Chapter 22

294 27 0
                                    

"ALEX! Andito ka lang pala kung saan saan na kita hinanap." Pamilyar na sigaw ng malamig at baritonong boses sa likuran ko.

"Tito Orion!" sigaw ni Alex umalis siya sa pagkakaupo niya sa duyan tsaka yumakap siya sa binti ni Orion. Ang tangkad kasi ng taong to kaya hanggang binti niya lang. Nasa 6'3 ata siya. Binuhat niya si Alex.

Pagka buhat niya sa bata ay napatingin siya samin. "Sabrina." pag tawag niya sa pangalan ko. Buti alam niya ang pangalan ko.

Nginitian ko siya.
"Pamangkin mo pala si Alex?" tumango siya sakin.

"Uhm. Oo." ganito nalang ba talaga kami pag nag uusap? Awkward.

"Anak ng pinsan o anak ni Owen." natatawang sabi ko. Hindi na ako mag tataka kung anak ni Owen si Alex sa pag mumukha palang nun eh.

"Anak ng pinsan." Ngumiti siya. Hanggang sa napatitig kami sa isa't isa.

"Tito ayoko pa umuwe laro pa kami ni  Jericho."pag putol ni Alex sa pag titig namin sa isa't isa.

"Sige laro muna kayo."malamig ngunit malumanay niyang sagot kay Alex.

"Halika duon tayo sa seesaw."tugon ni Jericho.

"Hindi pwede masyadong mataas para sainyo." pag tutol ko kay Jericho. Masyado kasing mataas yung seesaw para kila Alex baka mahulog sila.

"Ate Sabrina sali kayo ni Tito Orion bantayan niyo kami." sabi ng duwende pero cute na Alex sabay bumababa siya sa pagkakabuhat ni Orion. Napatingin ako kay Orion tumango siya sakin na ibig sabihin ay pumapayag siya.

"Sige basta katabi kita." sabi ko kay Alex sabay buhat sakanya.

"Ate naman! Bakit siya binubuhat mo ako hindi na."Naka pout na maktol ni Jericho.

Binelatan ko siya.
"Eh sa mabigat kana hindi kita mabuhat etong si Alex magaan lang." sabi ko. Inirapan ako ni Jericho sabay lapit kay Orion at itinaas niya ang kanyang dalawang kamay na parang nagpapabuhat.

"Kuya Orion buhatin moko masyadong mahina si ate." Ngumiti si Orion tsaka binuhat din si Jericho. Binelatan naman ako ngayun ng chanak.

Dumiretso na kami sa bakanteng seesaw nauna kaming umupo ni Alex. Sa harapan ko siya tapos umupo din sila Orion sa kabilang upuan ng seesaw kaya umangat kami ni Alex pataas. Muntik pa akong mapatili sa gulat.

Napakapit naman ng mahigpit sakin si Alex. "Ibaba niyo nga kami dito."parang pinag titripan na nila kasi kami eh. Tumawa ng malakas si Jericho na akala mo kinikiliti. Na enjoy ng gago ang pinag gagawa nila.

Maya maya ay ibinaba din nila kami kaya pinilit kong mag pabigat sa kinauupuan ko para maitaas din sila pero malas lang dahil ang bigat nilang dalawa. Humagikhik si Alex dahil sa itsura ko. Kanina lang takot to ngayon inenjoy na din niya ang paghihirap ko. Pati si Orion parang pinag tatawanan din ako kaya napa simangot ako.

Mga ilang minuto ay parang naramdaman ko na medyo gumaan sila--naawa ata si Orion sa itsura ko kaya nagpagaan siya-- kaya mas nag pabigat ako.

Sila naman ngayon ang nasa taas pero medyo umaangat yung samin dahil sa bigat nila. "Ate ang bigat nila Tito." sabi ni Alex, naramdaman niya din sigurdo ang paghihirap ko.

"Tita nalang itawag mo sakin." sabi ko kay Alex. Hehehe Tita nadin para match kami ni Orion.

"Ate! Ibaba mo kami." sabi ni Jericho. Nangangawit na din naman na ako dahil ang bigat nila kaya hinayaan ko nalang sila.

Nang matapos kami sa seesaw ay nag aya ang mga bata na kumain ng ice-cream kaya pumunta kami sa malapit na ice-cream parlor dito sa park/playground.

Vanilla ice-cream ang amin ni Alex tapos chocolate duon sa dalawa.
"beh ayun oh guwapo pero may asawa't mga anak na."narinig kung bulungan ng dalawang babae sa malapit sa upuan namin. Napatawa lang ako. Naiintindihan ko sila kasi ganyan din kami ni ate Nerisa pag nakakakita ng guwapo.

Seducing Mr. Fudanshi✔️ (Unedited) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon