Chapter 20

537 20 8
                                    

“SYBILL, pasensya ka na kung hindi ulit kita maihahatid mamaya. Hindi pa kasi kabisado ni Jessica ang pauwi sa kanila kaya sasamahan ko ulit siya.” Sabi ni Keiran sa kanya nang minsang lapitan siya nito bago magsimula ang klase nila sa hapon.

Magkatabi silang nakaupo sa mababang bench sa gilid ng garden sa likod ng classroom nila nang mga sandaling iyon. Sakto namang solo nila ang garden at walang ibang estudyante ang nagagawi roon.

“Ayos lang iyon, sasabay na lang ulit ako kina Jhenna pauwi.”

“Sorry din dahil hindi ko pa rin kasi nasasabi sa kanya na girlfriend kita. Isa sa mga araw na ito, sasabihin ko rin sa kanya.”

Ang pakilala sa kanya ni Keiran kay Jessica ay tulad ng iba nilang kaklase. Isang regular na classmate lamang.

“Ok lang iyon, Keiran. Naiintindihan ko.” Kahit sa totoo lang, hindi ko iyon naiintindihan. Piping bulong niya sa kanyang isip. Pakiramdam niya kasi, parang isa siyang mistress na itinatago ni Keiran.

“I’m really sorry, Sybill.” Bumuntung-hininga ito. “Ang dami ko nang pagkukulang sa iyo. I miss you so much, ilang araw na tayong hindi nagkakasama.” Malungkot nitong hinawakan ang kanyang kamay at dinala sa mga labi nito.

Parang may dumaklot sa puso ni Sybill at piniga iyon nang mahigpit. “Nami-miss na din kita, Keiran.”

“Babawi talaga ako sa iyo once na maiayos ko na ang lahat.”

Tumango siya. Isinandal niya ang kanyang pisngi sa balikat nito. She wanted to be with him all the time like this. Is she being selfish to want that?

“I’m so lucky to have an understanding girlfriend like you, Sybill.” Bulong nito sa tapat ng tenga niya.

Hindi siya sumagot at marahang tumango na lamang habang nakasandal dito. She felt bad dahil kabaligtaran ng sinabi nito ang nararamdaman niya. She’s so pathetic dahil hindi niya masabi rito ang gusto niya.

“Keiran? Nariyan ka ba?”

Pareho silang nagulat nang marinig ang tinig ni Jessica mula sa daanan papunta sa likod ng classroom nila. On reflex, bigla nilang naitulak papalayo ang isa’t isa sanhi para pareho silang malaglag mula sa kinauupuan nilang bench.

“Aww.” Daing ni Sybill nang makabawi siya sa pagkabigla. Naramdaman niya ang hapdi sa kanyang palad na naitukod niya sa batuhan nang malaglag siya. Masakit rin ang pang-upo niya dahil tumama iyon sa may kalakihang bato.

“Ayos ka lang ba, Sybill?” tanong ni Keiran na dahan-dahang tumayo mula sa pagkakaupo nito sa kabilang dulo ng bench.

“May sugat ka.” Bulalas niya nang mapatingin sa braso nito. May gasgas iyon at may maliliit na guhit na pula rin. Parang deja vu na nagbalik sa alaala niya ang una nilang pagkikita mahigit tatlong taon na ang nakararaan.

“Keiran? Ano’ng nangyari dito?” kunot noong tanong ni Jessica nang bumungad na ito sa gate ng garden at makita sila. Napatingin ito kay Sybill na nananatili pa ring nakaupo sa batuhan nang mga sandaling iyon. Mapanuri ang mga mata nitong nakatingin sa kanya. Pakiramdam tuloy ni Sybill ay nahuli sila nito sa isang hindi kanais-nais na tagpo.

“Wala, maliit lang na aksidente.” Ani Keiran na tinulungan na siyang makatayo.

Lihim na napangiwi si Sybill sa kirot ng kanyang nasaktang pang-upo.

“Aksidente? Oh my, God! May sugat ka!” tili ni Jessica. Itinuro nito ang gasgas sa braso ni Keiran.

Sinilip ni Keiran ang itinuro nito. “Wala ito.”

“Ano’ng wala? Kailangang magpadoktor ka.” mangiyak-ngiyak nang sabi nito.

“Jessica, don’t cry. Sugat lang naman iyan, hindi ko kailangan ng doktor.” sabi naman ni Keiran dito.

Party of Destiny, Hosted by Lolo Kupido: Sybill's Meant-To-Be (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon