VixciuosKatahimikan ulit ang namayani sa loob ng kotse ko, hindi ko alam kung ano ang pwedeng pag usapan.Nagptuloy na lang ako sa pag dadrive ng bigla siyang mag salita kaya napatingin ako ng saglit sa kanya.
"Matagal mo na bang kilala sina Azarell?"tanong niya ng hindi man lang nalingon sa akin."Si Azarell hindi, pero sina Grey, Autumn at Calliope, matagal na."sagot ko naman.
"Eh si Reign, kilala mo?"napatingin ako sa kaniya. Reign? Napaisip ako kung may kilala ba akong Reign.Tumingin ako sa kaniya sabay sagot ng "Wala."
Tumingin siya sa akin ng masama "Hindi mo kilala o hindi mo lang matandaan?"galit na tanong niya. Teka, bakit ba galit na galit to sa akin, sino ba si Re- Ahh.
"Ahh si Reign!!Yung kaibigan mo? Natatandaan ko na, bakit mo naitanong?"
"Siya lang naman yung isa sa mga nilandi mo, bitch ka."inis na sabi niya at tumingin na ulit sa bintana.
Shit!! Noong highschool pa yun, nag bago na ako.
Nagpatuloy na lang ako sa pag dadrive hanggang makarating sa village nila. Pag tingin ko sa kanya humihilik na siya ng mahina senyales na tulog na ito. Napatingin naman ako sa nag babantay sa gate ng village nila. Siguradong hindi nila ako papapasukin. Pero susubukan ko.
Pinaandar ko ang kotse ko malapit dun sa guard. "Good Morning pwede ba akong pumasok, may ihahatid lang ako sa loob?"ngumiti ako sa kanya.charm ko ito ang pag ngiti ko. Sana makuha siya sa ngiti ko.
"Hindi pwede, anong ba ang iyong ihahatid ha?Mensahe ba? Pagkain? Ano?"istriktong tanong niya.
"Tao ang ihahatid ko, dyan kasi nakatira sa loob nyang village niyo."
"Ay sino ba iyang ihajatid mo?"tanong niya habang lumalapit sa kotse ko. "Ay susmaryusep kang bata ka.Anong ginawa mo sa batang ito?!"tanong niya kaya umiling ako.
"W-wala po, nakita ko lang po siya kanina sa airport na umiiyak kaya sabi ko po sa kanya na ihahatid ko po siya." taranta kung sagot.
"Wala iyang kasama sa bahay nila. Hindi kita pwedeng pagkatiwalaan. Hindi ka pwedeng pumasok."nanlulumo akong bumalik sa kotse ko. Kinuha ko ang cellphone ko sa bulsa ko at dinial ang number ni Calliope.
"Oh"
Sagot niya sa tawag ko.
"Kasama ko ngayon si Avery."
"Oh tapos? Share mo lang?."
"Fuck you."
"Tumawag ka para lang murahin ako?"
"Hindi-kasi ano, di ako makapasok sa village, tulog sa kotse ko si Avery. Pwede ka bang pumunta dito?"
"Aish!!Abala ka natutulog yung tao."
"Bilisan mo na lang."
"Oo na!!"
Sinilid ko na ang selpon ko sa bulsa ko at pumasok sa kotse. Habang hinihintay kung dumating si Calliope ay pinagmasdan ko ang natutulog na si Avery.
"Naaalala mo pa kaya ako?Nang dahil sayo nag bago ako."bulong kung sabi habang hinahaplos ang pisngi niya.
"Pero siguro hindi mo na ako naaalala, kasi matagal na panahon na yun."ngumiti ako habang nakatitig sa kaniya.Dumating si Calliope kasama sina Summer at Reign na kapwa mga naka pantulog pa.
"Na saan si Cole?"tanong ni Reign.
"Nasa loob ng kotse ko."sagot ko sabay turo sa kotse ko.
Tumingin siya sa kotse ko tapos kay Calliope. "Calli, buhatin mo si Cole. Ilipat mo sa kotse mo. At ikaw" dumako ang mga mata niya sa akin. "Umuwi ka na, salamat sa paghatid sa kaibigan ko." malamig na sabi niya. Yung totoo yelo ba itong kausap ko?
Pinanood ko lang na buhatin ni Calliope si Avery pasakay sa kotse niya.Bumuntong hininga na lang ako at sumakay na sa kotse ko at pinaandar na ito paalis.
Avery
Naalimpungatan ako ng may naramdaman akong nag baba sa akin, pag tingin ko si Calli pala.
"Okay ka lang?"tanong ni Summer na nasa likod ni Calli. "Okay lang ako." tumingin ako sa paligid. "Asan si Vixcious?"tanong ko habang tumitingin pa din sa paligid.
"Pina uwi ko, baka may klase pa yun. Ma late pa." saad ni Reign, tumingin siya kay Calliope. "Tara na Calli gutom na ako."
Sumakay na silang lahat sa kotse.Pag dating sa bahay ay ako ng upo sa sofa samantalang dumiretso naman sina Calli ay Reign sa kusina habang si Summer naman ay umupo sa tabi ko.
"Okay ka lang?" Summer asked while yawning.
"Okay lang."Lipat na kayo dito mamayang hapon ha?"
"Oo na, wala na din kaming pang bayad sa renta."
"Wala na kayong pera?"tanong ko at tumingin sa kanya.
"Wala pang padala si Mommy, yung Mommy naman ni Reign, next week daw."sabi niya sabay tayo at pumuntang kusina.
Pag dating sa school, nakita ko si Vix na naglalalad papuntang gym. Nakalimutan ko nga palang mag thank you sa kanya.
"Vixcious!!!"sigaw ko, lumingon naman siya at ngumiti kaya kumaway ako sa kaniya.Naglakad siya papunta sa akin.
"Vix, thank you nga pala kanina ha?Hindi kasi ako naka pag pasalamat sa iyo kanina kasi umalis ka na."I said while scratching my head.
"Ah wala yun."sabi niya habang nakangiti. "Papasok ka na ba? Hatid na kita?"alok niya, pero tumanggi ako.
"Hindi na, pupunta pa kasi ako ng cafeteria. Nag papalibre kasi si Grey."nawala ang ngiti sa mukha niya.
"Ah, sige mauna na ako."sabi niya at tinalikuran na ako. Problema nun? Nagkibit balikat na lang ako at dumiretso sa cafeteria. Naabutan ko siya na nakupo sa dulong mesa habang nakahalumbaba.Dumiretso ako sa counter at bumili ng pagkain namin.
Pag kakuha ko ng order ko ay naglakad na akong muli papalapit kay Grey, natigilan ako ng may lumapit na babae sa kanya.
"Hey, I want you."sabi nung babae sabay haplos sa pisngi ni Grey, winakli ni Grey ang kamay nung babae. "May girlfriend ako ngayon, next week na lang."sabi niya at nag angat siya ng tingin kaya nag tama ang mga mata namin.
Tinaas niya ang kanan niyang kamay. "Babe here!!"sigaw niya kaya naagaw niya ang atensyon ng mga tao dito.
"Sila pala."
"Oo nga babe daw eh."
"Malandi, nakita ko yan kanina, nakikipag landian sa Captain ng basketball."
Napatingin ako dun sa babaeng nag salita, sinamaam ko siya ng tingin.Dumiretso ako sa table ni Grey at umupo sa tabi niya.
"Babe, here your foods na, eat na ikaw babe."may diin ang bawat bigkas ko. Lagot ka sa akin mamayang bwiset ka!!
PLEASE VOTE AND COMMENT!!
THANKYOU
GODBLESS Y'ALL♡__________
Miss_Terious
BINABASA MO ANG
Until we meet again
RomanceKasalan. Lahat ng pagmamahalan ay nauuwi sa kasalan. But, im not her groom. "I love you, I love you so much." I said. Date Started: July 28,2020 Date Finished: ----------