Chapter 19

38 0 0
                                    

Nagising ako na nasa tabi ko si Ana nasa gitna namin si RonRon. Mahimbing silang natutulog, ang ganda nila pagmasdan, I am now looking forward to wake up every morning with them.

Hinalikan ko sa noo si RonRon at si Ana, Bumaba na ko gusto ko silang ipaghanda ng breakfast, buti na lang at nalagyan na ng supplies dito. Di ko alam kung ano ba ang mga paborito ni RonRon kaya nagluto na lang ako ng egg, bacon ,hotdog at fried rice.

"Daaadaaa!!"

Nagulat ako sa sumigaw si RonRon. Tama ba yung narinig ko?! Tinawag niya kong Dada?

"Wow baby very good."

Sabi ni Ana sa anak namin. So tama nga ang pagkakrinig ko, nakakataba naman ng puso. Kilala na ko ng anak ko.

"Alam na alam niya talaga kung sino ang Daddy niya. "

Taena kinikilig ako Ana, binaba niya si RonRon sa playpen at lumapit sa niluluto ko. Tsk! Di oa nga pala ko tapos magluto.

"Ang dami naman ng niluluto mo, mauubos ba natin to lahat!"

"Di ko kasi alam kung ano ang kinakain niyo ni RonRon kaya niluto ko na lang lahat."

Feeling ko talaga nagffail ako sa mga effort ko eh. Sinalin na ni Ana yung fried rice sa lalagyan, yumuko ako kasi feeling ko talaga disaster yung ginawa ko.

"Hey anong problema?"

Hinahaplos niya yung mukha ko at iniangat ito para maiharao sa kanya.

"Feeling ko kasi nagfail ako di ko man lang alam kung ano ang mga gusto niyo."

"Ikaw. Ikaw lang naman ang gusto namin ni RonRon daddy! Sobrang thank you sa mga effort mo. Alam kong di ka naman nagluluto pero ginagawa mo. Ayun oh tignan mo yung anak mo papunta na dito. "

Nagulat nga ako at paika ika na naglalakad si Ron Ron samin paano nakalabas sa play pen yun, anak ko nga talaga to mahilig magsusuot kung saan saan.

"DADADA..... EATTT!"

Yumakap sa binti ko si RonRon, gusto ko ng maiyak kasi talagang kilalang kilala ako ng anak ko at mukhang gutom na rin siya.

"Kitam, dati ako lang nilalambing ng baby ko hmp."

Tumalikod si Ana samin ni RonRon ngaselos pa ang babe ko nako lalo kong nanggigigil sayo Ana wag kang ganyan. Binuhat ko si RonRon at inupo sa high chair.

Niyakap ko naman si Ana, ang sarap talaha sa pakiramdam na kasama ko sila.

"Eto namang misis ko nagselos pa hmp. Ngayon nga lang ako nilambing ng anak natin eh. "

His Biggest MistakeWhere stories live. Discover now