"ANO? Tatayo ka lang jan?"Malamig pero may halong biro ni Orion, dahil nakatayo palang ako sa harap ng kotse niya. Sasakay na sana ako sa backseat ng unahan ako ng dalawa.
"Ate, sa passenger seat ka nalang."Sabi ni Jericho at pinagsarhan ako ng pinto. Napasimangot akong umupo sa tabi ni Orion na nauna ng pumasok sa kotse.
Naubos ko na ang sandwich na ibinigay sakin niya kaya ngayun ay nauuhaw na ako. Wala pa naman akong dalang tubig.
"Oh,"napatingin ako sa inabot na Juice ni Orion. Nakahawak sa manibela ang isa niyang kamay habang ang isa naman ay may hawak na juice. Napatitig ako sa juice.
"Wag ka ng maarte, wala akong tubig dito."Naiinip niyang sabi, Napairap naman ako. Pabalang na kinuha ko sakanya ang juice.
"Tss... S-salamat."Tumango siya sa sinabi ko. Tinungga ko naman ang juice, nasamid pa nga ako eh.
"Ate, dahan-dahan walang humahabol sayo."Sabi naman ng asungot na si Jericho.
"Tita Sab, eto oh."inabutan naman ako ng tissue ni Alex. Mabuti pa 'to hindi ako pinag-titripan si Jericho kasi hobby na ang asarin ako. Nginitian ko ng malapad si Alex at ginulo ang buhok niya, ng napatingin naman ako kay Jericho ay Inirapan ko siya. Sumimangot naman siya sa akin. Napahagikhik pa si Alex dahil nakita niya ang ginawa ko.
Nang makarating kami sa School ay hinatid na namin sina Alex at Jericho sa classroom nila. Ganito talaga ang routine ko pag pasok sa school hindi kasi ako mapanatag pag hindi ko ini-hahatid si Jericho papasok.
Pagka tapos maihatid ang mga bata ay sabay naman kaming pumasok ni Orion. Mabuti nalang pag pasok namin sa classroom ay hindi pa nakakapasok si Sir. Mac nasa TLE department palang daw kasi siya.
Hinanap ng mata ko si Ate Nerisa dahil wala siya sa upuan niya ngayon, kahit ang bag niya wala din. Nasan na kaya 'yon? Lumapit nalang ako sa class president namin na si Gagang Lory, baka alam niya kung bakit wala si Ate.
"Nasan si Ate Nerisa?"napatingin naman sakin si Lory na busy-ng nagsusulat sa notebook niya.
"Hindi ako tanungan ng nawawalang tao."Sagot niya kaya inambahan ko siya ng suntok. Wala talagang kwenta 'tong class president na 'to"Wait! Joke lang, Absent si Nerisa kasi may lagnat."napatango ako sa sinabi niya at iniwan ko na siya.
"Bwiset talaga 'to."Narinig ko pang bulong ni Lory, hindi ko siya pinansin.
Ano nanaman kayang ginawa ng babaeng yon, umulan pa naman kahapon. Gaga talaga pinairal nanaman siguro ang katigasan ng ulo. Napailing nalang ako sa naisip ko.
"Anong nangyare?"Tanong ni Orion na busy sa pagkalikot ng phone niya. Himala hindi siya nag babasa ngayun.
"Si Ate Nerisa may lagnat daw kaya hindi naka-pasok."Sagot ko, panandalian siyang napatigil sa pag scroll sa cellphone niya. Umasim naman ang itsura sa nakita ko.
"Asan pala si Owen? "Wala din kasi siya ngayon, baka nagka lagnat din ang tanga, pfft... He deserves it. Kumibit balikat lang si Orion sa tanong ko.
"Bakit pala hindi ka nag babasa ngayun?"Tanong ko ulit sakanya.
"Nakakaboring."Simpleng sagot niya. Wews, talagang himala. Si Orion na hindi mahiwalay sa mga libro niya, naboring sa pag babasa.
"Stop looking at me like that."He hissed at me.
"You can't blame me, hindi ka kasi mahiwalay sa libro mo tapos ngayun sasabihin mong naboboring kana."He just rolled his eyes and continued scrolling his phone. Hindi na niya ako pinansin, parang gusto ko manapak ah.
Pumasok na si Sir kaya hindi na natuloy ang balak ko. Wala ako sa mood na makinig sa tinuturo ni sir kaya patago kung inilabas ang phone ko at nanuod nalang ng 'anime' , naka mute naman ang phone ko at may English subbed ang pinapanood kaya keri lang, gets ko ang pinanunuod.
---------
A/N:
This is my first book that I attempted to write, that's why I'm very thankful to all who's supporting S.M.F. Salamat din sa mga sumubok mag basa, I really appreciate it. Love lots, Hope you enjoy this chapter😘💕💕🎉🎈🎉🎈🎉🎈🎉🎈🎉🎈🎉🎈
BINABASA MO ANG
Seducing Mr. Fudanshi✔️ (Unedited)
Romance"If you play with fire, expect to get burnt." -Maria Sabrina Lucero Book Cover By: @Faithasticx Date Started: August 13, 2020 Date Finished: November 17, 2020