Chapter 14

350 37 2
                                    

"ATE napanood mo na 'yong 2gether?"Tulalang tumango si ate sa tanong 'ko. Pagkatapos 'ko kaninang mag lunch ay bumalik na ako dito sa classroom nakita 'kong nasa loob si ate. Ang bilis niya ata bumalik.

" Grabe ang guwapo ni Sarawat tapos ang cute naman ni Tine."kinikilig 'kong sabi habang pinipisil ang braso niya pero tumango lang siya. Parang nag kabaliktaran kami ng sitwasyon ah.

Hindi naman siya ganito kaninang umaga."Ano pala yong emergency sa bahay niyo kanina at umuwe ka?" Tulala parin siya.

Umiling siya sakin."Hindi naman ganon kalala y-yong kapatid ko kasi naaksidente sa pag uwe niya pero okay na siya konting gasgas lang." napatango nalang ako kahit alam kong hindi lang 'yon ang dahilan.

"Sinong kapatid?" tanong ko tatlo kasi silang mag kapatid.

"Si Kuya N-nico." hindi parin ako kumbinsido. Tumango nalang ako sa sinabi niya naiintindihan ko naman si ate kong nag sisinungaling siya kahit best friend ko siya kailangan niya din kasi ng privacy pero sana hindi ko pag sisihan ang pagsisinungaling niya.

Ahh! kong ano-ano na ang nasa isip ko kaibigan ko siya kaya dapat mag tiwala ako sa'kanya.

Makalipas ng ilang minuto ay nag si pasok na lahat ng mga kaklase namin syempre kasama si Orion, pumasok na din 'yong teacher namin sa first subject ngayong hapon.

Hanggang mag uwian ay tahimik si ate. Nauna ko na siya'ng pinauwe cleaners pa kasi ako kaya matatagalan pa bago ako maka uwe tapos tatlo lang kaming cleaners si Lory siya yung class president namin tapos si Orion din cleaners.

Wala siya'ng magagawa kahit mayaman mag lilinis din siya nasa public school kasi nag aral eh. Napatitig ako sa'kanya, marunong pala siya'ng mag walis hindi halata sa itsura.

"Tigilan mo na yang katititig jan sa'kanya taposin mo nalang yang pag w-walis."biglang panggugulo ni Lory sa pag titig ko.

"Share mo lang?" inirapan niya ako kaya inirapan ko din siya. Bumalik nalang siyang sa pag aayos ng mga upuan at lamesa.

Pag katapos mag linis ay lumabas na kami tapos ini-lock na ni Lory ang classroom. Pag dating ko naman sa gate ay wala ng tricycle at jeep ang dumadaan, kaya ayokong maging cleaners wala ng masakyan. Dumidilim na ang kalangitan, siguradong lagot ako kay papa.

Maya maya ay may kotse-ng tumigil sa harapan ko kahit wala akong alam sa mga kotse ay halatang mahal ang bili dito. Bumaba ang salamin ng kotse at nakita ko nanaman ang guwapo-ng mukha ni Orion.

"Sabay ka na sakin malapit lang naman ang bahay niyo samin." malamig na tugon niya. Tumango nalang ako sa'kanya wala na kasing ibang choice ayokong matagalan pa sa pag uwe.

Pag pasok ko sa kotse niya ay tahimik lang siya'ng nag drive. Eto nanaman ang katahimikan na ayoko. Kulitin ko nalang kaya siya.

" May driver's license ka na pala?" tumingin siya sakin saglit at tumango lang siya.

"Diba 17 ka palang? Sabagay mayaman ka naman kaya magagawan mo yan ng paraan." tumango lang ulit siya pero nasa daan ang focus niya.

Pasimple akong tumitig sa'kanya pero napansin niya ako kaya napa tingin siya sakin nginitian ko siya ng malapad. Napatitig siya sakin tapos mabilis niyang ibinalik ang tingin sa daan. Tss.

" Problema mo?" tanong niya nginitian ko lang ulit siya ng malapad kahit hindi niya nakikita.

"Sabihin mo'na kaya sakin yong dahilan mo kung bakit ka nag babasa ng BL." sandali niya akong tinignan ng masama.

"I said NO." anubayan ang damot talaga nito.

"Sige na please curious lang talaga kasi ako pag sinabi mo ang dahilan hindi na kita aasarin promise." may kasama ng promise yon marunong naman akong tumupad ng pangako eh.

Napa hinga nala'ng siya ng malalim napansin ata niyang hindi niya ako madadala sa kaka NO niya. Ngumiti ako ng tagumpay.

" May kababata ako sa pampangga mahilig siya sa mga ganong libro lagi niya akong pinababasa kahit ayoko."
napatigil siya saglit parang inaalala niya ang nangyare noon.

"But she left me and never coming back. When I'm missing her I will read the book she gave me even i don't like."Nawala ang malapad kong ngiti sa sinabi niya.

" Hanggang sa masanay na ako sa pag babasa ng mga BL."Isang salita lang ang tumatak sa isipan ko

Her

His childhood friend is a girl and he like her. Sa bawat salita niya  tungkol sa babaeng yon ay unti unting dinudurog  ang puso ko at parang hindi ako makahinga ng maayos.

Seducing Mr. Fudanshi✔️ (Unedited) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon