WALANG gana akong umupo sa tabi ni Ate Nerisa. Hayyy.... Sa loob ba naman ng tatlong lingong pag poproblema sa tatlong pasaway na kasama ko sa bahay, isama pa si Owen na laging nakatambay sa bahay sa tingin niyo mag kakaroon pa kayo ng gana?
"Anyare sayo? Mukhang stress ka a..."Hindi ko siya sinagot, idinukdok ko lang ang mukha ko sa lamesa. Narinig ko namang huminga ng malalim si Ate.
"Bakit wala pala si Orion?"Napatingin ako kay ate ng banggitin niya si Orion.
"Kailangan daw siya sa kompanya nila, yun lang naman ang sinabi niya sakin."Halata kasing walang kwenta si Owen pag kompanya nila ang usapan kaya siguro si Orion ang pinapunta. Bigla kung narinig na bumahing si Owen. Tinawanan naman siya namin ni ate.
"Ate."tawag ko sakanya ng mahimasmasan kami sa kakatawa.
"Bakit?"Tumingin siya sakin.
"Childhood friend ka ni Orion?"Hindi na ako makapagsalita ng maayos dahil tumango siya sa tanong. Natahimik naman si ate ng makita niya ang pag asim ng itsura ko.
"Bakit anong problema?"Tanong niya. Wala ng atrasan 'to hindi kasi ako mapanatag kung hindi ko kakausapin si ate tungkol dun.
"Ate, i-ikaw ba yung childhood friend na nag bigay ng mga BL books kay Orion?"Kumunot ang nuo ni ate sa akin.
"Huh?"
"d-diba ikaw yung childhood friend na gusto ni Orion? Kaya nga galit si Orion sayo dahil iniwan mo siya?"Medyo nanginginig na akong nag sasalita sa harapan niya.
"Anong pinagsasabi mo?"Eh?
"bakit ganyan ang reaksyon mo ate? Diba totoo naman?"Tumingin sakin si ate ng are-you-an-idiot?-look.
"Oo, childhood friend niya ako tsaka tama ka galit siya sakin."Nawalan ng kulay ang mukha ko dahil sa sinabi ni ate. No this is not happening. "Pero hindi lang ako ang childhood friend niya, at wala akong ibinigay na libro sakanya at lalong hindi niya ako gusto, kaya siya galit sakin kasi may nagawa akong hindi maganda kay Owen hindi dahil sa iniwan ko siya—well si Owen galit siya dahil sa pag Iwan ko hindi lang halata."Naputol ang pag e-emote ko dahil sa sinabi niya at Napanganga ako kay ate. What the fuck? naguguluhan ako. Pake explain ang nangyayare.
Nakita naman ni ate-ng frustrated na ako dito. Naliwanagan naman siya dahil sa itsura ko kaya nag salita ulit siya. "Wag mong sabihing pinag seselosan mo ako? Wala kaya akong interes sa Walking refrigerator na yun" Hindi makapaniwalang sabi niya. Bigla naman akong nanlamig sa tanong niya.
"E-e sino pala yung childhood friend na gusto ni Orion?"Pag iwas ko sa tanong niya kanina.
Huminga siya ng malalim."I think si Bianchi, apat kasi kami pero parating kasama ni Orion si Bianchi tsaka mahilig din yun sa BL tulad mo, siya din siguro ang nag bigay kay Orion ng libro."
"A-anong nangyare sainyo bakit mag kakahiwalay na kayong apat?" dahil sa curious ay mas dumikit pa ako kay ate.
"Hmn... Siguro kasi umalis si Bianchi ng walang pasabi tapos dun na magsimulang masira ang pagkakaibigan naming apat."Parang may kulang ah.
"E ano namang nangyare sainyo ni Owen?"Lumikot naman ang mata niya.
"B-basta sakin na yun... Wag ka ngang etchosera jan."I smell somethings fishy. Tinawanan ko ang naging reaksyon ni ate.
"Ikaw naman, bakit mo iniiwasan ang tanong ko sayo kanina? Talagang pinag seselosan mo ako no?"Sabi niya sabay sundot sa bewang ko, ackk malakas pa naman ang kiliti ko dun.
"H-hindi k-kaya."Inaalis ko ang mga daliri niyang sumusundot sa bewang ko. Ginantihan ko rin siya, sinundot-sundot ko din ang nagkabilaang bewang niya.
Dahil sa ginagawa namin ni ate ay hindi namin napansin na pumasok na pala ng classroom si sir.
"Class! Makinig kayo. Meron nanaman tayong bagong transfer, Si Miss Bianchi Selden pala."Uyy sikat na ata ang WPU andami ng lumilipat dito eh.
"B-bianchi!"Napatingin ako kay ate Nerisa dahil sa sinabi niya.
"Siya yung nag bigay ng libro kay Orion!?"Pasigaw na bulong ko kay ate. Tumango siya sa tanong ko. Oh damn! Kanina lang pinag usapan lang namin siya ni ate, ngayon andito na siya? WTF!?
———————
A/N:Sorry for the late update.... Taghirap po kasi ngayon si Author, wala kasing WiFi kaya asa lang ako sa load na ngayon lang nagkaroon ulit. Sana maintindihan niyo, Salamat po.
Let me know what you think in the comments😉 and I Hope you enjoy this Chapter💕
BINABASA MO ANG
Seducing Mr. Fudanshi✔️ (Unedited)
Romance"If you play with fire, expect to get burnt." -Maria Sabrina Lucero Book Cover By: @Faithasticx Date Started: August 13, 2020 Date Finished: November 17, 2020