Chapter 40

309 22 1
                                    

-Orion's Point Of View-

PAG pasok namin ng classroom, nakita ko si Sabrina na abot tenga parin ang ngiti, halatang nag pipigil tumawa. I don't know why pero parang gusto ko ring ngumiti, nakakahawa kasi ang ngiti niya.

Pag upo ko sa tabi niya ay nag bangayan sila sandali ni Nerisa ng matapos ay dumukdok siya sa lamesa. Mga ilang minuto ang nakalipas hindi parin niya inaalis ang pag kakadudok kaya hindi ko natiis, sinundot sundot ko ang braso niya. Wala siyang naging reaksyon but i heard a soft snore. Hindi ko na napigilan ang labi ko kaya napangiti nalang ako. Natutulog pala siya.

"Ano satisfied kana sa kakatitig sakanya?" tanong ng babaeng nasa harapan ko, siya pala yung Lory na class president na laging ka bangayan ni Sabrina.

"What are you talking about?" I coldly asked her.

"You know what I mean. Alam mo din na gusto ka ni Sabrina pero bakit ka nag bubulag bulagan? "Pa irap niyang sabi. Napa iwas ako ng tingin dahil sa huli niyang sinabi.

"Hindi mo maiintindihan kaya mind your own business."Inilabas ko ang phone tsaka kinalikot ito.

"Alam kong binabalewala mo lang siya dahil akala mo na pinag ti-tripan ka lang niya. Maraming naging Ex at manliligaw si Sabrina pero wala pa siyang hinabol habol na katulad mong manhid."Mas natahimik ako sa sinabi niya dahil natumbok niya lahat ang dahilan ko.

"Alam mo ang duwag mo, wag ka nalang mag tataka may lalake ng aaligid jan kay Sabrina dahil wala pang bumabakod, malandi pa naman yan. Kahit gusto ka niya mapapagod din yan kakahabol sa katulad mong nag mamanhid manhidan."Tinignan ko siya ng masama dahil sumusobra na siya. Tumbok na tumbok niya lahat ng dahilan ko nakakasar.

"Hoy! Sabrina gumising ka may nag hahanap sayo."Dinig kong sabi ni Nerisa at niyugyog ang natutulog na Sabrina. Asar naman na hinawi ni Sabrina ang kamay ni Nerisa. Napa ngiti ako dahil nakasimangot niyang tinignan si Nerisa ng masama.

"Sino daw?!"Naiirita niyang tanong.

"Si Howth yung Ex mo!"Nang marinig ko yun ay napatingin ako ng malamig kay Sabrina. Umiwas kaagad siya ng tingin.

"Tsk, tsk, tsk... Ayan na ang sinasabi ko ang bagal mo kasi, yan tuloy parang makikipag balikan pa ang Ex niya sakanya."Tiim bagang na tinignan ko si Lory.

"Shut up!"hindi niya ako pinansin at humagikhik lang siya sa kanyang upuan.

Nag lakad si Sabrina palabas ng classroom, ——Nakikita parin namin siya dahil sa mga bintana——tumingin tingin pa siya sa paligid niya na parang may hinahanap ng biglang sumulpot sa harap niya yung lalaking pink ang buhok kanina na galing sa labas ng cafeteria. Ngi-ngise ngise siyang humarap kay Sabrina. Ayoko sakanya.

Sinabunutan ni Sabrina yung lalaki. Mukhang malaki ang kasalanan niya para subunutan siya ni Sabrina ng ganyan. Maya maya ay itinulak ni Sabrina yung lalaki palayo sakanya at tumakbo papasok ng classroom. Bakit parang nanunuod ako ng drama ng mag jowang may LQ?

Mangiyak ngiyak siyang umupo sa kanyang upuan. Bakit ganyan siya maka react? Sobrang miss na ba niya yung Ex niya kaya ganyan?

Kahit ng makauwe kami ng bahay ganun pa din ang makikitang reaksyon sa mukha niya. Tulala siyang tumayo sa sofa. Hindi na ko na natiis ang ginagawa niya kaya bago pa siya makaalis ay hinila ko ang braso niya.

-

"Sorry. I didn't mean to do that. I-im just worried about you and I'm j-jealo...ugh! I'm so sorry."Shit! I almost said it. I can't take this anymore. I hugged her tightly. Malakas siyang umiyak sa dibdib ko.

Importante ba yung lalaking yun para maging ganyan ang reaksyon niya? Ngayon ko lang siya nakitang ganyan. Ang kilala kong Sabrina ay Maldita, palamura, siya ang ang nag papaiyak hindi siya ang umiiyak.

Naasar ako dahil iniiyakan niyang ang lalaking yun. He doesn't deserve her tears.

Seducing Mr. Fudanshi✔️ (Unedited) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon