Avery
Pangiti-ngiti ako ng makapasok ako sa gate namin. Ang dami ko namang pagkain habang nanonood ng Kdrama. Masarap talagang manood ng Kdrama habang kumakain.
"At saan ka galing aber?!"
"Ay aber!!" napahawak ako sa dibdib ko dahil sa gulat sa sigaw ni Summer.
"Hoy, saan ka nga nagsusuot?!" sigaw na tanong niya sa akin habang nakapamewang.
"Sa convenience store lang, bakit?"
Lumapit siya sa akin, naka uniform pa pala siya. "Kanina ka pa hinahanap sa akin ni Vixcious!! Akala niya nawawala ka." sigaw niya sa akin.
"Ni Vix? Na saan na siya?!"
"Hindi ko alam, hinahanap ka siguro. Nag punta daw siya dito, pero wala ka kaya pinuntahan pa ako sa room para itanong kung kasama ba kita. Sabi ko hindi, tapos ayun, nawawala ka daw. Hindi mo daw kasi sinasagot ang mga tawag at text niya. OA ng jowabels mo." mahabang sabi niya.
"Hindi ko siya boyfriend." mahinang sabi ko.
"Hindi boyfriend pero kung makapag-alala sayo akala mo asawa ka niya. Label pleaseee!!" maarteng sabi niya at pumitik pa sa hangin.
"Label mo mukha mo, hindi niya ako gusto okay?" sabi ko at naglakad papuntang dining.
"Hindi ka gusto pero gusto mo." sabi niya na nakapagpatigil sa akin sa paglalakad.
Hindi ako gusto, pero gusto ko siya?
Hindi ako sigurado, pero sa tuwing may ginagawa siyang kakaiba, bumibilis ang tibok ng puso ko.
Gusto ko ba siya?
Ewan ko, naguguluhan ako. Hindi ko alam, basta masaya ako pag kasama ko siya.
"Ano? Napatigil ka? Gusto mo siya ano?" tanong niya. Umiling, hindi pa din humaharap sa kaniya. "Hindi ko siya gusto." sagot ko at dumiretso sa dining.
Hindi nga ba?
Luh!! Hindi nga!!Noooo!! Hindi!! Hindi!! Hindi!! Argh!!! Mababaliw na ako.
Argh!! Makakain na nga lang.
Habang kumakain ay napagusapan naming tatlo ang Christmas vacation.
"Aalis na ako bukas, sabi kasi ni Mommy madami daw kaming gagawin sa kina Lola kaya dapat andun na kami." sabi ni Summer matapos uminom ng tubig.
"Sa Sunday ako aalis." sabi naman ni Reign, tumayo siya para dalhin ang ponagkainan niya sa lababo.
"Ikaw? Kailan ka aalis?" tanong ni Summer.
"Hindi ko pa alam, pero siguro naman bago pumasko." nagkibit balikat ako at tumayo.
Dumiretso ako sa kwarto at nag toothbrush. Lumabas ako ng cr, nakita ko ang binili kung keychain para kay Vix, kinuha ko ito at dumiretso sa veranda. Naupo ako sa sahig at tinitigan ang angry birds.
Pareho kayo ng kilay.
Pero hindi kayo pareho ng kulay, siya sobrang puti, ikaw itim.
Narinig ko ang ringtone ng cellphone ko. Dali dali akong lumapit sa bag ko kung nasaan ang cellphone ko. Agad na nagwala ang puso ko ng makita ko ang pangalan ni Vix.
"Hello Cole?!"
"Vix."
"Are you okay? Where the hell are you?!"
BINABASA MO ANG
Until we meet again
RomansaKasalan. Lahat ng pagmamahalan ay nauuwi sa kasalan. But, im not her groom. "I love you, I love you so much." I said. Date Started: July 28,2020 Date Finished: ----------