PAG katapos naming kumain ng ice cream ay nag ayang bumalik sa playground ang dalawang paslit. Habang nag lalakad kami pabalik sa playground ay naramdaman kong nag vibrate sa bulsa ng palda shorts ang cellphone ko. Kaya inilabas ko para tignan ang natanggap kong massage.
'Sabrina, ikaw nalang ang magluto ng kakainin baka pag uwe niyo ni Jericho hindi na ako madatnan may date kase kami ni Christopher hehehe.' kahit sa message lang to damang dama ko ang kilig ni tita. Brr tumayo ang buhok ko sa batok. Tss... Date tanghaling-tapat.
'Sige tita, take your time' Reply ko kay tita.
"Anyare? Bakit parang natatae ka ate?" tinaasan ko ng kilay si Jericho.
"Baka hindi daw natin madatnan si tita sa bahay may date sila ni Tito Christopher." tumango lang si chanak sa sinabi ko. Hihilain niya sana paalis si Alex ng maalala ko na wala na palang pagkain na stocks sa bahay.
"Sandali, wala na pala tayong stocks sa bahay, wala tayong kakainin. Punta muna tayo sa bayan para mag grocery." sabi ko sa dismayadong si Jericho.
"Ate, gusto ko pang kalaro si Alex."nakapout niya sabi habang ipinapadyak ang kanyang mga paa.
"Ayaw mong sumama sakin? Wala akong iluluto wala ka ding kakainin."mas lalong humaba ang labi ni Jericho.
"Ehhhhh."halos mag lupasay na siya.
"Samahan nalang namin kayo ni Alex mag grocery."napatingin kami ni Jericho kay Orion. Dahil sa sinabi niya natigil naman si Jericho sa pagmamaktol.
Tatanggi sana ako ng maunahan ako ni Jericho. "Sige kuya. Alis na tayo."masiglang kumapit siya sa kamay ni Alex. Sinabi naman ni Orion na may dala silang kotse kaya duon na daw kami sumakay.
Napailing nalang ako at hindi na nakapag salita. 'Atleast makakatipid' kumibit balikat ako.
Nasa luob kami ngayon ng itim na kotse ni Orion. Naka upo si Jericho at Alex sa backseat--nag lalaro silang dalawa meron kasing dinala na laruan si Alex sa kotse--habang ako naman ay sa passenger seat at syempre sa driver seat si Orion.
"Okay lang ba sayo na nag d-date ang Tito Christopher mo sa Tita Tessy ko."nag tatakang napatingin siya sakin.
"So hindi mo pa pala alam."
Nung nag sink in na sakanya ang sinabi ko ay nagsalita siya. "Hmm, akala ko hindi na mag aasawa si Tito."
"Bakit naman?"
"lagi kasing busy sa 'Topher Modelling Agency' si Tito kaya akala namin walang siyang time sa ganyan."Tumango tango ako sa sinabi niya.
Pag kapasok namin sa grocery store ay kumuha ako ng basket hindi naman madami ang bibilhin ko pangtanghalian lang si tita na ang bahala sa stocks. Pang bili lang kase ng ulam ang dala ko.
Kumuha naman si Orion ng Push cart para sa mga bata at ng hindi daw sila mapagod. Hinayaan ko nalang sila sa trip nila.
"Jericho anong gusto mong ulam." tanong ko kay Jericho na nasa loob na ng push cart.
"Chicken Adobo gusto ko ate."tumango ako sa sinabi niya.
Nag hanap na ako ng mga rekado para sa lu-luto-in kong adobo. Pag katapos kung mahanap lahat ng kailangan ko ay napatingin ako sa mga bata at kay Orion.
Muntik akong matapilok dahil sa nakita ko. Ang kaninang push cart ng mga bata lang ang laman ngayun ay may mga chocolate at candies ng nakalagay. Siguradong si Jericho nanaman ang nagkukuha ng mga yan.
Napatingin ako ng masama kay Jericho dahil sakto lang naman ang dala kong pera para sa ulam namin.Napansin ni Jericho ang masamang tingin ko. " Hehehe, ate libre naman 'to."
"Wala ka talagang hiyang bata ka."nag tago siya sa likod ni Alex dahil babatukan ko sana siya. Napailing nalang ako sa ginawa niya. Nag tig isang plastic sila ni Alex at Jericho ng snacks nila pag kabayad ni Orion.
Pag kalabas namin sa grocery store ay iniwan muna saglit ni Orion si Alex samin dahil pupuntahan muna niya sa parking lot ang kotse niya.
Nang maihatid kami ni Orion sa bahay ay inaya ko sila ni Alex na dito nalang mananghalian pang bayad na din sa pag hatid at pag libre niya sa pasaway na Jericho. Hindi naman siya tumangi sa pag aaya ko.
Malakas ang loob ko na mag papasok sa bahay ng bisita dahil alam kung nag linis si tita bago umalis.
"kayo ng bahala kung anong gagawin niyo dito habang nag luluto ako mabilis lang naman ako." tumango silang tatlo sa sinabi ko. Pumunta naman ako sa kusina para mag luto.
Habang nagluluto ako ay naririnig kung maingay na nag lalaro ang mga bata. Nakita kong nagtatakbo si Jericho sa kwarto niya kukunin niya siguro ang mga laruan niya.
Pag katapos kong mag luto at maihain ang pag kain ay inaya ko na sila para kumain. Umupo sa tabi ko si Jericho, si Alex naman sa harapan ko habang si Orion naman ay sa harapan ni Jericho umupo.
Si Jericho na ang nag lead ng prayer. Pag katapos ay kumain na kami. Napansin kung nahihirapang kumain mag isa si Alex kaya sinubuan ko nalang siya nakita naman ni Jericho ang ginawa ko kaya nag pasubo din siya.
"You act like my mom."Orion said.
"Excuse me?" taas kilay na tanong ko. Gawin pa akong nanay niya.
"ahh, alam na alam mo kasing mag alaga ng bata tsaka ang sarap ng luto mo."Hindi ako prepared sa sinabi niya kaya nabulunan ako, inabutan naman niya ako agad ng tubig. Flattered kase si ako eh.
"Are you alright?" tumango lang ako.
"Ate ang sarap nga ng luto mo pwede mo ng pakasalan si kuya Orion." hindi pa ako nakaka recover sa pag kabulunan ko ng humirit si Alex kaya muntik ng lumabas sa ilong ang iniinom ko. Tinawanan naman ako ni Jericho.
Bakit ako ang pinag ti-trip-an ng mga 'to.
Hanggang sa matapos kaming kumain at maka alis sila Orion ay pulang pula ang mukha ko.
"Uyy, kilig si Ate." babatukan ko palang si Jericho ng nag tatakbo siya papasok sa kwarto niya. Napahawak nalang ako sa mag kabilaan kong pisngi.
BINABASA MO ANG
Seducing Mr. Fudanshi✔️ (Unedited)
Romans"If you play with fire, expect to get burnt." -Maria Sabrina Lucero Book Cover By: @Faithasticx Date Started: August 13, 2020 Date Finished: November 17, 2020