Chapter 23

4 0 0
                                    

A/:comment niyo kung sinong bet niyong kapartner ni Avery. Hehehe hindi ko alam kasi kung sino ang ipapartner ko.

Enjoy reading mga prenn. Loveyouall.
.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

***

Avery

Ang bilis ng panahon, may pasok na ulit. Parang kailan lang pasko tapos ngayon may pasok na ulit. Nakakatamad.

"Hoy parke, uuna na ako sa inyo ni Summery." paalam ni Reign.

Lagi naman siyang nauunang pumasok, wala ng bago. Tumango na lang ako at nagpatuloy sa pagkain. Tinatamad talaga akong pumasok. Nakakatamad maglakad, nakakatamad magbike.

"Hoy Avery!! Bilisan mo ngang kumain!! Malelate na tayo, leche." inis na sabi ni Summer paso niya ng dining. Bihis na ang bruha.

"Tinatamad nga akong pumasok." tinaas ko ang paa ko sa upuan. "Pwede bang mamaya na lang ako pumasok?"

"Hindi pwede!! Bibisita si Sir Alexander Phyton sa school."

"Ano naman, hindi naman niya ako kilala."

Tumayo ako at dumiretso sa lababo para ilagay ang pinagkainan ko.

"Bahala ka, may announcement daw."

Mabilis akong bumalik sa mesa.

"About saan?" curious na tanong ko.

"Aba ewan ko, pumasok ka ng malaman mo." pagkatapos niyang sabihin yun ay tumayo siya para hugasan ang mga plato. "Maligo ka na, sabay na tayong pumasok. Tinawagan ko si Grey para sunduin tayo."

Bumuntong hininga na lang ako at patakbong pumunta sa taas para maligo. Binilisan ko na lang ang pag ligo para hindi malate si Summer.

Tiningnan ko ang sarili ko sa salamin. Medyo tumaba ako sa nagdaang pasko at bagong taon. Medyo sumikip ang skirt ko.

Kailangan kung magdiet!!

"Hoy tara na!! Malelate na tayo!!"

Narinig kung sigaw ni Summer mula sa baba.

"Andyan na!!"

Sinuot ko ang I.D ko at sinukbit ang bag ko. Hinanap ko din ang wedge boots ko. Ito lagi ang suot ko tuwing naka uniform ako. Bagay kasi sa skirt ko ang boots na ito. Patakbo akong bumaba ng hagdan.

"Tara na. Na sa labas na si Grey."

***

Pagpasok sa gate ay agad bumungad ang mga studyanteng nag chichismisan.

"May anak pala si Sir Alexander."

"Oo, and take note.Dito pumapasok."

"Omg, I can't believe that."

Ang aga mag kwentuhan ng buhay ng iba. Hindi naman nila alam kung katotohanan ba o pawang kathang isip lang.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 09, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Until we meet againTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon