Chapter 19

2 1 0
                                    

A/N: Naka inspired ang Remi (Nobody's girl) kakatapos ko lang panoorin eh.
Skl ko lang HAHAHA wrong grammar sorry tao lang, hindi ako matalino.

Btw high way, open ang facebook account ko sa mga hinanakit niyo. Just add me on my facebook account.

Fb: Kiichan Writes

***

Avery

Pag dating sa tapat ng gate ng bahay namin ay bumaba si Vix para pagbuksan ako ng pinto. Bumaba ako at nagpasalamat.

"Thank you for this day." pagpapasalamat ko. Ngumiti siya at lumapit sa akin.

"Can I hug you?" tanong niya nakapagtulala sa akin ng ilang segundo. Hindi pa ako nakakasagot ay naramdaman ko na ang mga braso niya sa likod ko.

Naramdaman ko ang pagwawala ng puso ko.

"Thank you, thank you kasi kasama kita ngayong birthday ko." bulong niya habang nakayakap pa din.

Birthday, birthday niya pala hindi man lang sinabi sa akin.

Yinakap ko siya pabalik. "Happy birthday Vix. Hindi mo man lang sinabi." mahinang sabi ko. Humiwalay siya ng yakap.

"Its okay, ang makasama ka ngayon ay isang magandang regalo." nakangiting sabi niya.

Hala sis, paano kumalma?

Natawa ako. "Asus, wag nga ako." hinampas ko siya sa braso. "Bye, papasok na ako." kumaway ako bilang paalam. Kumaway din siya at sumakay sa kotse niya at umalis.

Tumalikod ako at binuksan ang gate, pagbukas ko ng gate ay bumungad sa akin si Summer, masama ang tingin sa akin habang na nakaupo sa swing.

"Bakit ganyan ka makatingin?" tanong ko.

Tumayo siya at lumapit sa akin. Malalim siyang bumuntong hininga.

"Wahhhhh!!! Omg girl!!!" tili niya, dali dali kung tinakpan ang bibig niya. Nakakahiya sa kapit bahay, alas otso na ng gabi.

"Shh!! Wag ka ngang sumigaw!! Nakakahiya sa kapit bahay." sabi ko at binitawan siya. "Bakit ka ba sumisigaw?!" inis na tanong ko at inirapan siya.

"Ayiee, I saw it sis. Anong meron sa inyo ni Vix?" sinundot-sundot niya ang tagiliran ko, hinampas ko ang kamay niya.

"Wag!! Nakililiti ako." natatawang sabi ko at dumistansya sa kaniya.

"Saan ka galing?"

Napatingin ako sa likod ko kung saan nagmula ang boses. Nakita ko si Reign na nakahalukipkip.

"A-ano, sa… dun sa ano, dun sa Resort!!" tumango-tango ako. Tama, sa resort nga yata kami pumunta.

Resort ba yun? Ay basta.

"Kaninong shirt yang suot mo, is not yours right?" usisa niya pa.

Tumango na lang ako bilang sagot, daig pa ni Reign si Mommy kung manermon.

"Pumasok na kayo sa loob, gabi na malamig sa labas." sabi niya at nag paunang pumasok.

Lumapit sa akin si Summer at may binulong na nakapagpamura sa akin.

"Nag loving-loving kayo ano?"

"Letche ka!! Anong loving-loving ka dyan?!" inis na tanong ko at nag paunang pumasok sa loob.

"Nag tatanong lang ako, wag kang defensive. Napaghahalataan ka hahaha." habol pa niya.

Inis ko siyang hinarap at namewang.

Until we meet againTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon