MAAGA kaming nakauwe ni Jericho kasi pag Friday wala naman kaming masyadong activity na pinapagawa ang mga teachers namin. Napapansin siguro nilang walang energy ang mga estudyante pag biernes.
Pag dating namin sa harap ng bahay ay may nakita kaming magarang kotse na nakaparada. Nag katinginan kami ni Jericho. Luh baka nag karoon ng utang si tita sa mga Mafia yung parang sa wattpad tapos ako ang ipang bayad tapos bampira pala yon naku po masyado pa akong bata para mamatay.
"Ate para kang tanga jan kung ano-anong pinagsasabi mo. Wag ka ngang O.A." ayy napalakas ata ang sinasabi ko hehehe. Napapahiyang inirapan ko si Jericho.
"Anong meron dito?" tanong sakin ni Jericho.
"Aba malay ko, mag kasabay lang kaya tayong umuwe." siya naman ang umirap sa sagot ko.
Nag madali kaming pumasok sa loob ng bahay baka kung ano na ang nangyare kay tita.
Pag pasok namin sa bahay--na sana hindi na namin ginawa--ay may lalakeng nasa forties kaming nakita na katabi lang ni tita. Naka upo sila sa hindi kalakihan naming sofa. Kahit na may kunting wrinkles ang makikita ay mukahang guwapo parin siya.
Nag mano kami ni Jericho kay tita.
"Tita sino siya?" tanong ko. Parang dudugo ang mga tenga ko dahil sa narinig kong sagot ni Tita."Ah siya pala si Christopher Skyler m-manliligaw ko."kinikilig na sagot ni Tita. Christopher Skyler? Siya yung tito ni Orion! Nakita ko siya minsan sa balita siya yung may ari ng 'Topher Modelling Agency' marami na ang sumikat na model sa agency na yon.
Mukhang naka jackpot si tita ah.
"Kailan po ang kasal?" tanong ko na kumikinang ang mga mata dahil sa narinig ko. Sinamaan ako ng tingin ni tita si Tito *ehem* Christopher naman ay amuse na napatawa ng malakas."Gaga nanliligaw palang yung tao kasal na kaagad ang nasa isip mo." sabi ni tita sabay batok sakin.
"Aray naman tita! Gusto ko lang naman mag kaanak ka na para hindi lang kami ni Jericho ang inaalagaan mo tsaka ayoko ng lalake ah gusto ko babae." hinaplos ko yung ulo ko. Nasa thirties palang naman si tita kaya pwede pa naman siguro siyang magkaanak.
"kanina lang kasal ngayon anak na ang hinahanap mo sakin. Isa pa talaga Sabrina masasabunutan na kita." Mas lumakas lang ang tawa ni tito Christopher sa bangayan namin ni tita.
"Pag pasensyahan mo na ang bunganga nitong si Sabrina mahilig lang talaga siyang magbiro."nahihiyang sabi ni tita. Hindi kaya ako nagbibiro.
"Hahaha! That's okay. Nakaka aliw naman ang pamangkin mo Tessy kaya okay lang."luh ginawa pa akong clown.
"Tita, tito maiwan ko na kayo." wala ng arte-arte na pag tawag ko ng tito kay Mr. Skyler.
"Sige lumayas kana sa harapan ko baka mabatukan pa ulit kita." Sabi ni Tita na may kasama pang pag taas ng kamao niya. Hinila ko si Jericho papunta sa kuwarto ko at para mabigyan ng time sina Tita magligawan sa sala, hehehe.
"Ate anong meron kay tita?" inosenteng tanong ni Jericho. Humagikhik ako sa tanong niya.
"Bawal sabihin sa bata, Spg kasi."mas lumakas ang hagikhik ko dahil sa itsura niya.
"Ate ang daya mo talaga." kanina lang ang tabil ng dila nito ngayon ang inosente na. Hay naku Jericho sa susunod maiintindihan mo din ang ibig kong sabihin.
Pinapunta ko muna sa kuwarto niya para maka pag bihis na siya. Tinawagan ko naman si mama at papa nung pag katapos kong magbihis, sinabi ko sakanila ang nangyare ngayon dito sa bahay.
Hindi naman sila maka paniwala sa sinabi ko. Si papa naman akala nanalo sa loto hindi kasi siya makapaniwala na ang kapatid niya ay hindi na tatandang dalaga.
Pag katapos naming mag group call ay lumabas na ako ng kuwarto para kumain. Andaming naka handang pagkain sa lamesa may letchon pa akala mo may piyesta.
"Saan galing 'to? " tanong ni Jericho na kakalabas lang sa kuwarto niya.
"Kay Christopher pang pa pogi points ata, hehehe." napairap nalang ako sa kalandian ni tita. Hindi ko sila pinansin nilantakan ko nalang ang pagkain na nasa harapan ko.
Dapat talaga ikasal na sila eh sayang lang kung mapupunta sa iba si Tito.
BINABASA MO ANG
Seducing Mr. Fudanshi✔️ (Unedited)
Romance"If you play with fire, expect to get burnt." -Maria Sabrina Lucero Book Cover By: @Faithasticx Date Started: August 13, 2020 Date Finished: November 17, 2020