Chapter 22

4 1 0
                                    

A/N: mag vote kayo mga prenn, feel ko kasi ika-crushback na kayo.

Ako kasi na ghost, ay mali!! Ako pala yung nang ghost.

Kbye.















***

Avery

December 24 na, kunting push pa at pasko na. Sayang lang kasi umuwi na si Vix.  Pagkatapos kasi namin maglibot ay nag paalam siya na may emergency daw. Need niya daw umuwi. Hindi niya man lang sinabi ang dahilan, basta daw emergency.

"Ate!! Tara sa mall bibili tayo ng pangregalo for the exchange gift mamaya." sabi ni Aera pagkababa niya ng hagdan.

"Okay, maliligo lang ako." sabi ko at mabilis naman siyang tumango senyales na kailangan kung bilisan. Ilang minuto lang akong naligo at nag ayos.

Pagbaba ko ng hagdan ay nakita ko si Aera suot ang yellow floral dress. Napatingin naman ako sa suot kung jumper shorts. Okay lang naman ito, sa mall lang naman.

"Ate tara na!!" sabi niya at hinila ako papuntang garahe.

Binitawan niya lang ang kamay ko ng na sa tapat kami ng isang itim na kotse.  Sumakay siya sa passenger seat at inihagis ang susi.

"Ikaw na Ate ang mag drive. Wala pa akong lisensya."

Napamaang ako sa sinabi niya. Anong alam ko sa kotse? Motor at bike lang ang kaya kung paandarin. Ang alam ko lang sa kotse ay sumakay at bumaba.

"Hindi ako marunong. Motor lang ang kaya kung patakbuhin." sagot ko at ibinalik sa kaniya ang susi.

Kinamot niya ang ulo niya. "Paano tayo aalis?"

"Commute." simpleng sagot ko at nagpaunang lumabas ng gate.

"Hay nako Ate, need pa tuloy nating maglakad." reklamo ni Aera nang magsimula na kaming maglakad papuntang sakayan ng jeep.

"Bilisan mo na lang."sabi ko at binilisan ang lakad. Pagdating sa sakayan ng jeep ay may tumawag sa amin.

"Sasakay kayo?" tanong ni Manong na may hawak na madaming pera. Tumango lang ako at kinuha ang face mask sa bulsa ng jumper ko.

"Dito kayo nang makalarga na." sabi pa niya at itinuro ang isang jeep na mukhang masisira na. Napatingin ako kay Aera na nakasuot na din ng mask.

Tumango na lang siya at nag pauna ng sumakay. Medyo malayo kami ni Aera sa isa't isa. Bago pa makaandar ang jeep ay nagbayad na si Aera. Napatingin ako sa lalaking kaharap ko sa upuan. Tinaasan ko siya nang kilay. Ngumisi lang ang loko. Mukha namang adik sa kanto.

Agik agik hahaha tangina.

Hindi ko na lang pinansin ang mga matang pamangmasid. Inabala ko na lang ang sarili ko sa pag pe-facebook. May nakita akong post na halos umabot ng 300k reacts. Tinitigan ko itong mabuti. Omygashh. I can't believe this!! The rumor is spreading like a wild fire!!

The super model Vixrishia have a son?

Yan yung nakalagay sa caption, tapos may dalawang picture. Isang picture ng bata, siguro na sa 3 years old na ito. Tapos yung isa ay picture Miss Vixrishia hawak yung bata. And take note, magkamukha silang dalawa!!

Sigurado akong si Vixciuos ito!!

101% sure ako na siya ito, yan yung wallpaper niya sa cellphone niya.

"Manong dyan lang ho sa tabi."

Napatingin ako sa labas ng jeep, na sa tapat na pala kami ng mall. Bumaba na din kami ni Aera, habang naglalakad papasok ng mall ay may ibinulong sa akin si Aera.

Until we meet againTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon