Chapter 9

481 42 1
                                    

PAG balik namin ni ate sa classroom ay paalis na si ma'am. Hindi niya kami napansin ni ate busy kasi si siya sa pag aayos ng gamit niya tsaka parang hindi kami naalalang lumabas hehe.

"Ayan ang bagal mo kasing kumain eh yan tuloy hindi na tayo naka abot."paninisi ko kay ate.

" Gaga sino bang nag aya saking kumain 'diba ikaw." sisi pa balik ni ate sakin.

" Ehehe. " sagot ko lang.

" ehehe ka jan batukan kaya kita."inambahan niya ako siguradong hindi tatama sakin yan kaya hindi ko nala'ng siya pinansin. Dumating narin kasi 'yong last teacher namin ngayong umaga.

" hayyyyy salamat pwede ng mag lunch." sabi ko pag kalabas sa classroom.

" halos kakakain mo lang kaninang two hours ago kain nanaman nasa isip mo." umirap lang ako sa'kanya. Hindi niya naman kayang tusukin 'tong mata ko eh.

"Ewan ko sayo ate basta gutom ulit ako." sabi ko sa'kanya sabay hila papuntang Cafeteria.

"Dahil sayo tumataba na ako kain ka kasi ng kain."

"Hindi ka naman mataba ah tsaka ang sabi ko lang naman kasi sayo samahan mo'ko wala ako'ng sinabing kumain ka din." Sumimangot siya sinabi ko. Oh diba natumpok ko.

"Ewan ko sayo. Ako na ang mag o-order ng kakain natin mag hanap ka nalang ng mauupuan nation." tumango nalang ako at sinabi ang order sa'kanya ibinigay ko na din 'yong pambili ng pag kain ko.

Pag kaalis niya ay nag hanap naman ako ng mauupuan namin. Punuan kasi talaga dito pag tanghalian kaya mahirap mag hanap ng mauupuan.

Buti nalang may nakita ako'ng bakante ay hindi pala may nag iisang naka upo si Orion hindi pa nagagalaw ang pagkain niya nag babasa nanaman kasi. Nasa dulo nanaman siya. Napailing nalang ako.

Lumapit ako sa kinauupuan niya at uupo na'rin ng wala'ng paalam.
"Kumain ka kaya mo'na mamaya kana mag basa masamang pinag hihintay ang grasya." tumingin siya sakin sandali bago ibinalik ang tingin sa libro.

Pag ka upo ko ay inilahad ko sa kanya ang palad ko. " Akina 'yong 30 pesos ko na binayad ko sa pamasahe mo no'ong sabado."

"edi Ibalik mo sakin 'yong libro na ibinigay ko." sabi niya habang nakatutok parin sa binabasa niya.

"ibinigay mo 'di ba kaya sakin na 'yon pero 'yong 30 pesos hindi 'ko ibinigay sayo utang yon kaya, akina." pangungulit ko sa'kanya.

"Tsk." dumukot naman siya ng isang daan sa pitaka niya. "suklian mo'ko."
Kinuha ko yong isang daan at sinuklian siya. Nakita 'kong tapos ng mag order si ate.

"Ate dito!" sigaw ko kay ate para mapansin niya kaagad ako.

"Manahimik ka nga para kang naka lunok ng speaker sa ingay mo." sabi ni ate pag kalapit niya. Napa tingin naman si ate sa katabi 'kong ibinaba na ang libro at naka handa na para kainin ang malamig niyang pag kain.

"ate dito na tayo kumain okay lang naman sayo 'di ba?" tanong ko kay Orion, tumango lang siya.

Ibinaba naman ni ate sa harap ko 'yong pag kain nag simula na din ako'ng lumamon. Kaming dalawa lang ni ate ang nag kukwetuhan sa table hindi mo naman maaasahan si Orion na maki pag kuwentuhan eh.

Pag katapos kumain ay nag aya na si ate Nerisa na bumalik na sa classroom. Inaya ko rin si Orion tapos naman na siya'ng kumain mabuti nalang sumabay din siya.

Nang makarating kami sa classroom ay dumiretso na kami sa kanya kanyang upuan upang maka pag klase na.

Maya maya ay uwian na(My favorite subject) mabuti nalang at hindi na ako nag hintay ng matagal sa mga tricycle may naka abang lang naman kasi sa gate ng school eh.

Kaya maaga ako'ng naka uwe. Wala ngayon sa sala si tita ng pag kauwe ko baka lumabas bumili ng mauulam para sa hapunan. Papasok sana ako sa kuwarto ko ng nakita 'kong naka awang ng konti ang pintuan. Hindi ko nala'ng pinansin at pumasok na ako sa loob.

Pag pasok ay nakita ang kama ko na gusot gusot ang kobre kama at may wrapper ng mga candy at chocolate.

Haynaku. Nakalimutan kong uuwe pala dito ang asungot na maliit.

"Jericho! Lumabas ka jan sa ilalim ng kama ko 'kong ayaw mo'ng isumbong kita kay tita Sally (nanay ni Jericho na kapatid ni mama) ." lumabas naman sa ilalim ng kama ang bata'ng kahawig ngunit maliit at lalaking version ko, may bilugang mata medyo masungit tignan dahil sa sama ng tingin nito sakin, katamtamang kulay ng balat mapupulang labi at matambok na mamulang pisngi.

'Kong hindi lang ganyan katambok at kong may dimple sa right side ng pisingi'(sa left side kasi yong dimple niya) atsaka 'kong may nunal ito sa baba(chin) niya siguradong kamukhang kamukha ko na' to.

Kaya pag kasama ko 'to lagi Kaming napa kakamalang mag ina. Okay sana 'kong kapatid lang pero hindi eh mag ina talaga kaya tangina lang. Tss.

Seducing Mr. Fudanshi✔️ (Unedited) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon