Chapter 24

281 25 0
                                    

"UYY, Sabrina may transfer nanaman tayo ngayun dito sa W.P.U galing sa E.U." Salubong kaagad ni ate Nerisa sakin. Pag pasok ko sa classroom ay nag kukumpulan ang mga kaklase ko duon sa transfer galing sa E.U.

Nakaupo siya sa may harap an ng upuan ni ate Nerisa. Hindi kami makaupo dahil may nakapaligid sa kanyang mga kababaehan, sinakop na nila ang upuan namin.

"Excuse me, pwede bang makaupo na sa upuan namin?" tanong ko sa kanila pero walang pumansin. Napahinga nalang si Ate Nerisa ng malalim

"Tangina! Sabing excuse me, lumayas nga kayo sa upuan ko!" nagulat sila sa pag sigaw ko. Nagbigay naman sila ng daan para maka upo na kami.

"Ang ingay mo talaga Sabrina." inirapan ko lang si Lory.

W.P.U——West Public University——.
Pangalan yan ng school namin tinatamad lang akong banggitin tsaka masyadong sosyal ang pangalan para sa Public school... Fft.

Ang E.U naman ay Easton University yan yung private school na laging kumakalaban sa W.P.U. Dyan din nagaaral yong kambal ni Orion.

Ohh, speaking of the Devil his the transfer.

"Hey Miss kaklase pala kita." Sabi niya pag kaupo ko. "And Nerisa kaklase din kita, napaka liit nga naman ng mundo." tatatawa tawang sabi niya. Tumingin si ate Nerisa ng masama kay Owen.

"Shut your fucking mouth Agustin." nawala ang nang aasar na ngiti ni Owen. Napatingin naman ako ng pabalik balik sakanilang dalawa.

"Mag kakilala kayong dalawa?" tanong ko.

"No."

"Yes."

Naguguluhan akong napatitig kay ate Nerisa. "Yung totoo pinag loloko niyo ba ako?" Napahinga ng malalim si ate.

"Kakilala ko lang sa pampanga." Sa pampanga nga pala si ate Nerisa talaga nakatira nandito lang siya dahil sa nandito ang mama ni ate. Hiwalay na kasi ang parents niya, tuwing pasukan ay nandito silang magkakapatid, pag bakasyon naman nasa pampanga sila. Alam ko yang mga yan dahil naikwento na niya sakin.

Magsasalita sana si Owen ng suntukin ito ni ate sa ilong. Medyo dumugo pa nga ang ilong niya. Nag unahan ang mga kababaihan na mag abot ng panyo para sakanya, tumanggi lang siya dahil may dala siyang panyo.
Kung ako ay magaling sa pag mumura at matalim kung mag salita ang panglaban si ate Nerisa naman ay kamao. Amazona ang gaga. Tahimik lang si ate pero pag nagalit ay mukha mo ang makikipag usap sa flaming fist niya

"Luh, ate baka ma-detention ka sa ginawa mo."Don't get me wrong, kay ate ako nag aalala hindi sa ulol na Owen. Nababagay lang sakanya yan pero wala sa lugar si Ate para manuntok nasa loob siya parin siya ng school.

"I don't care." pag w-walang bahala niya. Tumawa lang si Owen sa ginawa ni ate.

"Hindi ka pa nag babago Neri, amazona parin."Tumatawa siya habang nakahawak sa dumudugo niyang ilong. Sinamaan ni ate ng tingin si Owen.

Inambahan ni ate ng suntok si Owen nag tago naman siya sa likuran ko——duwag ang gago——. Ang walang hiya hinimas pa ang balikat ko. Akala mo close kami kung maka kapit sa balikat ko parang tuko. Nagulat ako ng may humila sa pulso-an ko mula sa pang mo-molestya ni Owen sa aking balikat.

"Owen, what are you doing here?" malamig at mapanganib na tanong ni walking freezer Orion. Medyo nanginig ako dahil sa tono ng kanyang boses. Anong problema ng mag kapatid na to? Parehong tino-topak.

"Kuya Orion, kaklase din kita mukhang mag kakaroon tayo ng mini Réunion ni Neri ah." diniinan niya ang salitang Kuya. Mas naguluhan naman ako ngayon dahil sa sinabi ni Owen.

Humigpit ang hawak niya sa pulsuan ko kaya inalis ko ang pag kaka hawak niya sakin. Naramdaman niyang nasasaktan ako kaya bumitiw siya.

"Shut up Owen."Mapanganib na sabi ni Orion. Mas sinamaan naman ni ate ng tingin si Owen. Grrr, ngayon ko lang nakita na ganito si Orion at Ate Nerisa. Anong meron sakanilang tatlo?

Seducing Mr. Fudanshi✔️ (Unedited) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon