Chapter 9

600 17 0
                                    

September, 2004...

SINILIP ni Sybill ang langit. Hindi na ganoon kalakas ang ulan gaya kaninang sinilip niya pagkagising niya. Ayon sa balita kagabi, magging maulan raw ngayong araw na ito dala ng Habagat na nahihila ng bagyo sa hilaga ng Pilipinas.

“Mama, aalis na ako.” Malakas na paalam niya sa kanyang ina.

Sumilip ito mula sa kusina. “Mag-iingat ka, ha? Teka, dinala mo ba ang extrang damit at bimpo na inilagay ko sa tabi ng bag mo kanina?”

Tumango siya at tinapik ang kanyang bag. “Nasa bag ko na po.”

“Ang payong mo?”

Iniangat niya ang de-tuping payong na hawak niya.

“Mag-jacket ka na rin kaya?”

“Hindi na po, mainit pa rin kasi kahit umuulan. Ba-bye, mama.” Aniya habang isinusuot ang kanyang sapatos.

“Uwi agad, ha?”

“Opo!”

“Mag-text ka rin sa akin pagdating mo sa school.”

“Opo! Bye, Ma!”

Pinara niya agad ang nagdaraang tricycle at saka sumakay. Pagbaba niya sa harap ng gate ng school nila ay agad niyang binuksan ang kanyang payong. Medyo lumakas yata ang buhos ng ulan kumpara kaninang umalis siya ng kanilang bahay.

Ipinakita niya sa guwardiya ang kanyang ID at agad na pumasok sa gate. Inilabas niya ang kanyang cellphone at agad nag-type ng text message para sabihin sa kanyang ina na safe na nakarating na siya sa eskuwelahan nila nang may bumunggo sa likuran niya na siyang dahilan para mabunggo rin niya ang estudyante sa kanyang harapan.

“Ay, kabayo!” bulalas niya. Nabitawan niya ang kanyang payong dulot ng impact ng pagkakabunggo nila ng nasa harapan niya. “Oh my God!” nanlalaki ang mga matang napatigil siya sa tangkang pag-abot ng kanyang payong nang ang nakabunggo sa kanyang estudyanteng lalaki ay natapakan ang kanyang payong na siyang dahilan para masira iyon.

“Ano ba naman iyan!” sabi pa ng estudyanteng lalaki. Nakapatong sa ulo nito ang bag nito na siyang ginamit nitong pansangga sa ulan. “Ang bagal mo rin kasing maglakad, eh.”

Napaawang ang mga labi ni Sybill sa paninisi ng lalaki sa kanya. “Ako pa ngayon ang may kasalanan?” gulat na turo niya sa kanyang sarili.

“Totoo namang mabagal kang maglakad.” Sabi pa nito. “Nababasa na tuloy ako, diyan ka na nga.”

“Sandali lang-” natigilan si Sybill nang may isang payong na lumitaw sa harap niya.

“Hold this.” Natagpuan na lamang ni Sybill ang kanyang sarili na may hawak na payong.
Isang matangkad na lalaki ang pumigil sa lalaking nakabunggo sa kanya. “Hindi dahilan ang pagmamadali para maging careless ang isang tao. At lalong hindi magandang asal na naka-perhuwisyo ka na nga, maninisi ka pa. Ano ang pangalan at section mo?” Matigas ang tinig na usisa nito.

Parang natulos sa kanyang kinatatayuan si Sybill nang makilala ang lalaking nagbigay ng payong sa kanya at ngayo’y pigil-pigil ang lalaking nakabunggo sa kanya. It was Keiran and he was wearing a very serious face. Ngayon lamang niya ito nakitang ganoon kaseryoso to the point na nakaramdam siya ng kaunting takot para sa lalaking nakabunggo sa kanya. She wouldn’t want to be the reciever of that glare.

“C-Christian po. II-Langka.” Takot na sagot ng estudyante kay Keiran.

“Second year ka pa lang, akala mo kung sino kang siga sa daan. Respect is the key word and learn to apologize properly.”

Party of Destiny, Hosted by Lolo Kupido: Sybill's Meant-To-Be (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon