Nang makarating ako sa bahay. Pinilit kong pakalmahin ang sarili ko. Kailangan kong magpanggap na okay ako sa harap nila Mama.
Pagpasok ko sa bahay, nagtataka ko at kumpleto sina Mama, Papa at ang kapatid kong si Andrea. Anong meron? Bakit sila nakatitig sakin?
"IMMORAL KANG BABAE KA!!!!! NAGPABUNTIS KA !!!!!! SINONG AMA?!!!! YUNG BOYFRIEND MO NA KAKASABI MO LANG SAMIN AH !!!!!!! "
Galitna galit na sabi ni Mama. Sinampal niya ko, hawak niya yung mga results at ultrasounds ko. Nakikita ko rin ang mukha ni Papa na mukhang galit na galit.
"ASAN ANG LALAKING NAKABUNTIS SAYO AH!!!!! PAPANAGUTAN KA BA NIYA?!!!!!!!! PAPUNTAHIN MO SIYA DITO ANA. HINDI AKO NATUTUWA SA PINAGGAGAWA MO!!!!!"- Papa
Umiling lang ako, ayaw na sakin ni Jambri malamang aayawan din niya ang anak namin. Nagulat na lang ako na may malaking palad na dumampo sa pisngi ko, sobrang sakit na halos mabingi na ata ako.
Si papa, si papa ang sumampal sakin sa talambuhay k ngayon lang ako nasampal ni Papa, madalas si Mama. Sobrang sakit. Ramdam kong dissappointed sila sakin
"DISGRASYADA KANG BABAE KA.. DI KA NA NAAWA KINA MAMA AT PAPA, ATE!"- Andrea
"WAG KANG MAKIALAM, WALA KANG ALAM!"
Di na ko nakapagtimpi, at nasagot ko ang kapatid ko. Akala ba niya ginusto ko to? Kung alam lang nila yung pinagdadaanan ko ngayon.
"ANONG KARAPATAN MONG PAGSALITAAN NG GANYAN SI ANDREA!!!!! LUMAYAS KA NA DITO WALA NA KAMING ANAK NA TULAD MO, WALA KANING ANAK NA DISGRASYADA !!!!!! LUMAYAS KA!"-Mama
"MA PLEASE WAG PO SORRY PO MA! WAG NYO PO KONG PAALISIN. WALA PO KONG IBANH MAPUPUNTAHAN !"
Habang patuloy ang pagtaboy sakin ni Mama, unti unti kong napansin na nakahawak si Papa sa dibdib niya hanggang sa nahihirapn na siyang huminga.
"PA! "
"PA!!!!!!!!!"
"MAMA! SI PAPA KAILANGAN NATIN SIYANG DALHIN SA OSPITAL MA!!!!!!!"- Andrea
Agad agad naman siyang binuhat ng mga pinsan namin at nilabas ng bahay. Si papa anong nangyari kay Papa.
"WAG NA WAG KANG SUSUNOD!!!!! NG DAHIL SAYO INATAKE ANG PAPA MO, PAGBALIK NAMIN GUSTO WALA KA NA RITO!!!!!!"- Mama
Saan ako pupunta ngayon? Paano na kami ng anak ko? Wala na kong aasahan sa tatay ng anak ko. Nahihiya naman akong makitira sa mga kaibigan ko.
Wala na kong choice kaya pumunta ko kina Jana, siya lang naman nakakaalam ng kalagayan ko na kaibigan ko. Tinanggap naman ako ni Jana, silang dalawa lang ng pinsan niya ang nakatira sa bahay nila dahil nasa America ang Dad niya.
___________
James'POV
Sobrang sakit ng ulo ko ng magising ako. Paano ba ko nakauwi kagabi? Naparami kami ng inom ng barkada ko kagabi, birthday ko naman eh.
Kinuha ko yng cellphone ko sa lapag, ang daming misses calls ni Ana at texts, nga pala may usapan nga pala kami ngayon.
Pag tingin ko sa orasan, 1 pm na pala, sabi ko pa naman sa kanya babawi ako sa kanya. Hayy! Matawagan na nga lang.
Calling.....
Babe
.. the number you have dialled is out of coverage area....
Toot.....toot.....toot
Bakit out of coverage? Never naman nagpatay ng cellphone yun. Bakit parang bigla akong kinabahan?Dinial ko uli pero ganoon pa rin, Ano bang nangyayari kay Ana? Bahala na nga tatawagan ko na lng uli siya mamaya.
Nakauwi na ko galing opisina pero di pa rin ako mapakali, di ko pa rin macontact si Ana. Nag aalala na ko sa kanya. Buti sana kung alam ko kung saan ang bahay nila di ba yan ang hirao sa hindi legal eh.
_
Tatlong araw na wala pa rin akong balita kay Ana, asan na ba siya? Di ko pa rin siya macontact, Sana okay ka lang Babe.
Di na ko nakatiis pinuntahan ko si Jana, ang bestfriend ni Ana nagbabakasakali ako na alam niya ang nangyayari kay Ana o nasaan siya?
"Anong ginagawa mo dito?"- Jana
"Jana wait. Alam mo ba kung nasaan si Ana?"
Lumabas siya at tinulak ako! Ano bang nangyayari? Bakit galit sakin to? Ano bang ginawa ko?
"Hindi ko alam kung nasaan siya at pwede ba umalis ka na tantanan mo na yung kaibigan ko!"- Jana
"Ano bang pinagsasabi mo? Bakit ka ba nagagalit sakin? Ano bang nangyayari kay Ana?"
"HINDI MO ALAM?!!!! PWES IPAPAALAM KO SAYO. PINALAYAS SI ANA SA KANILA!!! DAHIL SINABI NIYA NA PARENTS NIYA ANG ABOUT SA INYO! DI MANHID SI ANA, JAMES ALAM NIYANG NASASAKTAN KA! KAYA SIYA UMAMIN BALAK KA NGA SANA NIYANG ISURPRISE EH... PINALAYAS SIYA JAMES, ASAN KA NUNG MGA PANAHON NA KAILANGAN KA NIYA?!!!! DI BA NAG EENJOY KA LANG KASAMA NG BARKADA MO HABANG YUNG KAIBIGAN KO IYAK NG IYAK!!!!!! ANONG KLASENG BOYFRIEND KA,????!!!!!!! WALA KANG KWENTA!!!! "- Jana
Then iniwan niya na ko, at pumasok na siya sa bahay nila. Napaluhod ako sa nalaman ko, asan na si Ana? May matutuluyan na ba siya? Sorry babe ang selfish ko, di ko alam na pwede pa lang mangyari yun ngayon naiintindihan ko na yung takot mo.
Bumalik ka na babe, please! Pangako makukuntento na ko sa kung anong meron tayo.
Tama si Jana, napakawalang kwenta ko at manhid. Sarili ko lang ang initind ko, di ko napansin na mas nasasaktan ko na pala siya, lahat ng pambabalewala ko sa text at tawag niya, di ko pagsipot sa mga usapan namin at ang pagtitiis ko sa kanya, napakagago ko talaga.
Naalala ko yung mga sinabi ko nung gabing nasa bar ako.
"Dati yun. But now, I consider her as my biggest mistake. Sinayang ko ang buhay ko sa kanya. I regret that I love her!"
Karma ko ba to?! Sa mga sinabi ko sa kanya. Di naman totoo yun eh. Mahal na mahal ko si Ana, siya ang buhay ko. Please babe bumalik ka na.
YOU ARE READING
His Biggest Mistake
RomanceI was his biggest mistake but unfortunately I love him not knowing he is my sister's fianceé. How can I unlove him? ??? His Biggest Mistake