HINDI niya pinansin ang pagsusungit ko. "Anyway, ako nga pala si Owen Agustin Skyler."ehh?
"ikaw anong pangalan mo?" hindi ko pinansin ang tanong niya.
"kilala mo si Orion Skyler?" I curiously asked him. Nawala ang nakaka-asar niyang ngiti ng marinig niya ang pangalang Orion Skyler.
"No, I don't know that jerk." hindi daw pero kung maka jerk akala mo kilalang kilala niya at napaka laki ng atraso ng tao sa'kanya. Isa din 'tong sinungaling eh.
"You know what? I hate liars like you." Umiirap na sabi ko sa'kanya sabay dukdok ng mukha sa kaharap kong lamesa. Ang kaninang maingay at madaldal na Owen ay natahimik dahil sa sinabi ko.
"Okay fine! i know him but i don't like him because he's a jerk." mukhang na guilty siya sa sinabi ko kaya nagsalita siya.
"But I think you're the jerk one not him." I blurted out. Sinamaan niya ako ng tingin, bunganga ko kasi talaga wala'ng filter. "Mag kaano-ano kayo?"
"He's my twin brother." What? Orion's twin?
"Nantekotta i? Akala ko only child lang siya paano nangyare-ng twin brothers kayo?" What the hell? Nuong nag search ako tungkol kay Orion wala namang lumabas na may kambal pala siya.
"Ayoko lang ipaalam sa publiko tsaka si Orion naman ang taga-pag mana ng company ano pang silbi kung malaman ng publiko na mag kambal kami ni Orion." tss parang yon lang ayaw na niyang ipaalam sa iba.
"So, inggit ka kay Orion dahil lang duon?" na tahimik siya sa sinabi ko. Oh diba natumbok ko inggetero pala 'to eh.
"Tsk." ang gago nag walk out matapos ako'ng daldalin dito w-walk out-an lang ako. Asar talo pala siya eh.
Hayyy, makabalik na nga lang sa classroom malapit na din kasi ang first subject namin. Sumasakit ang ulo ko sa kakaisip ng kung ano-ano.
Tatayo na sana ako sa pag kakaupo ko ng makita ko si Orion na papunta dito sa mini forest. Anong ginagawa nito dito? Ang alam ko hindi siya mapapalabas ng ganitong oras dahil sa pagbabasa niya ng BL niyang libro.
Lumapit siya sakin kaya medyo na tulala pa ako. "P-pasok na nasa classroom na si sir pina-patawag ka." anong nakain niya? Kadalasan kasi ako ang unang mag sasalita saming dalawa bago din siya mag salita.
"ahh okay." medyo naiilang na sagot ko sa sinabi niya. Sumabay ako sa pag lalakad niya pa balik sa classroom.
"May kambal ka pala."pag sisimula ko ng paguusapan namin. Napatingin siya sakin dahil sa sinabi ko.
"Hmn. Nakilala mo na pala si Owen."tumango ako sa sinabi niya."mabuti sinabi niyang mag kambal kami akala ko habang buhay ng wala'ng makakaalam."
"Mabuti madaldal ka ngayon." bulong ko sa sarili ko.
"huh?"
"a-ahh hehe wala yun." tumango lang siya sa sinabi ko kahit makikita sa mukha niya na nagtataka siya.
What's with the awkward situation?
Pag karating namin sa classroom ay wala pa naman si sir tsaka wala pa ang iba naming kaklase. Tatanungin ko na sana si Orion kung pinapatawag ba talaga ako ni sir ng mawala na siya sa tabi ko naka upo na siya sa upuan niya. Ehh? Ninja ka ba?
Hindi ko nalang pinansin ang pag alis ni Orion sa tabi ko. Dumiretso nalang ako sa tabi ni ate Nerisa kahit nag tatampo ako sa'kanya.
"Sabrina sorr--" hindi ko pinatapos ang sasabihin ni ate dahil ayoko ng balikan ang nangyare kanina.
"Ate mamaya kain tayo duon sa bagong karinderya sa labas nag sawa na kasi ako sa pagkain sa cafeteria libre na din kita." pinilit kong mag salita ng masigla sa harap niya.
"S-sige basta libre mo hindi ako tatanggi."pilit din siya'ng ngumiti sakin. Hindi ako sanay sa ganito, yung mag katabi lang kami pero parang anlayo namin sa isa't isa.
Duwag na kung duwag pero ayoko talagang kausapin si ate tungkol sa nangyare kanina baka masira lang ang pag kakaibigan namin pag nalaman ko ang dahilan niya.
Or i was just over thinking. Ahh hindi ko na alam ang gagawin ko.
BINABASA MO ANG
Seducing Mr. Fudanshi✔️ (Unedited)
Romance"If you play with fire, expect to get burnt." -Maria Sabrina Lucero Book Cover By: @Faithasticx Date Started: August 13, 2020 Date Finished: November 17, 2020