Chapter 1

1.8K 35 4
                                    

“MAMA, huwag ka nang umiyak.” Hinagod-hagod ni Sybill ang likod ng kanyang ina habang nakaupo sila sa kama sa loob ng kuwarto ng kanyang mga magulang. Kanina pa ito umiiyak nang sabihin niya rito ang balak niya habang kumakain sila ng hapunan kasama ang kanyang  ama hanggang sa matapos silang kumain.

Suminghot ang kanyang ina. “Pero anak, hindi mo kailangang isakripisyo ang tahimik na buhay na nahanap mo rito nang dahil lang sa akin. Sigurado ka na ba talaga?”

“Mama, sigurado na ako.” Pinunasan niya ang luha nito. “Hindi naman ako napipilitan lang sa naging desisyon kong samahan ka pabalik sa Pilipinas. Mahal ko kayo kaya ko ito gustong gawin.”

“Paano ang clinic mo?”

“Pumayag na si Mitchel na siya muna ang bahala sa clinic.” Tukoy niya sa isa pang veterinarian na kasosyo niya sa veterinary clinic. Naging kaibigan niya si Mitchel noong nasa vet school pa lamang sila at nagkasundong maging partners nang makapagtapos sila.

Her mom just had her lung surgery last month para alisin ang tumor na tumubo roon. Ang bilin ng doktor, magpagaling ang kanyang ina malayo sa polusyon ng siyudad. Idagdag pa ang lamig ng klima dito sa Montreal na isa rin sa nakapagpapahina rito. Nabanggit ng kanyang ina na gusto nitong bumalik sa Pilipinas at doon na lamang magpagaling.

“Maganda na ang buhay mo rito, anak. Hindi ko gugustuhing iwan mo na lang ang lahat ng pinaghirapan mo rito nang dahil lang sa akin.” Nilingon ng kanyang ina ang kanyang ama na tahimik na nakatutok sa binabasang dyaryo habang nakaupo ito sa isang armchair sa tab ng bintana. “Eduardo, pagsabihan mo nga ang anak mo.”

Ibinaba ni Eduardo ang binabasang dyaryo at tumingin sa gawi ng mag-ina. Nagpapasaklolong tumingin si Sybill sa kanyang ama nang lumipat ang mga mata nito sa kanya. He smiled at her gently. Nakahinga ng maluwag si Sybill dahil alam niyang makikinig dito ang kanyang ina.

“Sylvia, bakit hindi mo kasi hayaan ang anak natin sa gusto niya? Isa pa, kailangan mo ng kasama roon. Knowing you, you badly need a babysitter.”

Pinandilatan ito ng mga mata ni Sylvia. “Eduardo!”

Natatawang umiling-iling ito bago ito tumayo at tumabi sa kanila. “Mahal, kung pwede nga lang, pati ako ay sasama sa iyo pauwi. Pero dahil sa trabaho ko rito, hindi ako pwedeng bigla-bigla na lamang umalis.”
Tumulo na naman ang luha ng kanyang ina. “Pero-”

“Shh... Hayaan mo na ang anak mong samahan ka para sa akin.” marahang isinandal ng kanyang ama ang ulo ng kanyang ina sa dibdib nito. May kirot na pumitik sa dibdib ni Sybill sa nakita niyang pagmamahal sa ikinilos na iyon ng kanyang ama.

“Sigurado ka ba talaga, Sybill?” tanong ulit ng kanyang ina maya-maya. Nasa mga mata pa rin nito ang pag-aalala nang lingunin siya nito.

Tipid siyang ngumiti. “Siguradong-sigurado na. Panahon na rin naman para ma-exorcise ko na ang mga multo ko roon at tuluyan na akong makapag-move on. At saka nami-miss ko na rin ang Pilipinas.”

Tumango ito. “Pero kaya mo na ba talaga?” nag-aalinlangang tanong pa rin nito. nakapaloob sa tnong nitong iyon ang piping tanong tungkol sa kanyang nakaraan.

“Ilang taon na ang lumipas, Ma. Mahaba na rin ang panahong iyon para maghilom ang lahat ng sugat na naranasan ko noon. ” Ginagap niya ang kamay ng ina. “Don’t worry, Ma. Kayang-kaya ko na.”

Tumango-tango ang kanyang ama bilang pagsang-ayon. “Sylvia, gaya ng sabi ko, malaki na ang ating anak.”

By the end of January, saktong sampung taon mula nang umalis sila ng Pilipinas, tatapak siyang muli sa Pilipinas. Hindi niya masisisi ang kanyang ina na mag-alala sa kanya. Ito ang saksi kung paano siya unang umibig. Ito rin ang saksi kung paano siya nasaktan at iyakan ang unang pag-ibig na kanyang naranasan.

Party of Destiny, Hosted by Lolo Kupido: Sybill's Meant-To-Be (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon