Chapter 12

408 38 1
                                    

"JERICHO ang laki mo'na. No'ong huli kitang makita ang taba mo at cute ngayon ang gwapo mo na ah." sabi ni ate Nerisa kay Jericho na katabi niya. Gusto daw kasi ni ate na katabi si Jericho ibig sabihin katabi ko si Orion.

"Salamat ate Nerisa mas gumanda ka rin po." Napagikhik si ate sa sinabi ng chanak. Aba ang plastic na bata nambola pa.

Wala pa pala kaming pagkain maka order nga mo'na.

"Ate, Jericho bibili lang ako ng pag kain anong gusto niyo bibilhan ko na din kayo?" tanong ko sa kanila sinabi naman ko'ng anong gusto nila. Binagay nilang dalawa sakin 'yong pangbili. Sasamahan pa sana ako ni Jericho pero ayoko baka matagalan kami sa pag order medyo lampa pa naman siya.

Hinila ko nalang si Orion para samahan ako'ng mag buhat hindi ko kaya kayang mag isa lang. Mukhang aangal pa siya kaya kinuha 'ko 'yong bag niya siguradong susunod yan nasa bag kasi yong mga libro-ng mga binabasa niya. Paano ko nalaman? Malamang tinignan ko.

Pag kabili ng pag kain ay bumalik na kami sa table namin may hawak ako'ng dalawang tray kaya ko naman 'to kahit papaano ganun din si Orion.

Na'ng nasa table na kami si Jericho lang ang nadatnan namin.
"Asan si Ate?"

"Pumunta lang ng C.R." tugon ni Jericho. Napatango nalang ako.

"Hoy kuya boyfriend kaba ni ate?"
Luh O.A siya. Tuwing may kasama ako'ng lalake pag kakamalan nilang boyfriend ko.

Sasagot na sana si Orion ng sumabat ako. "Ang O.A mo Jericho hindi ko pa siya boyfriend wag ka ngang ganyan."sabi ko.

"So may balak ka na maging boyfriend siya ate!?" eh?

"May sinabi ba ako?" maang maangan ko pag ka tapos sabay subo ng maraming chips sa bunganga ko. Hehehe.

"Ate naman ehhhh!" maktol ni chanak habang may pumapadyak. 'Yong isa naman tahimik lang pinapanuod kaming mag pinsan.

Maya maya ay dumating na si Ate Nerisa kaya medyo tumigil sa pag mamaktol 'yong isa. Pinaiiral nanaman ang kaplastik-an.

Nang uwian na namin ay sumabay na sakin si Jericho nag jeep nalang kami ngayon para mas tipid.

Pag uwe ay nakita ko si papa umuwe daw siya ngayon nag text rin kasi si tita sakin. Pag kaharap kay papa ay nag mano kami ni Jericho.

"Tito si ate kanina."tsk ganyang tono palang ni chanak alam ng may isusumbong 'yan.

"Hmm? Ano nanamang ginawa ng ate mo?" ayan na!

"May boyfriend na."sapokin ko kaya 'tong batang 'to?

"Luh! gago siraulo ka talaga sinong may boyfriend?" gago talaga 'to gumagawa nanaman ng kwento.

"Sabrina! Sinong boyfriend 'yan? Paano ka niligawan? Wag mong sabihin sa tabi tabi lang? Sabihin mo pumunta siya dito at maihanda ko yong itak ko jan." sunod sunod na tanong ni papa.

"papa wag ka ngang praning wala pa akong boyfriend tsaka kong meron ipapaalam ko ba kay Jericho?" Alam ko namang madaldal yang si Jericho kaya secret lang kong mag kaka boyfriend ako. Sinamaan ako ng tingin ni papa.

"Siguraduhin mo lang kong meron eh dadaan mo'na siya sakin."napahinga nalang ako ng malalim. Kaya hindi ako mag ka boyfriend eh sobrang higpit nila. Anubayan. Wag na lang kaya ako mag asawa?pero charot lang hindi ko sasayangin ang maganda kong genes.

" Opo."

" Ang O.A niyo hindi ko pa nga niligawan si Orion kaya hindi pa ako mag b-boyfriend hehehe" bulong ko hapang papunta sa kuwarto ko.

"Anong sabi mo? Wag ka ngang bubulong bulong baka mabatukan kita jan."

"Ewan ko sayo papa." ganito talaga kami ni Papa pag umuuwe siya parang aso't pusa kong mag bangayan. "Ikaw Jericho wag kang matutulog mamaya sa tabi ko ah." baling ko kay Jericho sabay takbo sa kuwarto tapos lock ng pinto.

"Ate joke lang 'yon hindi ko naman alam na maniniwala si tito Tsaka ate madilim sa kuwarto ko ayoko mag isa." kumatok pa siya sa pinto pero hindi ko pinansin. Yan pasaway ka kasi. Sige gawa pa ng kwento. Kahit cute siya wala siya'ng magagawa.

Seducing Mr. Fudanshi✔️ (Unedited) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon