Chapter 8

2 2 0
                                    


Avery

Dinaig ko pa ang may birthday haha. May lima kasi akong paper bag na bitbit. Yes, may suhol sila sa akin. Kung anu-anong KPOP merchandise ang suhol nila. Naala ko tuloy nung nabasag ni Autumn yung perfume ni Summer. Pinalitan niya tatlo agad para daw 'Im so sorry' parang baliw lang kasi hindi naman nila kailangang mag suhol o palitan. Sorry lang naman okay na kami, pero mapilit sila e.

──

Pagkatapos kung ayusin ang gamit ko ay bumaba na ako para kumain. Pagdating ko sa kusina ay naabutan kung nag hahanda ng pagkain si Summer.

"Si Ulan?"tanong at humila ng upuan.

"Nasa labas, may kausap sa cellphone. I think Mommy niya yun." humila din siya ng upuan at umupo sa harap ko "Ikaw ba ang umorder ng pagkain?" patuloy niya habang ngumunguya.

"Hindi, baka suhol ulit."nagkibit balikat lang siya at nagpatuloy sa pagkain.

"Kamusta naman ang Mom and Kuya mo? Okay lang ba sila?"tanong niya pagkatapos lumunok.

"Yeah, nakausap ko si Dad kagabi."

"Oh! Reign kain ka na."sabi ni Summer habang nakatingin sa pinto ng dinning. 
"Aish!!Pagod na ako!!"daing ni Reign sabay hila ng upuan sa tabi ko. "Ayoko na!!"sabay dukdok ng mukha niya sa mesa.

"Kaya mo yan, training lang yan mataray ka." tumingin siya sa akin ng masama habang naka pout. Cute!

"Bakit kasi nag criminology ka? I thought gusto mo is Doctor."si Summer sabay tayo at dumitetso sa lababo.

"Doctor is my first choice, while police is my second choice, but hindi ko alam na ang hirap pala. Dagdag mo pa si Daddy."sagot niya sabay sabunot sa sarili niya.

"Okay wag mo munang kaisipan yan, second year college palang tayo okay? Mas mahirap pa ang next journey natin.Fighting lang!!"pagpapalakas ko sa loob nila.

──

Nang matapos kaming kumain ay dumiretso na kami sa kwarto ko. Dito na lang kaming tatlo matutulog sa kwarto ko para sama sama na lang kami.Nanood kami ng movie ng mag ring ang phone ko. Its Vixcious. Pumunta ako sa swing sa labas nang bahay bago sinagot ang tawag.

"Hello"bungad ko.

"Good evening Avery, naistorbo ata kita."

"Medyo lang, nanood kasi kaming movie." pero syempre joke lang yun, ang boring kaya ng pinanood nila.

"Hahaha sorry, kumain ka na?

"Yes, how 'bout you?"

"Yeah katatapos lang."

Awkward silence.

"Ah bye Vix.Inaantok na kasi ako."

Pinutol ko na ang tawag. Kung tatawag naman kayo may topic dapat. Bwiset may paglabas pa ako ng bahay.


──

Wala pa ding tatlo sa Alaska
11:30 pm

Autumn:

Until we meet againTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon