Chapter 13

1 2 0
                                    

PLEASE VOTE COMMENT AND SHARE!!

THANKYOU
GODBLESS

───

Avery

Bitbit ang dalawang plastik na naglalaman ng mga pagkain ay dumiretso kaming dalawa sa KTV lounge.

"Hindi ka ba nagsasawa sa streetfoods?" tanong niya habang nakapamulsang naglalakad. Sa isang kamay ang dalawang plastik.

"Hindi, minsan lang kasi ako makakain ng ganito."

Nagpatuloy kami sa paglalakad ng biglang may bumangga sa kaniya.Napatingin lang si Vix dun sa lalaki. Hindi man lang nag sorry ang lalaking nakabangga sa kaniya at dirediretsyong naglakad. Hinila ko ang braso nung lalaki.

"Hindi ka marunong mag sorry ha?" sabi ko at hinila naman ni Vix ang damit ko.

"Wag mo ng patulan." hinila niya ang likod ng damit ko.

"Eh hindi marunong magsorry ito eh." muli kung tiningnan yung lalaki. Nakita ko ang pag-igting ng panga nung lalaki. "Wala kang manners." patuloy ko pa, bigla akong tinulak nung lalaki, buti na lang ay naalalayan ako ni Vix.

"Tama na Avery Cole." maotoridad niyang bulong. Inambaan ko ng suntok yung lalaki.

"Aish!" ginulo ni Vix ang buhok niya at walang pasabing binuhat ako na parang sako ng bigas.

Hinampas ko ang likod niya "Bitiwan mo ako!!Gago nakakahiya!!" patuloy ko pa ding hinahampas ang likod niya.

Ibinaba niya ako nung malapit na kami sa KTV. Inayos ko ang damit ko na medyo tumaas dahil sa pagbuhat niya sa akin.

I glared at him. "Kingina ka lamoyun?!" seryoso lang siyang nakatingin sa akin.

"Wag mo ng uulitin yun." maydiin na sabi niya. Umikot ang mha mata ko at namewang.

"Walang modo ang gago, ayoko ng ganun." bumuntong hininga siya at hinila ang kamay ko patungo sa KTV room.

"Ayokong mapahamak ka okay? Hindi ko na pinansin kasi pag ako ang sumapak." he sighed. "Baka mabura ang mukha niya." he mumbled.

"Yabang nito." bulong ko habang hila pa din niya ang kamay ko.

***

Pagdating sa loob ng KTV room ay sumalubong agad sa amin ang ingay nila. Tawanan, kantahan at asaran.

Akala ko ay mga nakawala sa kural.

"Dito tayo." hinila ko ang braso ni Vix papunta sa table na puno ng bote ng alak at balat ng mga snacks.

"Hoy, saan mo napulot yan?" sabi ni Summer habang nakanguso kay Vix.

Wala na. May tama na ng alak to.

"Sa bookstore." sagot ko at nilingon si Vix na nakatinigin kay Calliope na kasalukuyang nag sasayaw sa may mini stage.

"Uy Vix, maupo ka dito, hayaan mo na sila dyan." sabi ko habang inaayos ang mga pagkain na nabili namin sa labas. Umupo naman siya sa tabi ko.

"Lasing na sila. Pano kayo uuwi?" takang tanong niya at nagsimula ng kumain.

Kumagat muna ako sa isaw bago sumahot "Si Orishii."

Until we meet againTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon