Avery"Arayyyy!! Sorry na Uling!! Patawarin mo na ako hindi na, sorry naaaa!!! Arayyyy!!! Avery masakit!!"
"Masasaktan ka talagang loko ka."sabi ko at mas hinila ang tenga ni Grey. Andito kami ngayon sa may harap ng gym, wala kasing masyadong tao dito.
"Sorry na nga, naiinis lang ako dun sa babae kanina kaya ko nagawa yun."sagot niya, naawa naman ako kasi pulang pula na talaga yung tenga niya.Lumayo siya sa akin sabay haplos sa tenga niya. Hays late na tuloy ako. Tumingin ako sa kanya ng masama.
"Ha! Alam mo bang sinabin akong malandi nang dahil dyan sa ginawa mo?!"inis na tanong ko.
"Talaga?!Sinong may sabi?Patitikimin natin ng sarap?"
I glared at him "Anong sarap ha?!"hinampas ko siya sa braso "Anong sarap?!Wala ka talagang kwentang kausap."tumalikod na ako at nag simulang maglalad ng bigla siyang mag salita.
"Wow naman Uling, matapos mo akong saktan iiwanan mo na lang ako dito nang parang walang nangyari."
Hindi ko siya pinansin at nagpatuloy ako sa paglalakad.Dahil late na ako, hindi na ako papasok sa first subject ko.Dumiretso ako sa garden ng school para magpalipas ng oras.
Pagdating ng hapon ay sabay kaming dumiretso ni Summer sa dorm nila ni Reign, andun na kasi si Reign kasi maagang natapos ang klase niya.Pagdating namin sa dorm nila nakita namin na maayos na ang mga gamit nila na dadalhin pag lipat sa bahay namin.
"Na saan si Reign?"tanong ko kay Summer at dumiretso sa sofa at umupo.
"Baka na sa kwarto, wait check ko lang."umalis siya at dumiretso sa kwarto nila.Ako naman ang inayos ang ibang gamit nila.
"Omygad!!"
Napatingin ako sa pinganggalingan ng sigaw, sa kwarto. Dali dali akong tumayo at tumakbo pupunta sa kwarto.
"Bakit?Sinong sumigaw?"tanong ko pag kabukas ng pinto.Nakita ko si Reign na nakaupo sa kama habang si Summer ay nakahawak sa cellphone ni Reign.
Tuluyan akong pumasok at lumapit sa kanilang dalawa.
"Anong nangyari?"tanong kung muli. Nag angat naman ng tingin si Reign.
"Nag bagsak ang eroplano na sinasakyan ng Mommy at Kuya mo. Hindi ko alam kung kasama ang Kuya at Mommy mo sa mga namatay."
Parang gumuho ang mundo ko sa sinabi ni Reign.Para akong tinakasan ng kaluluwa, nanlambot ang tuhod ko dahilan para mapaluhod ako. Tinulungan naman ako ni Reign at Summer tumayo at pinaupo ako sa kama.
"Avery Cole, look at me."Summery said while holding my cheeks. "Hindi pa tayo sure okay?Sa ngayon think positive lang okay?"she said, still holding my cheeks, I nodded while wiping my tears.
"Sa ngayon, tara nasa bahay niyo, magpahinga muna tayo,"sabi ni Reign at hinila ang kamay ko patayo.
Pagdating sa bahay ay agad kung tinuro ang magiging kwarto nang dalawa.Bumaba kami para maghandan ng aming hapunan.Gabi na kami natapos mag luto. Naghahanda ako ng mga plato at baso samantalang yung dalawa naman ay nagaayos ng ulam at kanin. Isinatabi ko muna ang isipin tungkol sa insidente. Pagkatapos maghanda ng mga pagkain at plato ay biglang mag nag doorbell.
"Ako na."prisinta ko at dumiretso sa pinto.Nasa gate pa lang ay natanaw ko agad ang mukha ni Calliope at Azarell.
"Anong ginagawa niyo dito?" tanong ko habang nakapamewang.
"Sleep over!!!Hahaha!!"sigaw ni Autumn kaya napairap na lang ako sa ere. Sleep over daw, pero alas tres na ng madaling araw ang tulog. Binuksan ko ng malaki ang gate para makapasok sila.
BINABASA MO ANG
Until we meet again
RomanceKasalan. Lahat ng pagmamahalan ay nauuwi sa kasalan. But, im not her groom. "I love you, I love you so much." I said. Date Started: July 28,2020 Date Finished: ----------