Chapter 15

1 1 0
                                    

TYPO, WRONG GRAMMAR AND WRONG SPELLING ALERT. CHURI PO

PLEASE VOTE COMMENT AND SHARE!!
THANKYOU
GODBLESS Y'ALL♡

***

Avery

Argh!! Nakagigil talaga itong taong to. Wag kasing mangako kung hindi naman tutuparin. Broken promises is the reason why people is scared to trust.

Napapa english tuloy ako.

Nang umalis na yung babae na Lyria daw ang pangalan─wala namang nag tatanong sa kaniya, ay agad kung hinampas ang kamay ni Vix.

"Aw!! What's that for?!"

"Kadiri ka, honeybu──iw talaga." hinawakan ko ang dalawang pisngi ko. "Nakakakilabot."

Narinig ko siyang tumawa.

"At least... effective right?" he smirked.

"Bakit kasi nangangako, tapos hindi naman turuparin. Alam niyo kayong mga lalaki ang sarap niyong ihambalos." inis na sabi ko at tinapunan ko siya ng masamang tingin.

"I told you, I'm not the one who text her!! I didn't know her nga." depensa niya.

Inirapan ko lang siya at nag simula ng kumain ulit. Nakakairita ang pag ko-conyo niya. Aish!! Ang tagal naman nung dalawa. Naubos ko na ang spaghetti at chicken ko nang dumating sila.

"Ang tagal niyo naman." sabi ko habang ngumunguya ng fries.

"Duh!! Ang haba kaya ng pila."maarteng sabi ni Summer at iniabot sa akin ang wallet ko.

"Avery." tawag ni Vix na nasa tabi ko.

"Bakit?" tanong ko ng hindi siya nililingon.

"Where's my phone?"

Kinuha ko ang cellphone niya sa bag ko. "Salamat sa pagpapahiram." tumango siya bago tanggapin ang phone.

"Malapit na ang exam." basag ni Reign sa katahimikan.

Nangunot ang noo ko. "Kailan?"

"Duh!!" sabi ni Summer at pumitik sa hangin. "Next month na."

Napangiwi ako. Balak ko sanang mag switch ng course, pero parang hindi na pwede. Pag kasi nag switch ako, mahihirapan na akong maghabol.

"Hindi na pala ako pwedeng mag switch ng course." sabi ko sa sarili ko na narinig pala nitong katabi ko.

"Why did you want to change your course?" tanong ni Vix.

"Change course?!" sabay na tanong ni Reign at Summer.

Napairap naman ako. "Hindi na, mahirap maghabol." sabi ko.

Natapos kaming kumain ay naglibot muna kami sa mall.Nakasunod lang sa amin si Vix. May nakita kaming mag jowang naka couple shirt.

Lumapit ako kay Summer. "Look, mag couple ng damit hindi naman magtatagal." tumawa ako.

"Bitter mo ghorl. Ilang ampalaya ang nakain mo?"tanong niya at tumawa ng tumawa.

Umismir lang ako at nagpaunang maglakad. Totoo yun!! Walang forever, maniwala kayo sa akin.

"Wala naman yata kayong bibilihin, tara na umuwi." rinig kung sabi ni Reign.

"Oo nga, uwi na tayo 6:30 na oh!! Manonood pa akong Kdrama." sabi ko at inakbayan ang dalawa. Nagsimula na kaming maglakad, pero napatigil kami sa sigawan ng mga tao.

Until we meet againTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon