Chapter 31

246 23 0
                                    

"SYEMPRE naman...samama kayo, 'diba Orion?"Mapang-asar na tanong ko sakanya.

"Of course."maikli niyang sabi tsaka ipinagpatuloy niya ang pag subo ng kanyang pagkain. Yung totoo? Kanina lang affected ka, ngayon parang wala lang sayo. Grrr, ang gulo mo. Sa sobrang asar ko ay napakagat nalang ako ng malaki sa hawak kong burger.

"Ang takaw mo talaga, ate."Tinignan ko ng masama si Jericho kaya tumahimik siyang kumain. Tinapik tapik naman ni Alex ang likod niya kaya napa-pout si Jericho.

"Stop teasing me."humaba pa ang nguso niya.

"No, I'm not teasing you, I'm comforting you."Humahagikhik na sabi ni Alex.

"Yeah right, you're comforting me." Sarkastikong sabi ni Jericho. Tahimik lang akong nanunuod sa mini theatre ng dalawang bata. Nang matapos kaming lahat kumain ay pumasok na kami sa kanya-kanyang classroom namin pero malas lang dahil pag pasok namin ni Orion sa classroom ay nakita namin ang iba naming kaklase, parang pauwe na sila. Nang mag tanong ako sakanila kung ano ang nangyayare, sabi naman nila ay half day lang daw ang pasok namin, kasi may meeting lahat ng teachers ngayung hapon.

Lumabas nalang din kami ni Orion dahil wala ng magagawa eh tsaka para mapa-aga na din ang punta namin sa bahay nila ate. Pag kalabas namin ng classroom ay nakita namin sina Alex at Jericho na papalapit samin kaya sabay na kaming nakarating sa pinag-parking-an ng kotse ni Orion, gaya ng pwesto namin kanina ay sa backseat ako nakaupo.

Ibinigay ko ang address ng bahay nila ate kay Orion kasi mukhang hindi niya alam kung saan. Pag karating namin sa bahay nila ay may nakita kaming mamahaling pulang kotse sa harap ng bahay nila ate.

"Hey, tito Orion, diba kotse ni Tito Owen yan?"Sabi ni Alex habang itinu-turo niya ang pulang kotse. Uyy sa kambal niyang maniac pala yan. Tinignan ko kung anong magiging reaksyon ni Orion sa sinabi ni Alex. Bored lang siyang tumango. Hindi ko alam kung bakit pero parang nakahinga ako ng maluwag sa naging reaksyon niya.

Pag kalabas ko sa kotse niya ay kumatok ako sa pinto nila Ate Nerisa. Pinagbuksan naman ako ng nakasimangot na si Kuya Nico.—— Nico Alcantara, 21 years old, siya ang panganay sa mag kakapatid, guwapo, caring, at protective na kuya——.

"Nyare sayo kuya? Para kang pinag bagsakan ng langit at lupa."napasimangot pa siya sa sinabi ko. Napatingin naman siya sa katabi kong si Orion.

"Tss... Eto pa ang isang asungot."Sabi ni kuya. Hindi na nakakapag taka na mag kakilala sila dahil sa mga nalaman ko na childhood friend sina Ate Nerisa at Orion.

"Kuya! Sino yan?"Narinig ko sabi ni Dale sa loob.——Dale Alcantara, 14 years old panganatlo sa mag kakapatid, gago, bulakbolero, malandi, at babaero sa edad na katorse——.

Tumabi din si Dale kay kuya Nico sa pintuan. "Hey, babe andito ka pala, dinadalaw mo ba ako?"O diba malandi, hindi man lang ako ginalang mas matanda kaya ako sakanya ng dalawang taon. Inirapan ko siya sa sinabi niya, allergic kaya ako sa mga katulad ng malanding si Owen.

Binatukan naman siya ng kararating lang na si Dane——Dane Alcantara, 14 years old, kambal ni Dale, bunso sa mag kakapatid, siya ang kabaliktaran ni Dale, masipag, matalino at books before girls ang linyahan——.

"Wag ka ngang papansin jan, hindi ka pa tapos sa mga assignment mo kaya halika."Hinila niya ang tenga ni Dale kaya napasunod ito sakanya.

"Aray ko! Bitawan mo nga tenga ko Dane!"Hindi siya pinansin. Tumingin lang sakin si Dane at ngumiti.

"Hi pala sayo Ate Sabrina."Sabi ni Dane, nginitian ko din siya. Ang bait talaga ng batang 'to.

"A-anong meron?"Tanong ni ate Nerisa na kakalabas sa eksena, mapula pa ang ilong niya at nahihirapang mag salita dahil sa sipong naka-bara .——Nerisa Alcantara, 17 years old, pangalawa sakanila, nag iisang babae sa mag kakapatid, amazona pero mabait at ideal na ate——.

Sila ang Alcantara Siblings. Hayy, nakakapagod mag paliwanag.

——————————

❤️Hope you enjoy this chapter!💕

Seducing Mr. Fudanshi✔️ (Unedited) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon