TYPO, WRONG GRAMMAR AND WRONG SPELLING ALERT. CHURI PO
PLEASE VOTE COMMENT AND SHARE!!
THANKYOU
GODBLESS Y'ALL♡***
Avery
"Okay ka lang?" tanong ko kay Summer.
Andito kami ngayon sa cafè sa tapat ng school namin. Ayaw kasi niyang magpadala sa clinic, puro kalmot pa naman siya sa braso at mukha. Maputi kasi itong si Summer kaya kitang kita ang pamumula ng kanyang balat.
"Okay lang ako, ikaw ang hindi okay. Look at your arm." napatingin ako sa braso ko.
Dumudugo ito, mukhang sumabit sa singsing suot nung impakta kanina. Hindi ki na naramdaman ang sakit sa sobrang galit.
"Hindi naman masakit." kinuha ko ang panyo sa bulsa ko at pinahid ang dugong natuyo na.
"Oh, ilagay mo sa sugat mo." iniabot niya ang isang band-aid.
Kinuha ko ang band-aid. "Na saan na ba si Reign?Tawagan mo nga." utos ko kay Summer.
Inilagay ko ang band-aid sa braso ko. Napatingin ako sa cellphone ko ng bigla itong umilaw.
Vixcious:
Okay ka lang?
Nangunot ang noo ko sa message niya. Nagtipa ako ng mensahe ko.
Me:
Oo naman, bakit?
Tumagal ng ilang minuto bago siya nag reply.
Vixcious:
I saw you in the CCTV.
Lakas mong sumipa.
Lakas mong sumipa? Nakita niya ako?
Vixcious:
Where are you?
Ibinaba ni Summer ang phone niya sa mesa. "Palabas na daw ng gate si Reign, may ginawa lang kaya medyo natagalan." tumango lang ako at nagtipa ng mensahe.
Me:
Cafè.
Sa tapat ng school.Why?
Hindi na ako nakatanggap ng reply mula sa kanya kaya naisipan ko na lang na mag facebook habang hinihintay si Reign.
Napatigil ako sa pag i-scroll ng makita ko ang post ni Kuya.
Aba, luma love life si Kuya ah, sana all.
Pinakita ko ang cellphone ko kay Summer. "Look, may jowabels na si Kuya."
Nanlaki ang mga mata niya. "Omg!!! girl, si Ate Dianne yan!! Omg bagay sila." tumili siya at hinampas hampas ako.
Napadaing na lang ako sa sakit dahil nahampas niya ang sugat ko. Kingina talaga itong babaeng ito, ang sakit humampas. May bakal ata ang palad nito.
"Grabe, nakakatakot kang kiligin. Ang sakit ng sugat ko, bruha ka." nag peace sign lang siya.
Nagpatuloy na lang ulit ako sa pag pe-facebook. Si Summer naman ay naglalaro sa cellphone niya.
"Myghad!! Blessing."
Nagulat ako sa tili ni Summer. Kahit kailan talaga ang ingay ng bunganga nito.
"Ang ingay mo." sita ko sa kanya. May tinuro siya sa likod ko. Nakita ko si Vix na naglalakad habang nakapamulsa. May bitbit itong isang paper bag.
BINABASA MO ANG
Until we meet again
RomansaKasalan. Lahat ng pagmamahalan ay nauuwi sa kasalan. But, im not her groom. "I love you, I love you so much." I said. Date Started: July 28,2020 Date Finished: ----------