Chapter 16

336 30 1
                                    

KAGIGISING ko lang naka tulala ako dito sa kuwarto ni Jericho-tulog pa siya-hindi ko alam kong papasok pa ba ako, tinatamad ako pumasok. Si Jericho okay na wala ng lagnat pero hindi pa papasok nag papahinga kasi.

Ayoko pumasok mag dadahilan nalang ako kay tita ng kahit ano basta hindi ako papasok. Umalis na pala si papa bumalik kaninang mandaling araw sa pampanga para mag trabaho.

Lumabas ako ng kuwarto ni Jericho at pumunta sa kusina nag naghahanda ng pagkain si tita.
"Bakit hindi ka pa naka bihis?" tanong ni tita.

"Tita hindi ako papasok babantayan ko nalang si Jericho at babawi din ako sa'kanya."kumunot ang noo ni tita sa dahilan ko.

"Ginamit mo pa yang pinsan mo sa katamaran mo." umupo na ako sa upuan para kumain.

"Sige na tita ayoko pumasok sa school." pagmamakawa ko.

"Ano namang problema mo at ayaw mong pumasok?nag away ba kayo ni Nerisa? o baka naman may nang bubully sayo? "Sunod sunod ng tanong ni tita habang nilalagyan ng kanin ang plato ko.

" Hindi sa ganon, basta tita ayoko talaga."Wala ng nagawa si tita alam niyang hindi ako titigil hangga't hindi niya ako pinapayagan. Huminga siya ng malalim.

"Ewan ko sayo Sabrina, basta yang grades mo siguraduhin mong hindi bumaba."tumango nalang ako, mga ilang minuto ay lumabas si Jericho mula sa kuwarto kinukusot kusot niya ang kanyang mata.

" Ate? 'Di ka pa pasok?" tanong niya pag ka upo sa tabi ko.

" Oo hindi ako papasok babantayan kita." ngumiti ng malapad ang cute na chanak.

"Punta tayo mamaya ng mall bili tayo ng laruan ko ate tapos punta din tayo ng Arcade hindi na ako nakakapunta doon" masigla niyang sabi sakin halatang excited siya. "hindi ako pinapayagan nila lola masyado kasi silang istrikto" naka pout niyang pagsusumbong sakin, ang cute talagaaaa.

"Hindi pa pwede kaka tapos mo lang mag kalagnat." pagsira ni tita sa kasiglahan ng cute na chanak.

"Tita sige na punta kami ni ateee." umiling lang si tita sa pagmamaktol niya, hindi ako nag sasalita gusto ko rin kasi maka bonding si kulit eh.

"Tsaka mabilis lang kami kasama ko naman si ate eehhh hindi niya ako pababayaan, sige na pleaseee." magkadikit ang palad ni Jericho habang nag mamakaawa siya kay tita. Napailing nalang si tita sa kakulitan niya.

"Hay naku! nagmana ka talaga sa ate mo sobrang kulit ipagpipilitan ang gusto."ako nag turo sa'kanya eh hehehe. Umiiling si tita saming dalawa ngumiti lang kami ng malapad ni Jericho kay tita.

"Pero bago kayo umalis Sabrina mag hugas ka muna ng pinag kainan."naman! Bakit may kapalit.

" Bakit ako hindi ko naman sinabing mag mall kami aahhh."pagmamaktol ko agad.

"Hindi pwede si Jericho kagagaling lang yan sa lagnat." binelatan ako ng chanak, wala ng cute kasi pasaway na'to. Binelatan ko lang siya pa balik.

"Opo." may halong pabalang na sabi ko kay tita, hindi niya ako pinansin.

Pag katapos kumain ay bumalik si Jericho sa kuwarto niya para maligo siguro, ako naman ay nag hugas ng mga plato, hay ang unfair talaga pag ikaw ang panganay-kapatid na kasi ang turing ko kay Jericho.

Pag katapos kong maghugas ay pumunta na ako sa kuwarto ko para maligo at makapag bihis, sinuot ko yong blouse na Black off shoulder ko tapos pinarisan ko ng high waisted jeans at puting sneaker , nag pahid din ako ng polbo at nude matte lipstick. Liptint ang gamit ko pag sa school.

Pag kalabas ko ay nakita ko nag hihintay si Jericho sa gilid nagulat pa ako akala ko chanak.

Nakita kong nakasuot siya ng asul na beanie at puting t-shirt na pinaibabawan ng itim na jumper short tsaka puting sneaker din. Just Great! mapag kakamalan nanaman kaming mag ina. Sigurado akong tinignan niya sa kama ang susuotin ko habang naliligo ako-inilalagay ko kasi sa higaan ang nahanda kong susuotin.

"Palitan mo ng ibang kulay yang sneaker at jumper short mo! "tinignan ko siya ng masama.

"Ayoko nga! ito susuotin ko, tsaka libre nalang kita mamaya ng pamasahe pinadalhan ako ng pera ni lola kahapon." mayaman kasi lola niya eh. Sana all.

"Okay basta p-pati yong pang Arcade."libre kaya yon tatanggi pa ba ako kailangan ng maging praktikal ngayon. Ngumiti ng malapad ang chanak sakin alam niyang hindi ko matatanggihan ang libre.

Seducing Mr. Fudanshi✔️ (Unedited) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon