..
Burado ako sa isipan mo ..
Burado ang mga pangako mo.
Burado lahat ng masasayang alaala nating dalawa.
Ayaw kong manatili ka sa tabi ko...
Dahil masasaktan lang tayong pareho .
Hindi ito ang tamang oras para saating dalawa..
Sabi mo someday we'll meet again ..
Someday magkakasama tayo
Someday baka mahalin narin kita..
Pero simula pa nung una minahal na kita..
Hindi ko sinabi dahil ayaw kong maging makasarili ..
At tama lang siguro ang ginawa ko..
Dahil ngayon,
Nakikita kong masaya ka kasama ang iyong pamilya..
Salamat..
Salamat sa lahat..
Salamat sa mga sandaling pinaramdam mo kung paano ba maging masaya ulit ..
Salamat sa iniwanan mong alaala na maiiwan saakin sa loob ng mahabang panahon..
Hanggang dito nalang ba.? ..
Hindi..
Dahil tinuruan mo ako kong paano maging matatag.
Kung paano lumaban ng hindi natatalo ..
Kung paano magpatuloy.
Kung paano maging malakas at palaban ..
Tinuruan mo ako ng hindi mo alam ..
Araw araw ipinaparamdam mo saaking espesyal ako .
Pinasaya mo ako subra...
At ngayon,
Bakit ako mag papaiwan kung umuusad ka?..
Titigil nalang ba ako... ? ..
Sa buhay kailangan mong maging matatag..
Tinuruan mo ako kung paano mag hintay..
At mag hihintay ako sayo ..
Susubukan ko ipaalala sayo ..
Ipaalala sayo na mahal mo ako...
Naniniwala akong hahanapin ako ng puso mo..
At hihintayin ka ng saakin hanggang sa maalala mong minsan nag mahal ka ng isang multo,isang magandang multo na paulit ulit lumalabas sa iyong mga bibig ...
Alam kong mag sisimula tayo ng panibagong kabanata ..
Sa kabanatang, multo at tao ang bibida..
Hindi multo sa multo ..
Mahirap mag simula, pero tataposin natin to hanggang sa pwede na, gaya ng sabi mo ..
Mag hihintay ako hanggang sa maging normal na ang lahat ..
Na mag mamahalan tayo dahil pareho na tayong may katawan at kaluluwa...
At sana .. Hindi ako makalimutan ng puso mo ..
Dahil ako? .. Sayo lang ang puso ko Xera..
Now..
"Let the magic begin."...
YOU ARE READING
Inlove With A Ghost!!?? [COMPLETED]
Storie d'amoreWhat would happen if you experienced an incredible event and when you woke up you would find a beautiful ghost? Would Xera want to go back to her body if she was already inlove with a ghost? Yess bisshes! Read it. Welcome to my story. Muah😘 -photo...
![Inlove With A Ghost!!?? [COMPLETED]](https://img.wattpad.com/cover/235281786-64-k756025.jpg)