Chapter 21

304 26 0
                                    

ANG araw na sabado ang pinaka paborito ko kasi kahit ano pwede kung gawin ngayon--Debale nalang kung utusan o paglinisin ako ni tita ng bahay--pwede din ako gumala kung saan ko gusto.

Hindi na pala ako masyadong nakakagala dito samin pag wala kase akong pasok nasa loob lang ako ng kuwarto. Si Jericho naman ginagawang tambayan ang kuwarto ko.

Tulad ngayon nag lalaro nanaman ng mobile games ang ingay nga niya eh, pag kasama ko siya naka earphone ako ang hirap mag basa sa wattpad pag maingay pero kung music okay lang.

Pinalakasan ko ang volume ng pinapakinggan kong music. Sobrang ingay kase ni Jericho. Maya maya ay nakita kung ibinaba ni Jericho ang phone niya kaya inalis ko na yung earphone ko. Mukhang naboring na siya kakalaro.

"Labas tayo ng bahay ate." naalis naman ang tingin sa binabasa ko.

"Ano namang gagawin natin sa labas?" sagot ko tapos ibinalik ko ulit ang tingin sa binabasa.

"Punta tayo duon sa may playground gusto ko mag laro."hindi ko siya tinignan.

"Watashi wa ikitakunai." I don't like to go. Alam kung naiintindihan ako nitong chanak ang sinasabi ko kase mahilig siya manuod ng mga Anime kagaya ko nanunuod din--Anime nga lang na BL hehehe--.

"Tinatamad ka nanaman eh. Five minutes lang naman tayong mag lalakad." hinihila niya na yung kamay ko patayo pero nagpapabigat ako.

"Ayoko nga kase." pag mamatigas ko.

"Ate tataba ka na lagi ka nalang nakahilata dito sa kuwarto. Tsaka malay mo meron din duong guwapo na binabantayan ang mga kapatid nila sayang naman kung hindi ka pumunta." napatingin ako kay Jericho na ngayon ay napaka lake na ng ngiti.

"Mag hintay ka sa labas mag bibihis lang ako."Mas lumake ang ngiti ni chanak sa sagot ko. Kilalang kilala talaga ako nito. Alam na alam kung paano ako mapapayag.

Mga ilang minuto ay tapos na akong mag bihis kaya lumabas na ako ng kuwarto. Nakita kung naka upo si chanak sa sofa nakikinuod siya sa kay tita na kinikilig pa sa pinapanuod na Korean Novela.

Hindi na nag bihis si chanak naka sky blue siya na t-shirt tsaka blue-ng Jersey shorts at syempre hindi mawawala ang asul na beanie niya. Ang suot ko naman ay puting t-shirt at itim na palda shorts lang. Syempre hindi ko makakalimutan ang mag pahid ng kunting polbo at lip tint.

"Tita punta lang kami ni Jericho sa labas."pag papaalam ko kay Tita na tutok sa kanyang pinapanuod. Tumango lang siya.

Nauna na ako lumabas sumunod sakin si Jericho. Pag dating namin sa playground ay nag tatakbo na si Jericho papunta sa monkey bar. Nag paka unggoy na ang chanak.

Nauupo naman ako sa may bench na malapit lang kay Jericho para mabantayan ko siya. Hindi ako niloloko ni Jericho meron ngang mga guwapo dito pero yung iba may jowa na kaya duon ako nakatingin sa wala.

Maya maya ay nakita kung may kalarong maliit na batang hanggang leeg ang buhok na kasama si Jericho, mga nasa six to eight ang edad. Nasa may duyan na sila. Itinutulak ni Jericho ang duyan para sa mas batang babae. Ang cute nila tignan.

Dahil mahilig ako sa cute ay inilabas ko ang phone ko at kinuhanan sila ng picture. Pag katapos ko silang picture-ran ay lumapit ako sakanila.

"Uyy Jericho sino yang cute na yan? Girlfriend mo?" humahagikhik na tanong ko kay Jericho. Namula naman ang pisngi nila dahil sa hiya.

"Hindi ko girlfriend si Alex kasi lalake siya!" medyo pasigaw na sabi ni Jericho sakin. Napatingin naman ako duon sa Alex nakita kung naka suot siya ng itim polo shirt at maong na shorts na hanggang tuhod.

"Weh? 'di nga? Sure ka?" sinamaan lang ako ng tingin ni Jericho pero hindi ko siya pinansin lumapit lang ako kay Alex, ang puti ng balat niya tapos ang pisngi niya ay may kunting freckles at medyo namumula dahil sa hiya.

Pinisil pisil ko ang mga pisngi niya. Muntik pa akong mapatili dahil sa ka-cute-tan niya. Pinalo ni Jericho ang mga kamay ko.

"Aray ko ah!" singhal ko kay Jericho.

"Wag mo kasing pisilin ang pisngi niya. Nasasaktan na sya oh." nang na realise ko ang ginawa ko ay itinigil ko ang pagpisil sa pisngi ni Alex.

"Sorry baby na caried away lang si ate ang cute mo kasi eh." sumimangot si Jericho dahil sa pag tawag ko ng baby kay Alex. Hehehe selos ang pa baby Jericho ko.

"O-okay lang po ate." sabi niya habang hinahaplos ang pisngi niyang pinisil ko.

"Alex! andito ka lang pala kung saan saan na kita hinanap." Sigaw ng malamig at baritonong boses sa likuran ko.

Seducing Mr. Fudanshi✔️ (Unedited) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon