"ATE, when i grow up I wanna be a beauty queen, mas magiging maganda pa ako sayo."Humahagikhik na sabi ng batang babae sa dalagitang naka upo sa tabi ng swing na kanyang kinauupuan.
"If you can."tumatawang sabi ng dalagita kaya napasimangot ang batang babae.
Hindi ko alam kung bakit ko napanaginapan yan siguro dahil sa sigaw ni tita na sobrang sakit sa tenga at nakaka-alog din pati utak kaya kung ano-anong pinag-iisip.
"Maria Sabrina! Gumising ka male late kna sa klase mo!" uhgg ang gandaaaa 'di ba yung magigising ka' dahil malakas na kalabog sa labas ng iyong pintuan.
Napamulat ako sa sigaw ni tita.
"Opo tita makikinig ako sayo pero tita naman makinig ka din naman sakin, Ma. Sabrina yun hindi Maria Sabrina!"sigaw ko din pa balik kay tita."Tigil tigilan mo 'ko Sabrina sa kaartehan mo. bilisan mo na jan at ng hindi ka malate sa klase mo alas siete na oh mabagal ka pa man ding gumalaw!"Hinayaan ko nalang na mag dadaldal si tita sa labas at pumasok na ako sa bathroom para maligo.
Pagkatapos 'kong maligo at ma-i-check ang gamit ko kung nasa loob na'ba ng bag ko 'yong liptint at polbo ko-sa tricycle nalang ako mag aayos para hindi ako ma late- ay lumabas na ako ng kwarto.
Nakita 'kong naka hain na sa lamesa ang pagkain
"Oh Sabrina halika na't kumain ka'na." Pag aaya sa kin ni tita Tessy
"Wag na tita sa school nalang ako kakain tsaka nag toothbrush na ako 'Yong baon ko nalang tita akin na." inilahad ko ang palad ko sa kanya. Hehehe hindi talaga ako kakain sa school nag da diet kasi ako tumataba na ako eh.
Umiling iling na lang sa kin si tita at iniabot niya ang baon ko.
"Siguraduhin mo lang Sabrina na kakain ka kung hindi isusumbong kita kay Sarah." sabi ni tita na may kasama pang pag turo ng daliri sa kin. Mama ko si Sarah. Nasa Dubai kasi si Mama OFW, si Papa Rony naman nsa Pampanga Company Driver.
Pareho silang busy kaya si tita Tessy ang andito nag aalaga sakin kapatid ni papa.Walang asawa't anak si tita.
"opo tita." tugon ko nalang kahit hindi ko gagawin. Humalik na ako sa pisngi ni tita at lumabas na ng bahay.
Naglakad ako papuntang waiting shed para mag hintay ng tricycle mga limang minuto lang naman lalakarin eh.
Nang makarating ako sa waiting shed meron ng naka abang na tricycle.
Dalawa palang laman, mag jowa pa naman nasa loob ng tricycle.Kaya sa likod nalang ako ni mamang driver umupo.(hindi literal ah alam niyo naman na siguro ibig 'ko sabihin)
habang nag hihintay pa ng isang pasahero-kulang pa kasi-nag polbo na muna ako. Shit naman antagal male late na ako.
Nag hintay pa ng tatlong minuto nang may dumating ding pasahero hindi ko na tinignan bad trip eh gusto ko nang pumasok sa school.
After 15 minutes naka rating din kami sa school. Tangina late na ako alas otso na.
Pag ka bayad ko kay mamang driver ay kumaripas na ako ng takbo.
"Ate! Panyo mo nahulog."
Sabi ng baritonong boses na nanggagaling sa likuran ko tapos kinalabit ako. Maka ate naman 'to akala mo sobrang tanda ko sakanya."oh!?-"lumingon ako doon sa nag tawag pero shet lang, I met a pair of Beautiful hazel eyes. Shit na malagkit Wafu si koya. Hindi sa OA ah talagang guwapo siya mukhang foreigner. ang ganda 'nung mata niya tsaka ang ganda ng ilong niyang matangos parang masarap pisilin.
Iniabot niya sa kin yung panyo kong nahulog"Panyo mo nahulog." he say coldly. Muntik pa akong mata pilok.
"A-ahh salamat."sabi ko bago kumaripas ulit ng takbo. Wala na akong time male late na ako mamaya nalang ako lalandi.
Hahanapin nalang namin mamaya ni ate Nerisa kung saan ang section niya, hehe.
BINABASA MO ANG
Seducing Mr. Fudanshi✔️ (Unedited)
Romans"If you play with fire, expect to get burnt." -Maria Sabrina Lucero Book Cover By: @Faithasticx Date Started: August 13, 2020 Date Finished: November 17, 2020