Chapter 32

240 22 0
                                    

"K-KAYO pala."Gulat na sabi ni ate.

"Ate Nerisa."Kumakaway na sabi ni Jericho kay Ate Nerisa, kumaway pabalik si ate.

"Hi, Jericho."Ngumiti ng malapad si Jericho.

"Maiwan ko muna kayo, may gigisahin pa kasi ako sa loob."Ngumiti ng malapad si Kuya Nico habang pinapatunog niya ang kanyang mga kamao. Tumango kami sa sinabi ni kuya Nico. Mabait talaga si Kuya medyo creepy lang.

"Ano palang kailangan niyo?"Tanong ni ate at niluwagan ang pinto para makapasok kami. Nauna ng pumasok ang mga bata sa loob.

"Hindi na ba ako pwedeng dumalaw sa kaibigan kong may sakit?"Taas kilay na tanong ko kay ate.

"Hindi naman sa ganun, biglaan lang kasi ang dalaw niyo."Tumango ako at pumasok na sa loob ng bahay nila. Tulad nga ng inaasahan namin at nasa loob din si Owen, naka upo siya sa nag iisahang sofa nasa hita niya si Alex habang kaharap si Kuya Nico, siya siguro ang binabanggit na gigisahin ni kuya.

"Owen, what are you doing here?"I asked him. Napatingin naman siya sakin. Kumibit balikat lang siya, halata na hindi siya mag papaliwanag kaya hinyaan ko nalang siya.

"Umupo muna kayo."Nahihirapang sabi ni ate. Umupo naman ako sa bakanteng sofa, tumabi naman si Orion sakin kaya napatingin si ate.

"Kuha lang ako ng maiinom."Umiiling na ngumiti ako sakanya.

"Wag na ate, may lagnat ka kaya mag pahinga ka lang."Hinila ko siya paupo sa tabi ko, mabuti nalang at malaki ang sofa nila kaya kasya kaming tatlo.

"Kuya, Tigilan mo nga si Owen, pumunta ka nalang sa kusina kumuha ka ng maiinom."Napakamot naman sa ulo si Kuya Nico dahil sa sinabi ni ate. Tumingin muna ng masama si kuya kay Owen at Orion bago pumunta sa kusina.

"Ate, parang mas naging creepy si kuya ngayon ah."Tumatawa kong sabi kaya napatawa din siya.

"Hayaan mo si kuya masyado lang yang protective."Sabi ni ate. Nag kwentuhan lang kami ni ate tsaka ipinahiram ko sakanya ang mga notes ko para pag aralan, wala kasi siya kanina.

Maya-maya ay dumating na si Kuya Nico may dala siyang donuts at Orange Juice, kasama niya si Jericho na lumalamon na. Napailing ako sa kawalang hiya-an niya.

Sumunod din ang kambal na pumunta sa sala. Tapos na siguro ang assignment nila kaya andito na. Kinulit naman ako ni Dale kaya todo saway naman si Dane sa kambal niya.

Nang malapit ng magdilim ay napagpasyahan naming umuwe na. "kanina ka pa tahimik. Do you have a problem?"Tanong ko kay Orion namin pagkapasok sa kotse. Kanina ko pa siya napapansing tahimik simula ng makarating kami kina Ate. Umiling siya sa tanong ko.

"Nothing, I'm just tired."

"O...kay?"Hindi ko nalang siya pinansin, Tumingin ako sa labas. Wala kasi ako sa mood na mag daldal ngayon.

"Anong problema nilang dalawa?"Narinig kong bulong ni Alex kay Jericho sa backseat.

"May LQ, hahaha."Narinig ko ding bulong ni Jericho. Bulong pa ba yun? Dinig na dinig ko dito mula sa passenger seat eh.

"LQ?Ano yun?"Nagtatakang tanong ni Alex. Bago pa i-corrupt ni Jericho ang pag iisip ni Alex ay tinignan ko siya ng masama mula sa rear-view mirror. Ang gago lumalamon pa din ng donut na galing kila Ate Nerisa.

"Secret."sabi niya kay Alex. Mag sasalita pa sana si Alex ng isubo ni Jericho ang hawak niyang donut, tahimik nalang na ngumuya si Alex. Napahinga naman si Jericho ng malalim bago ako tignan sa rear-view mirror at nag peace sign. Inirapan ko lang siya.

Nang maka-uwe kami ay ako na ang nag prisenta na magluto ng kakainin dahil pagod nga daw si Orion. Tss... Dahilan mo bulok.

———————

❤️Hope you enjoy this chapter❤️

Seducing Mr. Fudanshi✔️ (Unedited) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon