ALAM mo yung feeling na ang ganda ng gising mo kasi walang pasok, naka-tulog ng maayos kagabi, hindi napuyat kakabasa sa Wattpad, at in-enjoy ang pag tulog hanggang 09:00 ng umaga, tapos ikaw nalang yung huling kakain. kasi ako hindi ko feel dahil sa walanghiyang Owen na umubos ng umagahan at stock sa ref namin.
"What the fuck are you doing here? And why the fuck you didn't left any food for me huh?!"Sigaw ko sa Owen na hawak at nilalamon ang Vanilla ice-cream ko. "Walanghiya ka pati yang nana-nahimik na ice-cream ko hindi mo pinatawad!" Mangiyak ngiyak na maktol ko. Letche sinadya ko pa naman na itira yan para ngayun.
"Ang boring sa bahay kaya nandito ako at miss ko na si Kuya Orion."Sabi niya habang nginunguya ang ice-cream ko. Gago siya ginamit pa ang kapatid sa pamemeste niya samin.
"Gago ka, palitan mo yang ice-cream na nilalamon mo!"Tumango lang siya. Napa-dabog akong lumabas sa kusina. Pag dating ko naman sa sala ay nakita kong sobrang daming kalat, yung mga laruan kung saan-saan nakalagay tapos puro balat ng chips ang sahig.
At ang malala ay walang nag lilinis kasi naglalaro lang ang mga bata at nakaupo lang sa sofa tsaka nasa isa pang upuan ang paa ni Orion habang kinakalikot ang kanyang cellphone——ayoko ng alamin kung anong ginagawa niya——. Hayahay ang Senyorito.
Hindi ko matiis ang nakikita ko kaya napasigaw ako. "What the heck is happening here?!Bakit ang kalat?!"Napatayo si Orion sa pag kakaupo niya sa sofa, at natigil sa paghahabulan ang mga bata, napatago pa si Alex sa likod ni Jericho, at napalabas sa kusina si Owen.
"Nakakatakot si ate."bulong ni Alex kay Jericho.
"Ganyan talaga yan pag galit, dragona."Bulong niya pabalik. Ang hilig ng dalawang to mag bulungan pero dinig ko naman.
"U-uhm, we're just having fun?"Tinignan ko ng masama si Orion.
"You call this 'having fun'?"Itinuro ko ang mga kalat nila. Napahilot ako sa sintido dahil tumango lang siya sa tanong ko. "All of you, get out!"Nag unahan silang lahat tumakbo palabas dahil sa sigaw ko, kamuntik pang matalisod si Alex mabuti nalang at naalalayan siya ni Owen.
Napahinga nalang ako ng malalim dahil sa dami ng lilinisin ko. Nakakaasar inabot pa ako ng dalawang oras sa paglilinis ng mga kalat nila, simula sa sala na puro laruan at balat ng chips hanggang sa kusina na madaming hugasan at mga plastic ng pinagkainan ni Owen na wala manlang itinirang pagkain para sakin. Kaya ng matapos ako sa paglilinis ay pagod at gutom na ako.
Nang malinis ko na ang buong sulok ng bahay ay pinapasok ko na din sila. Nakita ko pang may mga dala silang grocery. Na guilty siguro dahil sa pag kakalat dito sa bahay at pag ubos ng pagkain sa ref.
Tss... Hinablot ko sa kamay ni Orion ang Groceries tapos hinablot ko din ang hawak na ice-cream ni Owen. Habang ang mga bata naman ay inabutan ako ng chocolate.
"Peace offering."Sabay na sabi ni Jericho at Alex, inabot ko naman ng maayos ang chocolate at ginulo ang buhok nilang dalawa.
Tumunog ng malakas ang tiyan ko dahil sa gutom kaya napatingin naman silang lahat sakin namumulang inirapan ko sila. Dahil sa pag lilinis ay nakalimutan ko ng kumain, sabagay wala rin namang pagkain kanina.Dahil sa gutom ay napagpasyahan kong mag luto ng makakain sa binili nila.
Nagluto ako ng chicken curry, fried chicken at nag timpla rin ako ng Strawberry juice para sa brunch. Ibaba ko palang sana sa lamesa ang ulam ay nakita kong nakaabang na silang apat.
"Anong ginagawa niyo dito?"
"We haven't eaten yet."sagot ni Orion.
"Hindi na nakapag luto si kuya Orion dahil inubos lahat ni kuya Owen ang nasa ref."nakasimangot na sabi ni Jericho.
"Yung mga chips lang ang itinira niya."sabi ni Alex habang naka pout. Napatingin naman ako ng masama kay Owen na nakahanda na ang plato at kutsara.
"What did I do?"inirapan ko siya. Napahinga ako ng malalim at pinag handaan ko nalang sila ng pagkain. Kawawa ang mga bata dahil nalipasan sila ng gutom. Mabuti nalang at madami ang niluto ko.
BINABASA MO ANG
Seducing Mr. Fudanshi✔️ (Unedited)
Romance"If you play with fire, expect to get burnt." -Maria Sabrina Lucero Book Cover By: @Faithasticx Date Started: August 13, 2020 Date Finished: November 17, 2020