Chapter 13

537 16 0
                                    

KAKABA-KABANG sumilip si Sybill sa loob ng room nila. Relief flooded inside her nang hindi niya makita si Keiran sa upuan nito. Malamang ay nasa labas pa ito o di kaya’y hindi pa dumarating. Hindi talaga niya alam kung ano ang gagawin kung makikita niya ito pagkatapos ng out-of-the-blue confession niya rito sa library kahapon.

What went through with her? Hindi niya nakita ang reaksiyon nito dahil kumaripas siya ng takbo nang ma-realize ang sinabi niya rito. Hindi nga sana niya gustong pumasok ngayong araw dahil hindi niya alam kung paano ito haharapin ngayon.

“Sybill!”

“Ay kabayo!” muntik na siyang mapatalon sa gulat nang may kumalabit sa kanya. Paglingon niya’y nagtatakang  nakatingin si Jonas sa kanya. “Jonas.” nahihiyang ngumiti siya rito.

Kumunot ang noo nito pero hindi ito nagkomento tungkol sa naging reaksiyon niya. “Gusto ko lang sanang magpasalamat sa iyo. I saw the article you sent last night. As expected, you nailed it beautifully.”

“Thanks. I’m glad I was able to help.” Effort talaga ang pagsusulat niya ng article kagabi. After what happened in the library yesterday, himalang nakapag-concentrate pa nga siya sa pagsulat. “Kumusta ang interview?”

“It went well. Ngayon ngang umaga ay pupunta kami ni Ma’am Montes sa printing office. Since everything is set, hihintayin na lamang nating ma-print ang diyaryo natin.” Excited nitong pagkukuwento. Isinukbit nito ang bag nito sa balikat nito. “Sige, see you later.”

“See you.” Aniyang tinungo na ang upuan niya at waring nanghihinang naupo.

“Sy! Ano ang gagawin n’yo ng partner mo sa project natin sa English?” tanong sa kanya ni Jhenna na naupo sa bakanteng upuan sa kanyang kanan. “Sabi ni Sir, dapat daw unique ang maging presentation. Nakasalalay roon ang final grade natin.”

“Ha?” napatuwid siya ng upo at nilingon ito. Project sa English? Crap! Partners nga pala kami ni Keiran!

“Which reminds me, sino ba ang partner mo? Hindi nasabi ni Sir kahapon. Curious tuloy ako.”

Nakagat ni Sybill ang kanyang labi. “Jhen... Ang totoo, ang partner ko ay si-”

“Ako.”

Nanigas siya sa kanyang upuan nang marinig ang tinig ni Keiran. Umupo ito sa bakanteng upuan sa tabi niya. Napagitnaan siya nina Keiran at Jhenna. Ni hindi niya magawang tapunan ito ng tingin sa sobrang kaba.

“Ikaw?” shocked na tanong ni Jhenna kay Keiran. Nang bumaling ang ito sa kanya ay kumikislap ang mga mata nito.“Ohhh...”

Parang gusto niyang sakalin ang kaibigan. At bakit nasa tabi niya ang taong pinaka-iiwasan niya? She wanted to run and hide.

“At last, na-corner din kita. Honestly, with you running away just like that really bothers me. Lahat na ng sulok ng eskuwelahan, nahalughog ko na pero hindi kita makita. Ang galing mo palang magtago.” Iiling-iling na sabi ni Keiran sa kanya. “Are you just joking when you said you lo-”

Bigla siyang napatayo pinandilatan ang lalaki. “Enough!”

Tumaas lang ang sulok ng mga labi nito at nangalumbabang tumingin sa kanya. Nagtataka namang nakamata sa kanila si Jhenna.

“Ahmm... ano’ng nangyayari sa inyo? Ano’ng meron?”

“Ito kasing kaibigan mo, tinakbuhan ako matapos magtapat sa akin. Ni hindi man lang hinintay ang sagot ko.” Tuluy-tuloy na sabi ni Keiran na di inaalis ang tingin sa kanya.

Her mouth fell open and her knees seems to buckle kaya napahawak siya sa armrest ng upuan sa likod niya.

She hated him now. But on second thought, no, what she hated was this confrontation. Nagdudulot pa rin kasi ng kilig sa kanya na tinutukso-tukso siya ni Keiran. Pasaway na puso, ang landi pa rin kahit nasa alanganing sitwasyon na siya.

“Oh-oh.” Tanging nasabi ni Jhenna. Hindi maipinta ang mukha nito sa sobrang hindi pagkapaniwala. “Oh. My. God.” Bigla itong tumayo at umalis.

“Jhenna, saan ka pupunta?” pigil niya rito.

“Sandali, masyado akong nabigla. Kakalmahin ko lang sa sarili ko, bahala ka na muna riyan.”

“Jhenna naman, eh!”

“Hayaan mo na ang kaibigan mo, ganyan din ang reaction ko kahapon kaya nakatakas ka sa akin.” Sabi naman ni Keiran.

“Heh!” sikmat niya rito. Nahiling tuloy niya na sana ay kainin na lamang siya ng lupa sa sobrang hiya.

Nakangising pinisil nito ang pisngi niya. “Ang cute mo talaga, alam mo ba ‘yon?”

Napaawang ang labi niya. This is so not good for her heart! Bago pa siya nakahagilap ng isasagot ay nakuha na ng sigaw ng kaklase nila ang atensiyon niya.

“Nariyan na si Ma’am.” Kasabay ng sigaw ng isang kaklase nila ay ang pagtunog ng bell na hudyat ng pag-uumpisa ng klase. Isa-isang nagsipasukan ang ibang kaklase nila. Her guard was up when he stood up and eyed her intently.

“What?” nanantiya niyang tanong. Tumaas ang isang kamay nito at dumantay sa tuktok ng ulo niya.

She instantly melted when he gently patted her head. “I’ll see you later. Huwag ka nang magtatago, ha? Nasisira ang ulo ko sa paghahanap sa iyo.” Bulong nito.

Sinundan niya ang pagtalikod nito at ang at ease na paglakad nito patungo sa upuan nito. A gentle smile was painted on his lips when he looked back at her and she was a goner.

Party of Destiny, Hosted by Lolo Kupido: Sybill's Meant-To-Be (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon