Chapter 10

574 13 0
                                    

UWIAN. Inaayos na ni Sybill ang mga gamit na ipinapasok sa loob ng kanyang bag para umuwi. Katatapos lamang ng kanilang last period sa hapong iyon. Hindi na umuulan pero makulimlim pa rin ang kalangitan.

“Hi, Sybill. Puwede ka bang makausap sandali?”

Napahigpit ang pagkakahawak ni Sybill sa kanyang ballpen nang pagtingala niya ay nakatayo sa kanyang harapan si Keiran. Bakit hindi yata gumana ang Keiran sense niya?

Bigla ang paglingon niya sa kanyang likuran kung saan nakapwesto ang upuan ni Jhenna at siyang nagpapaalam kung nasa malapit lang si Keiran. Iyon na ang nakagawian nila mula pa noon. Pero wala si Jhenna sa upuan niya! Oo nga pala, absent ang kanyang kaibigan ngayon. Ano’ng gagawin niya? Nasa gawing likod naman ang upuan ni Rain kaya hindi niya ito matatawag agad.

“O-oo. Ano iyon?” pinilit niyang huwag mag-stammer sa pagkakatingala rito. Ang puso niya ay waring tambol sa malakas na pagtibok niyon sa kanyang dibdib. Ganoon lagi ang epekto nito sa kanya.

            “Pahiram naman ng notes mo sa English kanina, medyo may hindi ako naintindihan sa lecture ni Ma’am.” Bahagya itong ngumit sa kanya. Muntik na siyang nahulog sa kinauupuan niya. “Hey, ok ka lang?”

Someone, help me! Sigaw niya sa isip niya. Pakiramdam niya ay nagdiringas na ang buong mukha niya sa sobrang embarrassment. Kapag wala ang kanyang tagabigay ng moral support, dumodoble ang pagka-conscious niya kapag kaharap ito.

“Okay lang ako.”

“Sigurado ka?”

Nahihiyang tumango na lamang siya. Binuksan niyang muli ang kanyang bag at hinanap ang English notebook niya. Teka, bakit kaya ito nanghihiram ng notes sa kanya? Katabi nito sa upuan ang top student ng section nila, bakit hindi ito manghiram kay Jonas? Subalit hindi niya iyon kayang itanong rito.

Iniabot niya rito ang notebook niya matapos alisin ang mga papel na nakaipit roon. “Ahm... Heto..”
           
“Thanks, isasauli ko na lang bukas, ha?” iwinagayway nito ang notebook niya.
           
“Ano, di ba may quiz tayo sa English bukas?” nag-aalangan niyang tanong nang akmang tatalikod na ito.
           
Napakamot ito sa batok nito. Pinigilan ni Sybill ang sarili na magpakita ng anumang reaksiyon. Bakit ba pati pagkamot, bagay rito?
“Oh, I almost forgot, sorry. Ihahatid ko na lang sa bahay ninyo mamaya.”
           
“Ha? Naku huwag na, nakakahiya naman. Sige bukas na lang.” Nanlalaki ang mga matang napailing siya. Pupunta pa ito sa kanila, hindi pa siya ready!

Feeling mo naman aakyat siya ng ligaw sa iyo, 'no! Buska ng isang bahagi ng isip niya.
          
  “No, kailangan mo ring mag-review. Nakakahiya naman kung di ko ito isasauli mamayang gabi.” Pilit nito. Hindi siya naka-imik dahil magaang ipinatong nito ang isang kamay sa ulo niya. “See you later, Sybill.”

Nakalabas na ito ay tulala pa rin siya sa upuan niya. Naipatong niya ang isang kamay sa hinawakan nito. Pangalawang beses na nitong ginawa iyon sa araw na ito. She felt like a cat that was petted by her beloved master.

Napatuwid siya ng upo.
Pupunta siya mamaya sa bahay? Oh, my God! ‘Di ko pala nasabi sa kanya kung saan ang bahay namin!

Party of Destiny, Hosted by Lolo Kupido: Sybill's Meant-To-Be (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon