ALAS siete palang ay naka bihis na ako. Trip ko kasing maagang pumasok ngayon. Kasabay ko na din si Jericho nagulat pa nga siya nung mauna pa akong gumising kaysa sa'kanya tinanong niya din ako kung anong nakain ko at sumipag daw ako ngayong umaga tinawanan ko lang siya.
Mabuti nalang at Friday ngayon kaya hindi ko poproblemahin ang pag-gising bukas tsaka pwede din akong mag puyat mamayang gabi.
Pag pasok sa classroom nakita ko na madami na ang mga bag na nakalagay sa kanya kanyang upuan pero tatlo lang kaming nasa loob.
Si Ate Nerisa na hindi matigil sa pag kalikot ng cellphone niya na parang kinakabahan, nasa tabi lang siya ng upuan ko. Alam kong kinakabahan siya dahil sa likot ng mga daliri niya.
Nandito din si Orion na nag babasa sa harap ng bintana mukha siya'ng galit sa binabasa niya dahil namumula ang leeg niya at halos mag dikit na ang perpekto niyang mga kilay sa inis.
"Anong meron?" tanong ko kay ate Nerisa pag kaupo ko sa tabi niya.
"Yung mga basketball player na taga kabilang school, nag aya ng laro dito satin kaya 'yong iba nasa basketball court para manuod."
"Hindi yun ang ibig kung sabihin." umiling ako. "Anong meron sainyo-ng dalawa?" tinuro ko si Orion na nabawasan na ang pag ka kunot ng nuo.
"W-wala naman." alam kong hindi na dadagdagan ni ate ang sasabihin niya. Kahit alam ko ding may mali hinayaan ko nalang siya'ng gawin ang paulit-ulit na pagsisinungaling niya sakin. Kahit masakit iintindihin ko ulit ang pinaka matalik kong kaibigan.
"Aahh o-okay." pilit na binigyan ko siya ng masiglang ngiti na alam kong kahit anong oras ay masisira ang ngiting 'to.
"Ate punta lang din ako sa basketball court." dire-diretso lang akong nag lakad palabas ng classroom hindi ko pinansin ang pag tawag niya sa pangalan ko.
Imbes pumunta sa basketball court ay dumiretso ako sa mini forest ng School para mag palipas ng oras at makapag isip ako ng matino. May mga bench naman duon na pwede kong maupuan.
May nadatnan pa akong tao dito sa mini forest. satingin ko may kausap siya sa cellphone niya. He looks familiar. Hindi ko nalang pinansin, tahimik akong umupo sa isa sa mga bench at tumingin lang sa paanan ko.
"Hey! I know you. You are the girl at the toy store right?" he shouted at me. napatingin ako kaagad sa lalake kaninang may kausap sa cellphone. Ohh! That's why he looks familiar to me. Siya yung lalakeng tumulong sakin kahapon na abutin yong pesteng laruan na kamukha ni Orion.
Naka suot siya ng P.E uniform ng kabilang school, sila din siguro ang nag aya ng laro dito sa school namin.
"Oh yeah! you are the guy who looks like a pervert, playboy at the toys store!" I shouted back at him. Umasim naman ang mukha niya dahil sa sinabi ko.
"No I'm not a pervert and absolutely not a playboy." he said while smirking. I wish i could wipe off that smirk written on his face. Ang wala'ng hiya tumabi pa sakin kaya medyo umusog ako palayo sa'kanya.
"Yeah right." inirapan ko lang siya at ibinalik ko ang tingin ko sa paanan ko.
Alam kong napansin niya na wala ako sa mood makipag kwento-han, imbes na iwan niya ako dito para mapag-isa ay dumaldal pa ang gago."Bakit naman malungkot ka? Baka pumanget ka jan dahil sa pag kunot ng nuo at pag irap mo." Aba akala mo close kami kong makipag usap parang kaibigan ko lang.
"Mind your own business." inirapan ko lang siya ulit nakakaasar kasi talaga ang pag mumukha niya ang sarap tirisin.
O diba ang gaga ko kahit naiinis nagawa pang lumande, hindi niyo naman ako masisisi kasi guwapo din kasi 'to, Hehe.
Hindi niya pinansin ang pag susungit ko"Anyway, ako nga pala si Owen Agustin Skyler." Ehh?
BINABASA MO ANG
Seducing Mr. Fudanshi✔️ (Unedited)
Romance"If you play with fire, expect to get burnt." -Maria Sabrina Lucero Book Cover By: @Faithasticx Date Started: August 13, 2020 Date Finished: November 17, 2020