"Alam mo ba Pa nagtataka ko bakit di mo maipaggamit ang apelyido mo sa akin? Dahil ba kinakahiya mo ko at di mo matanggap na anak mo ko. Alam mo Pa lumaki ako na may tampo sa inyo ni Mama pero di ko magawang magalit sa inyo dahil mahal na mahal ko kayo. You called me a disgrace in this family, sakit mg ulo at walang dinala kung di problema. Pa lumayo ako kasi ayokong lumaki ang anak kong nakikita niyang nasasaktan ako. Mahal na mahal ko kayo Pa, paniwalaan niyo naman ako. "-
"Anak mo si Aaron? Ano ba talaga Ana, Paano kita paniniwalaan kung nagsisinungaling ka sakin. "- Papa
Yung sinabi namin ni Rodrick yun lang naman ang unang beses na nagsinungaling ako kay Papa.
"Oo anak ko siya, anak namin siya ni James, Pa!"
Tumingin muna ko kay James bago nagsalita uli. Nilingon din ito ni Papa at humarap sakin. Magsasalita na sana ko ng biglang nagsalita si Andrea.
"Oo Pa , anak ni ate ana at James si RonRon. Nagsunungaling siya dahil ayaw niya kong masaktan akala niya nagmamahalan kami ni James noong nagpunta siya rito. Pa nagpaubaya si Ate hindi totoo ang sinasabi mo sa kanya di niya nilalandi si James dahil never naman naging akin si James at may mahal akong iba Pa."- Andrea
Iyak na rin ng iyak si Andrea, di ko akalain maglalakas loob siyang magsalita at ipqgtatanggol ako kay Papa.
"Alam mo rin to? Pinagmumukha niyo pala kong tanga sa sarili kong pamamahay. Di ko na alam ang paniniwalaan ko!"- Papa
"Papa I'm sorry di ko po gustong magsinungaling nang masettle namin ang lahat samin ni Andrea lahat ginawa namin lahat para makausap ka pero sobrang busy mo Pa, Ang gusto lang naman namin ay maging maayos na anga lahat si Andrea at si Mat at kami ni James Pa."
Napaupo na si Papa, agad naman kaming nag utos na kumuha ng tubig bigla akong natakot baka atakihin si Papa.
"Mag uusap pa kami ng Mama niyo tungkol dito ang gusto niya si Andrea ang makasal kay James Mahal na mahal ko ang Mama niyo kaya ibinibigay ko lahat ng gusto niya."
YOU ARE READING
His Biggest Mistake
RomanceI was his biggest mistake but unfortunately I love him not knowing he is my sister's fianceé. How can I unlove him? ??? His Biggest Mistake