Chapter 17

311 32 1
                                    

"SA jeep nalang tayo sumakay para mas tipid." sabi ko kay Jericho habang inaasikaso yong shoulder bag na dadalhin ko.

"Mag taxi nalang tayo ate para mas mabilis at hindi siksikan, ayoko ng masikip." nag kibit balikat nalang ako pera naman niya yan tsaka para hindi ganon kainit.

"ikaw bahala, wag ka lang masyadong magastos."paulit ulit siya'ng tumango, halatang excited na siya'ng mag lakwatsa.

Pag dating namin sa harap ng mall ay inabot ni Jericho ang pamasahe sa driver tapos hindi niya hinintay ang sukli lumabas siya agad na pailing nalang ako sa pag ka gastador niya.
Kinuha ko yong sukli sa driver bago lumalabas. Sayang kasi eh.

"Ate sa toy store mo'na tayo pumunta."sabi niya sabay hila sakin papunta sa loob ng toy store. Hinayaan ko lang siya na hila hilain ako kong saan.

Muntik pa ako'ng mabangga dahil sa paghila niya buti nalang at napatigil kaagad ako. Mukhang lalaking siya.

"sorry." sabi ko habang na kay Jericho ang tingin, pag katapos mag sorry ay hinila nanaman ako ni Jericho.

Tumingin ng masama si Jericho sa lalaking nasa likuran ko. Pag tingin ko sa lalake ay likod niya lang ang nakita ko kaya hindi ko na pinansin.

Lahat ng laruan na makakaagaw ng atensyon ni Jericho ay inaabot niya tulad ng toy car na limited edition daw na mataas at hindi ko maabot. Palagi nalang bang mataas ang aabotin ko parang siya(corny).

"Ate kaya mo yan, bakit kasi ang pandak mo?."akala ko ba chini-cheer niya ako bakit may kasamang panlalait?

"Hiyang hiya naman ako sa height mo, kung hindi ka pandak ikaw ang umabot dito!" letche laitin pa height ko.

"Ate hindi pa mature ang katawan at height ko normal lang sa eight years old ang maliit." nag dahilan pa ang loko. Hindi naman ako ganon ka pandak ah pangatlo kaya ako sa mga matatangkad na babae sa school porke matangkad si papa at ang iba ko pang mga pinsan na lalake pandak na ako?

Kaasar bakit kasi isa lang ang pinsan kong babae? Nasa pampanga pa naman yon.

Bago pa ako bumigay sa pag abot ng pesteng laruan ay may umabot na nito. Parang pamilyar ang ganitong scene sakin ah ang pinag kaiba lang sa pangyayare ay ibinigay niya sakin ang laruan.

Si Orion

No hindi siya si Orion dahil meron itong blonde na buhok at may green eyes ang lalaking nasa harapan ko, ang naaalala kong kulay ng buhok ni Orion ay itim hindi blonde ang mata naman niya ay Hazel with green fleeks hindi green eyes.

He smirk at me. Kung si Orion ay may cold aura ito namang nasa harapan ko may pagka playboy na aura akong nararamdaman. Nooo allergic ako sa playboy. I hate playboy.

Nagulat ang lalaking kanina na parang nag yayabang dahil sa pag titig at paghanga ko sa kaguwapo-han niya na napalitan ng pag kadisgusto.

"Salamat." medyo padabog na sabi ko sa'kanya.

"Bakit ka galit?" nagtatakang tanong niya. Hindi ko siya pinansin hinila ko na lang si Jericho papunta sa cashier at para na din maka pag Arcade na kami.

"Ate nag pakulay ng buhok si kuya Orion tsaka nag contact lense din siya."sabi ni Jericho pag kalabas namin sa toy store.

"Tanga! Hindi mukhang playboy si Orion." sigaw ko kay Jericho. Hindi kasi talaga yon si Orion dahil may pasok kami papasok kaya siya sa school kahit puro basa lang ang ginagawa niya nakakahabol siya sa mga lesson.

"maka tanga ka ah akala mo ang talino mo!" sigaw niya pabalik sakin inirapan ko lang siya.

"Tsaka ate hindi ka naman inaano nung lalake na kamukha ni kuya Orion sinungitan mo na."sermon ng hindi cute na chanak.

"Pake mo ba ayoko sa pag mumukha niyang malandi eh."umiling nalang si Jericho sa sinabi ko.

"Judgemental." bulong niya na pero dinig ko naman hindi ko siya pinansin pumasok nalang ako sa Arcade.

Nakalimutan ko naman yong pagmumukha nung malandi kanina. Nag enjoy lang kami ni Jericho sa paglalaro nakalimutan na'rin naming kumain ng tanghalian dahil laro lang kami ng hanggang sa magdilim na.

Kaya bago kami umuwe ay dumaan muna kami sa food court para kumain bumili din kami ng paboritong siopao ni Tita.

Pag kauwe ay bigla kong naalala yong kamukha ni Orion ang alam ko ay only child lang si siya at wala siya'ng kambal. Napailing nalang ako sa na isip ko.

Baka kamukha lang talaga ni Orion yon.

Seducing Mr. Fudanshi✔️ (Unedited) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon