"Sa loob ng apat na taon naging lonely ako, mag isa, walang kasama, walang kausap dahil hindi ako marunong mag salita ng tagalog, hanggang sa lagi akong nakakarinig ng usapan ng ibang mga ghost natuto ako mag tagalog.."..
Nakayuko siya habang nag kukwento...
"Nong natuto na ako, may naging kaibigan ako, sila sir pablo, si greco and coco, marami pa, mababait silang lahat, kahit hindi ko sila kalahi pinakisamahan parin nila ako ng maayos.." ..
Nakikinig lang ako at paminsan minsan umiinom..
"And then one day, nahanap ko ang safe place ko, sa roof top ng hospital, doon ako namalagi, minsan bumababa ako para e check kong bumalik na ba ang parents ko,paulit ulit na ginagawa ko yon araw araw pero lumipas ang mga taon walang resulta,"...
Nararamdaman kong pinipigilan lang niya ang luha niya...
Hindi ko maiwasang malungkot...
Grabe apat na taon?!
Mag isa lang siya ..
"hanggang isang araw pag balik ko sa roof top, may isang babaeng nakaupo sa may barrier at malalim ang iniisip, nang makalapit ako tyaka ko siya nakita ng masinsinan, hindi siya buhay na tao kundi isang kaluluwa din kagaya ko, hindi ko pa siya nakita doon sa hospital at ang hula ko bago lang siya.."..
Wow... Siya kaya yong penny? ..
"nasa malalim siyang pag iisip kaya hindi niya ako napansin, nakatalikod parin siya, napag pasyahan kong mag bago ng anyo at maging ganito para gulatin siya, pagkaharap niya saakin, hindi lang siya ang nagulat kundi pati ako, taga miami ako pero wala pa akong nakitang ganun ka gandang babae at the same time malakas ang dating, as in subrang ganda at ang gwapo niya , pinag halong ganda at pogi"..
Inlove ang multo haha...
"gaya ko ba?".. Sabi ko sabay kindat....
"Hindi nuh mas lamang pa yon sayo... ".. Sabi niya..
"Ang sama, sege na tuloy na ano na nangyare.."...
"Ayon na nga, tawang tawa ako ang kyut niya magulat, at gaya ng tawag mo saakin, napagkamalan niyang ako si casper, at white blanket din ang sabi niya..."... Natatawang sabi niya..
"Eh yon naman talaga eh, ganun ang itsura mo hindi mo kami masisisi kasi ganun nga talaga ang itsura mo" .. Sabi ko ..
"naging close kami, pinilit kong umiwas sa kaniya pero hindi ko magawa eh, masyado siyang nakakamiss.. Umiwas ako dahil alam kong darating ang araw na magigising siya at ako maiiwanan, kaya ayaw kong mas mapalapit pa sa kaniya kasi ako yong masasaktan, humingi siya ng tulong saakin kong paano bumalik sa katawan niya, at nagkaroon kami ng deal.."..
"Tinuruan ko din siya kong paano maging ghost, kung paano mag teleport, mag laho at humawak ng mga bagay bagay,.. Nagustuhan niya yon at masaya akong nakikita siyang nag eenjoy.."..
"Mag teleport? Wow ang cool parang may super powers... "... Sabi kong manghang mangha...
"Ganyan din ang sabi niya, ang cool at para daw siyang may super powers,
Araw araw niya akong kinukulit na mag bago ng anyo gaya ng ginagawa mo kaya naman nagpasya akong ipakita sa kaniya ang tunay kong itsura at feel ko ako yong pinakamagandang babae sa mundo dahil sa tingin na ibinibigay niya, nag daan ang mga araw, nalaman namin na si nemo ang makakatulong para makabalik siya.. Ako naman malungkot pero kailangan niyang bumalik dahil nag hihintay ang pamilya niya."..
"Maganda ka talaga?"... I asked her..
"Mamaya kana mag tanong..." ..
"may nabanggit kang deal nio?".. Tanong ko ..
" Ah yong deal, sabi niya tulungan ko siya makabalik at tutulungan niya din akong mahanap ang parents ko at alamin kong buhay paba yong katawa ko, tinulungan ko siya kahit na alam kong hindi nya magagawa yong sinabi niyang tulong... " ..
"Nag karoon kami ng away, nagalit ako sakaniya dahil ayaw niya nang bumalik pa sa katawan niya, ayaw niya ng magising dahil ayaw niya akong iwanan, hanggang sa inamin niyang mahal na niya ako, sinaktan ko siya para piliin niyang gumising, at hindi nga ako nagkamali, hinanap niya ako at hiningi ulit ang tulong ko.. Nangako siya na kapag nagising siya hahanapin niya ako kaagad sa rooftop"...
"Hinanap kaba niya noong nagising siya?".. Tanong ko..
"Hindi,"..
"Bakit?! Diba nangako siya? Tarantado pala siya eh!.. Nangangako pero hindi naman niya napanindigan!"..
Nakaramdam ako ng inis sa sinasabi niyang nilalang nayon ....
"Kaya nga eh napaka daya niya, pero naiintindihan ko siya dahil ganon naman talaga, kapag nagising ka mula sa coma makakalimutan mong naging kaluluwa ka, makakalimutan mo lahat ng ginawa mo noong pagala gala kapa, hindi ko siya masisisi dahil mangyayare talaga yon.. Alam kona simula palang na kapag magising man siya makakalimutan niya ako, makakalimutan niyang minahal niya ako, tinanggap ko yon..."....
"Sorry"...
"Ako ang talo dahil hindi ko pinigilan yong sarili kong mahulog sa kaniya kahit alam kong sa huli ako yong masasaktan..."..
"Nagising na siya ngayon?"... Tanong ko..
"Oo"...
"Nasaan na siya, bat hindi ka nag pakita sa kaniya?"... Tanong ko..
Nag pakita nga siya saakin eh ede magagawa niya ring mag pakita doon sa mahal niya..
"Ewan"... Tipid na sagot niya...
"Okay ka lang ba?" ..
"Medyo..."...
"Alam mo ba noong huling araw at gabi naming mag kasama, ang alam niya hindi ko siya mahal kaya naman humingi siya ng wish saakin, na sa huling araw niya sa pagiging ghost, maging girlfriend niya ako at hayaan ko daw siyang iparamdam na mahal niya ako... Syempre ako nag pakipot pero pumayag pa din.. Subrang sweet niya,nanuod kami ng sene, nag laro sa arcade at kumain ng ice cream.."...
"Teka billy! Paano niyo nagawang manood ng sene, mag laro sa arcade at kumain ng icecream eh multo kayo? As in invisible? .. Paano kapag may nakakita sa mga bagay na lumulutang?"... Tanong ko..
Kaya nga naman paano nangyare yon ..
"Doon nga ako bumilib sa kaniya eh, talagang ginawa niya lahat para magawa namin ang gusto namin sa araw ng date namin.. Ginawa niya itong perfect!, napaka honest niya, hindi niya ginawang pagnakawan yong mga cashier, nang iiwan lang siya ng pera kapalit ng mga product na kinakain o ginamit namin nong araw nayon, ginawan pa niya ng paraan para hindi matakot yong mga tao...'...
"Mahal ka nga talaga niya..." .. Sabi ko...
"At napaka romantic niya subra, niyaya niya akong mag dinner sa roof top! Dinner na walang pagkain haha, pinuno niya ng mga ilaw yong roof top at yong lapag madaming petals, isinayaw niya ako at kinantahan, sa mga oras na yon feel ko ako na yong pinakaswerteng babae .. Pagkatapos niyang kumanta may sinabi siyang hindi ko makakalimutan, at hindi siya napapagod sabihin na napakaganda ko.. Pero sa huling minuto naming magkasama bago siya maglaho, nasabi kong mahal ko din siya. Mas pinili kong sabihin noong nag lalaho na siya para hindi na mag bago ang isip niya, dahil kapag alam niyang mahal ko din siya mas pipiliin niyang makasama ako at hindi ako ganun kasama para ipag kait siya sa pamilya niya"...
"Ang swerte niya minahal mo siya, ang pangit ng ending niong dalawa, walang forever, may balak kabang ipaalala sa kaniya?".. Tanong ko...
"Wala, ayaw kong malaman niya pa yon , siguro yong story namin para saakin lang..ayuko ng ipaalala pa, at isa pa hahayaan ko siyang hanapin ako, sabi niya mahal niya ako at never ako makakalimutan ng puso niya, umaasa ako doon, hihintayin kong mahanap ako ng puso niya ng hindi ko sinasabi ang nakaraan namin...".. She said ..
"Kong totoo man na mahal niya ako, bahala na ang tadhana.. Kung kami, kami talaga, makakapag hintay ako , hanggang sa okay na."...
"Pero sana mahanap ako ng puso niya.."...
Yong puso ko, ang bilis ng tibok...
ang I don't kno why.....
YOU ARE READING
Inlove With A Ghost!!?? [COMPLETED]
RomanceWhat would happen if you experienced an incredible event and when you woke up you would find a beautiful ghost? Would Xera want to go back to her body if she was already inlove with a ghost? Yess bisshes! Read it. Welcome to my story. Muah😘 -photo...
![Inlove With A Ghost!!?? [COMPLETED]](https://img.wattpad.com/cover/235281786-64-k756025.jpg)