Chapter 4

660 16 0
                                    


Thirteen years ago. June, 2001...

“IT’S the first day of school and everybody are busy taking their first step on their high school life. Some says that high school is the best of all, maybe they were right. From there, you could meet all kinds of friends you want to keep and be with for the longest time. And maybe if you were lucky, you could also meet your first love.” Nasisiyahang basa ni Sybill sa first paragraph ng essay na isinusulat niya.

Maganda ang flow ng ideas sa isip niya ngayon, tiyak na madali niyang matatapos ito. Pagpasok na pagpasok niya kanina sa classroom nila, kinausap siya ng adviser nila na siyang adviser rin pala ng school paper at agad siyang pinagsulat ng isang essay nang malamang miyembro sila dati ng kani-kanilang school paper.

Ang topic na ibinigay sa kanya ay isang essay na nagpapakita ng point of view ng isang first year student. They want a freshman’s point of view about coming in high school for the first time.

‘Yung tipo daw na excited pumasok sa high school ang tono.

“Mahaba pa ba ‘yan, Sy? 'Di ba hanggang alas-nuwebe lang ang palugit ni Ma’am Montes sa iyo? Fifteen minutes na lang, o.” kalabit ni Jhenna sa kanya nang maupo ito sa tabi niya sa study area sa labas ng room nila.
Itinabi nito ang bitbit na dust pan at saka dumukot ng bimpo sa bulsa ng palda nito.

Nginitian niya ang kanyang kaibigan. “Huwag kang mag-alala Jhenna, saglit na lang ito. Isang paragraph na lang.” 

“I’m so pagod na. How I wish may talent din ako sa pagsulat disin sana’y excused din ako sa paglilinis.” Pinupunasan nito ang pawis sa may pagka-chubby’ng mukha nito. “Alam mo namang hate kong makihalubilo sa alikabok.”

Nilinga ni Sybill ang mga kaklase niya na abala sa paglilinis ng paligid ng room nila. Sa loob ng classroom nakatoka maglinis si Jhenna.

“Madali lang namang magsulat, Jhenna. Try mo.” Ani Sybill. Inayos din niya ang pagkakasuot ng salamin niya sa mata nang mapansin niyang dumudulas na iyon mula sa kanyang ilong.

Mapakla itong tumawa. “Edi naburyong ako diyan. Alam mo namang limited edition ang vocabulary ko.” ingos pa nito. “Bakit hindi mo na lang kasi isuot ang contacts na regalo sa iyo ni Mommy? Ako ang nahihilo sa iyo, eh.”

Isang opthalmologist ang ina ni Jhenna at bilang graduation gift, binigyan siya nito ng contact lenses.

Inalis niya ang suot na salamin at saka pinunasan. “Alam mo namang hindi pa ako sanay magsuot niyon. Parang nangangati ang mga mata ko doon at naiilang ako na pakiramdam ko, yumuko lang ako nang bahagya, malalaglag na ang mga iyon mula sa mata ko. Saka sa tuwing nagsusulat lang naman ako gumagamit ng salamin. Madali kasing mapagod ang mga mata ko.”

“Ok fine, wala na akong sinabi.” Itinaas ni Jhenna ang dalawang kamay bilang pagsuko.

“Hoy, bruhilda! Nariyan ka lang pala. Kanina pa kita hinahanap. Nasaan ang dustpan?” Nandidilat ang mga matang tili ni Rain na nagmamadaling lumapit sa kanila.

“Huwag ka ngang tumili riyan, bakla. Para kang binubunutan ng ‘ano’ mo.” Nakangising sabi ni Jhenna kay Rain.

Kaibigan din nila ito ni Jhenna mula noong nasa elementarya sila at isa itong medyo mahinhing binabae. Maaga itong nagladlad kahit hinahabol ng walis ng nanay nitong masasabi niyang mas siga pa sa tatay nito. Ok lang kasi sa tatay nito na bakla ang nag-iisang anak.

“Eeew, kadiri ka Jhenna! Ang dirty ng utak mo.” kunwa’y nanghihilakbot na sagot naman ni Rain. “Sybill, pagsabihan mo nga ang piglet na iyan.”

Malakas na pinalo ito ni Jhenna sa braso. “Piglet ka riyan.”

“Aray ko! Sybill, pagsabihan mo nga iyan, kapag hindi ako nakapagpigil, ililitson ko ‘yan!”

Pinalo ulit ito ni Jhenna. “Kung dust-pan-in ko kaya ‘yang pagmumukha mo?”

Agad na hinawakan ni Rain ang mga pisngi nito. “Not my beautiful face.”

“Ang gulo ninyong dalawa. Nariyan na si Ma’am, bumalik na kayo sa loob.” Natatawang taboy ni Sybill  sa mga ito. Agad namang huminto sa pag-aasaran ang dalawa.

“Mamaya na lang ulit, Sy.” Sabi ni Jhenna bago ito tumayo.

“Oo naman.”

“Kita-kits na lang mamaya, Sybill. Iwan ka na namin, ha?” sabi ni Rain sa kanya. Hinawakan ni Rain sa braso nito si Jhenna at hinila. “Halika na nga, marami pa tayong lilinisin sa loob. Kilangang-kailangan namin ang serbisyo ng dust pan mo. Aray, nakakurot ka na naman!” Reklamo nito kay Jhenna.

Natatawang tinanaw ni Sybill ang dalawa. Nakasalubong pa ng mga ito si Ms. Montes sa pintuan at parang mga mababait na estudyanteng magalang na yumukod. Masaya siya at magkaka-eskuwela pa rin sila ngayong high school na sila. Akala nga niya noong nag-enroll siya ay magkakahiwa-hiwalay sila dahil sa pinapairal na curriculum ng mga eskuwelahan ngayon.

“Sybill, dalhin mo na lang sa office ang essay mo pagkatapos mong magsulat. Sa kanan ng Administration building ang building na kinaroroonan ng faculty office ng English Department na nasa likod naman ng MAPEH department. ” Sabi sa kanya ni Miss Montes nang lumapit ito sa kanya. “Hanapin mo si Mark Alonzo, fourth year student siya at siyang editor-in-chief ng school paper at naroon siya ngayon. Sa kanya mo na lang ibigay ang isinulat mo.”

“Yes, ma’am.” Aniya at ipinagpatuloy na ang kanyang isinusulat

Party of Destiny, Hosted by Lolo Kupido: Sybill's Meant-To-Be (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon