Chapter 12

1 2 0
                                    

PLEASE VOTE COMMENT AND SHARE!!

THANKYOU
GODBLESS

───

Avery

Lunch break, naglalakad ako ngayon pupunta sa cafeteria. Nauna na kasi si Summer, nag cr pa kasi ako.

Habang naglalakad papuntang cafeteria ng biglang may humarang sa mukha kung paper bag. Iginilid koang ulo ko para tingnan kung sino ito.

"What's that Vix?" tanong ko at ibinaba naman niya ang paper bag.

"Bulalo, tara na sa cafeteria." hinila ang ang kamay ko papunta sa cafeteria.

Hila-hila niya ang kamay ko hanggang makarating kami sa cafeteria. Agad kung hinila ang kamay ko sa kanya at ako naman ang humila sa braso niya papunta sa table namin. Napatingin sina Summer at Reign sa amin.

"Pagkain ba yan?" tanong ni Azarell bago tumayo at lumapit kay Vix, umupo naman ako sa tabi ni Grey. Itinaas ko ang kamay ko para maki pag  fist bump sa kanya.

"Pahingi nga kasi ako!!" napatingin ako kay Azarell na siyang sumigaw. Pilit inaabot ang paper bag kay Vix. "No. Kay Avery to." tumingin siya sa akin at lumapit, umupo siya sa bakanteng upuan sa tabi ko.

"Here." inilabas ni Vix ang bulalo mula sa paper bag. Agad na nagning-ning ang mata ko ng makita ko ang bulalo. Dali dali kung binuksan ang tupperware at sumandok ng sabaw.

"Ang sarappp." napatigil ako sa pagkain at napatingin sa kanila. Nakatingin silang lahat sa akin. "Gusto niyo?" nag-aalinlangang tanong ko. Umiling silang lahat.

"Hindi na."

"Kulang pa yan sayo."

"Nakakahiya naman."

"Ako Riri hindi nahihiya, pahingi ako." hinila ni Azarell ang lalagyan ng bulalo.

"Wag mong uubisin ha?" sabi ko bago tumingin kay Vix. "Thank you ha?Bakit mo nga pala na isisipan na bilhan ako ng bulalo. " ngumiti siya sa akin.

"Hindi kasi kita nakita sa karinderya kaya nag takeout na lang ako para sayo."

Narining kung nagsi ubuhan ang mga kasama ko sa table. Paktay na, may ubo yata itong mga 'to.

"May sakit kayo? TB?" tanong ko at tumawa naman sila. Gago itong mga to. Legiterist na gago amp.

◯◯◯◯◯◯


"Oy!! Uwi na tayo.Hinihintay na tayo ni Reign sa gate." sabi ni Summer habang papalapit sa akin. "Mauna ka na, may gagawin pa ako." sagot ko at tumayo para papunta sa library.Sumabay siya sa akin sa paglalakad.

"Sure ka?Samahan ka na namin."

"Hindi na, saglit lang naman ito. Mauna na kayong dalawa okay?" tumango siya.

"Mauna na kami ni Reign ha?Mag-ingat ka. Bye." kumaway siya bago umalis.Nagatuloy naman ako sa paglalakad papunta sa library. Lintik na research.

Pagkatapos ng ilang oras ay natapos na ako sa aking pakening research. Tiningnan ko ang wrist watch ko. Ala sais na pala ng gabi.

Iniligpit ko na ang mga gamit ko at lumabas ng library. Habang naglalakad palabas ng gate ay naalala kung wala nga pala akong dalang motor. Bumuntong hininga na lang ako at nagpatuloy sa paglalakad.

Paglabas na gate ay may nakita akong magtataho. My favorite. Dali-dali akong lumapit kay Mang Taho. I mean kay Manong magtataho.

"Manong, taho nga po." kinuha ko ang wallet sa bag ko. "Magkano po?" tanong ko.

Until we meet againTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon