HINDI ko alam kung anong mararamdaman ko ngayun dahil pag labas namin ng kuwarto ni Jericho para kumain ng hapunan ay nadatnang naka-upo si Orion at tito Chris kasama si Alex sa hapag-kainan habang si tita ay naghahanda ng kakainin. Tumakbo palapit si Jericho kay Alex habang parang tanga akong nakatunganga sakanila. Napansin naman ni Tita Tessy ang tingin ko na parang nakakita ng Alien.
Bakit dito sila nag hahapunan?
"Pinapunta ko na sila dito kasi maaga kaming aalis bukas." kumunot ang nuo ko sa sinabi ni tita."Halika na nga dito kumain ka na, parang tanga ka jan."Sabi ulit ni tita. Napasimangot naman ako. Umupo na ako sa tabi ni Orion, dahil wala na akong choice tumabi na kasi si Jericho kay Alex. Nilagyan ko na ng ulam at kanin ang plato ko.
"Ang konti ng kanin mo."malamig ngunit mahinahon na sabi ng katabi ko. Pag gabi kasi kunti lang ang kinakain ko madali kasi akong tumaba, nakakainggit nga yung mga babaeng kahit madami ang kinakain hindi tumataba. Hindi ko siya pinansin pero nagulat nalang ako ng dagdagan niya ng kanin ang plato ko.
Napatingin ako sa mga kasama namin, mukhang wala namang naka-pansin sa ginawa niya dahil busy sila tita at tito na nag susubuan ng pagkain habang sina Jericho naman ay kumakaing may kasamang paglalaro ang ginagawa. Napahinga ako ng malalim dahil sa lakas ng tibok ng puso ko.
"What are you doing!?"Pasigaw na bulong ko sakanya.
"Obviously, dinadagdagan ko ang pagkain mo."Napairap ako sa sagot niya, Ipinag patuloy ko nalang ang pagkain ko. Hindi nalang ako kakain ng umagahan bukas.
Sa kuwarto pala ni Jericho matutulog sina Orion at Alex, wala namang masyadong gamit duon si Jericho dahil halos lahat ng gamit niya ay nasa kuwarto ko na.
Pagka tapos kumain ay naghugas ako ng plato at pumunta na ako sa kuwarto, manunuod pa kasi ako ng Still 2gether yung season 2 ng 2gether. Excited akong pumasok sa kwarto.
Maya-maya ay pumasok na din si Jericho sa kuwarto para matulog. Nang matapos ko ang panunuod sa Episode 5 ng Still 2gether ay nagbasa naman ako ng BL sa Wattpad. Dahil nagustuhan ko ang binabasa ko ay umabot hangang alas dose ang pag babasa, natigil lang ng matulugan ang binabasa ko.
"Sabrina gumising ka na malelate na tayo."
"Hmmmn, I don't care."Nakapikit pa na sabi ko kay Jericho.
"Halika na, nagluto na ako ng kakainin." Wait, hindi marunong mag luto si Jericho. Napamulat ako at tinignan ang tabi ko, wala na si Jericho. Napatingala naman ako sa nang gising sakin.
Nakita ko si Orion na naka handa na para pumasok. Naka suot siya ng plain white shirt at ripped jeans. Na conscious naman ako sa itsura ko dahil magulo pa ang buhok at hindi pa ako nakakapag hilamos na kaka hiya ang guwapo pa naman niya sa ayos kahit simple lang ang kanyang suot.
"Hey! Stop staring at me. Late na tayo kaya tumayo kana!"Napatakbo ako sa Cr dahil sa salitang late. Shit! Ayoko ng mapatayo sa labas ng pinto.
Nang matapos na ako sa pagbibihis ay lumabas na'ko sa kuwarto. Nakita ko'ng tapos na silang kumain kaya lalabas na sana ako ng bahay ng tawagin ako ni Orion. "Hindi ka kakain?"
"Ayoko kumain." sagot ko sa tanong niya. Nang marinig niya ang sinabi ko ay lumapit siya sakin."Bakit? Anong—" naputol ang sasabihin ko ng subuan niya ako ng sandwich.
"Masamang nagpapalipas ng gutom."Namula ako sa ginawa niya. Natauhan naman siya sa ginawa niya, kaya mabilis niya inabot sakin ang sandwich na may kagat ko.
" A-ahh, sumabay na pala kayo samin pumasok."Malamig ngunit utal niyang sabi, tumalikod at nag lakad siya palabas ng bahay sumunod naman si Alex sakanya. Si Jericho ay tumabi naman sakin.
"Ate, ang sarap ng sandwich diba?" humahagikhik siyang tumakbo palabas dahil inambahan ko siya ng suntok. Napakagat nalang ako ng malaki sa sandwich na hawak ko.
Ang sarap nga ng sandwich ni Orion.
———————
💕I hope you enjoy this chapter💕
BINABASA MO ANG
Seducing Mr. Fudanshi✔️ (Unedited)
Romance"If you play with fire, expect to get burnt." -Maria Sabrina Lucero Book Cover By: @Faithasticx Date Started: August 13, 2020 Date Finished: November 17, 2020