MAAGA ako'ng nagising hindi ko hinintay si Jericho pumasok sa school nasa bahay naman si papa siguradong ihahatid siya.
Naka upo ako ngayon dito sa loob ng classroom may mangilan - ilan kaklase ako'ng kasama, kanya kanyang ginagawa merong mga babaeng cleaners na nag lilinis(wala kasing janitor public school eh), karamihan sa mga lalake nag lalaro ng mobile games.
Hayyy ang boring ayoko naman mag linis kasi tinatamad ako ayoko rin namang mag laro ng mobile games, anong gagawin ko? Wala pa naman si ate Nerisa.
Inilabas ko nalang 'yong cellphone at kinalikot nag selfie ako oh Di kaya kinukuhanan ng stolen pictures 'yong mga kaklase kong busy sa ginagawa nila para pag birthday nila may maisesend ako'ng stolen pics nilang panget hehehe.
Hanggang natapat ang cellphone ko sa nag iisang lalake na ang alam gawin ay mag basa lang. Naka tapat siya sa bintana habang nag babasa kitang kita ang tanned niyang balat, mapupulang labi at ang kumikinang niyang buhok dahil sa liwanag na na'ng gagaling sa bukas na bintana napatitig ako sandali sa'kanya sabay pindot ng click sa phone ko.
"Hoy anong kababalaghan yang ginagawa mo?" echoserang tanong ng kapapasok palang na si ate Nerisa.
"Crush mo noh?" echoserang tanong nanaman ni ate.
"Hindi pa ba obvious sayo?" umikot lang ang mata ko sa'kanya.
"Oo nga noh lahat nga kaming kaklase mo alam ng may crush ka kay Orion kahit sa kabilang section kalat na kalat."tugon ni ate. Wala naman ako'ng pake kong malaman pa ng buong mundo wala rin naman akong pagasa.
Alam ko namang hindi lang simpleng crush lang 'to. Napahinga nalang ako ng malalim napansin naman ni ate.
" kawawa ka lang kasi parang lalake ang gusto niya kaya tigilan mo na yang pag hahabol mo sa'kanya. Hindi bagay sayo ang pagiging martyr"Napahinga ulit ako na'ng malalim.
" Ewan ate, bahala na kong anong manyare.'' pag wala'ng bahala ko. Hindi ko din kasi alam ang gagawin.
Lunch break umuwe si ate may emergency daw kasi sila sa bahay nila tapos si Jericho hindi ko napansin ngayon. Tsk, wala akong kasama ngayon.
Naka upo ako ngayon dito sa isa sa mga table ng cafeteria hindi magalaw ang pagkain ko kahit gaano pa kasarap 'to.
"Bakit hindi mo'ko inayang mag lunch kanina?" Tumingala ako sa nag mamay ari ng malamig at baritonong boses na muntik pa akong mabulunan dahil doon.
"Malay ko bang sasabay ka."binalewala ko lang ang guwapong lalake na nasa harapan ko. Ibinalik lang ang tingin sa pagkain ko.
Na'ng makita niyang tumahimik at wala na ako'ng sasabihin ay umupo nalang siya sa tabi ko may hawak naman na siyang tray na may lamang vegetable salad at pineapple juice kumpara naman sa softdrink, tatlong tasa ng kanin at adobong manok na pag kain at inumin ko.
"Yan lang kakainin mo?" naniniguradong tanong ko.
"Hmn. Hindi naman ako matakaw tulad mo." aba madaldal ang taong 'to pag nanlalait ah. Inirapan ko lang siya, maya maya ay natahimik nanaman kami.
Ugh hindi talaga ako sanay sa ganito.
"Uyy." tawag ko kay Orion na susubo palang ng salad niya."Oh?" sabi niya sabay subo sa pag kain niya.
"Bakla ka ba talaga?" nabulunan siya sa tanong ko. Inabot ko sa kanya 'yong pineapple juice niya at pinat(pat) ang likod niya napatigil naman siya dahil sa ginawa ko parang napasong inilayo ang kamay ko sa'kanya.
Panandalian lang ang pagiging awkward namin dahil sinamaan niya ako ng tingin.
"Ilang beses ko bang sasabihin sayo na hindi ako bakla huh?" nandidiring tanong niya sakin. Nalito naman ako dahil sa pandidiri niya.
"Di ba nag babasa ka ng BL? Paano ka naman hindi naging bakla niyan?" balik na tanong ko sa'kanya.
"Hindi mo rin lang maiintindihan kaya manahimik ka nalang jan." ano ba yan ang damot mag she-share lang naman eh.
"Sige na sabihin mo'na sakin promise ako lang makakaalam wala akong pag sasabihan."pag mamakaawa ko malay mo kasi baka mag karoon ako ng pag asa sa'kanya hehehe. Napahinga nalang siya ng malalim.
"No." malamig na tugon niya. Lumaylay ang balikat ko dahil sa sinabi niya. Akala ko mag k-kwento na siya. Paasa ang gagong 'to.
"Tsk, damot." sabi ko tapos tumayo na para ibalik ang pinag kainan ko ubos naman na ang pagkain ko. Anubayan akala ko pa naman ito ang unang matino ang pag uusap namin. Nakaka asar lagi nalang maling akala.
BINABASA MO ANG
Seducing Mr. Fudanshi✔️ (Unedited)
Romance"If you play with fire, expect to get burnt." -Maria Sabrina Lucero Book Cover By: @Faithasticx Date Started: August 13, 2020 Date Finished: November 17, 2020