Chapter 6

616 20 0
                                    

“NAKAKAGUTOM ang orientation na iyon, ha.” sabi ni Jhenna. “Ano kaya ang pagkain ngayon sa canteen?”

“Hay naku, ewan ko diyan sa tiyan mo, Jhenna. May ibinigay namang cupcake sa atin kanina gutom ka pa rin?” ani Rain dito.

“Ang liit kaya nu’n.” ingos dito ni Jhenna. “Hindi man lang sumayad sa sikmura ko.”

Magkakasabay silang naglakad patungo sa canteen para mag-lunch dahil inabot ng tanghali ang orientation program kanina. Masuwerteng nakakuha naman sila ng bakanteng mesa loob ng canteen kahit napakaraming estudyante ang kasalukuyang kumakain sa mga oras na iyon.

“Narinig n’yo ba ang in-announce kanina ni Sir Romulo? Bukas na bukas daw ay mayroon na tayong recitation. Nakakaloka! Ni hindi pa nga naibibigay ang mga libro natin, may recitation na agad? Kailangan pa tuloy nating dumaan sa library after nating kumain dahil baka maubusan tayo ng libro.” pinusitsitan ni Jhenna ng catsup ang binili nitong fried chicken.

“Korek ka diyan, sister!” sang-ayon ni Rain. “Ganito pala sa high school, ‘no? Nakaka-miss tuloy ang elementary.” 

“Edi, bumalik ka sa grade six, mas bagay ka naman roon.”

“Alam mo ikaw Jhenna, kung hindi ko lang pinapangarap na makasal sa kuya mo, matagal na kitang nilitson.”

“Eeew. Asa ka pang magiging hipag kita.”

“Malay mo naman, noh!” ingos ni Rain dito.

Hinahayaan lang ni Sybill ang mga ito sa usapan ng mga ito dahil lumilipad ang isip niya. Hindi pa rin siya makapaniwala sa nangyari kahapon. Kaklase pala niya si Keiran. Nagulat siya nang pagbalik nila kahapon mula sa canteen ay naroon ito sa classroom nila. She doesn’t know what to do, kaya ni hindi siya nakasagot nang mag-‘hi’ ito sa kanya nang mapadaan ito sa harap niya. Nahihiya nga siya dahil parang napahiya yata ito nang hindi siya sumagot dito.

Kaya pala sinabihan siya nito ng ‘see you later’ kahapong nagkabungguan sila. Classmate pala niya ito. Napag-alaman niyang excused din pala ito sa paglilinis kaya wala ito kahapon sa classroom nila. Miyembro ito ng varsity ng basketball team tulad ni Jorge.

“Sybill to earth?” katok ni Jhenna sa mesa.

  “Ha? May sinasabi ba kayo?” gulat na napatingin siya sa mga ito na nagtatanong ang mga matang nakatingin din sa kanya.

  “Saan na naman ba lumilipad iyang isip mo?” yamot na tanong nito.

  “Pasensiya ka na, Jhen. Medyo pagod lang siguro ako.”

  “Sy, may dinaramdam ka ba?” tanong ni Rain, tumaas ang kamay nito at idinantay sa noo niya bago idinantay rin sa sarili nitong noo. “Ok naman ang temperature mo.”

“Sino ba ang tinatanaw mo diyan?”

“Wala.”

“Teka, ‘di ba si Keiran?” sabi ni Rain.

“Oo nga, ‘no?” sang-ayon ni Jhenna kay Rain. “Teka, si Keiran ba ang tinatanaw mo, Sybill?”

“H-hindi, ah.” Tanggi niya. Napakabilis talagang makatunog ni Jhenna.

“I smell something fishier than Rain.”

“Excuse me, mabango ako.” Asik dito ni Rain bago ito bumaling sa kanya. “Pansin ko, kahapon ka pa parang tulala sa isang tabi at di mapakali. Ano ba ang problema?”

“Wala akong problema.”

“Alam mo, Rain, nagkaganyan lang iyan mula nang nakatabi niyan si Keiran kahapon, eh!” tukso ni Jhenna sa kanya.

“Ano ba ang sinasabi mo? Hindi, ah!” nag-iinit ang mga pisnging kaila niya.

“Huwag ka nang mag-deny! Nagba-blush ka, oh. Sabagay, muy guapa naman siya talaga.”

“Talaga? Crush mo na si Papa Keiran? Antaray!” singit ni Rain. Nagulat siya dahil hinampas pa nito ang balikat niya.

  “Aray ko. Sinabi nang hindi, eh! Bakit n’yo ba ipinipilit iyan?”

        
“Denial queen ka talaga…Sige nga, bakit ka nagba-blush?” buska ni Jhenna.
           
“Natural, mainit kaya ang panahon. Sa araw lang iyan.” tanggi niya kahit alam niyang namumula talaga siya.

“Aruu... Alam mo, umamin ka na. Huwag mo nang itanggi at tayo-tayo lang naman.” impit na tumili si Jhenna. “Crush ko din naman ‘yung katabi niya. Ang cute talaga ni Jorge. Dagdag pa sa pogi points niya ang pagiging captain ng team nila! Ahahay... Kinikilig ang puso ko!”

“Yeah, putting that aside,” sabi dito ni Rain. “si Sybill ang pinag-uusapan natin dito at hindi ikaw o ang crush mo, ambisyosa.” Inirapan lang ito ni Jhenna. Humarap ito sa kanya. “Umamin ka na nga kasi. Gusto mo si Papa Keiran, ‘no?”

“Wala naman akong aaminin. Tigilan ninyo ako sa crush-crush na iyan.” sagot niya.

“Teka, papalapit yata si Keiran dito?” biglang sabi ni Jhenna na sinegundahan ni Rain.
           
“Ha? Oh my God!” sabay lingon niya sa likuran niya subalit wala naman si Keiran. Doon niya napagtanto na tinutukso lang siya ng mga kaibigan.
           
“Huli ka! Pa-deny-deny pa kasi, eh.” at nagtawanan ang mga ito.
           
“Kayo talaga!” kunwa’y inis niyang sita sa mga kaibigan. 

“Sabihin mo na kasi sa amin kung ano ang meron sa inyo. Naiintriga kami, eh.”

Wala nang nagawa si Sybill kundi ang pabulong na magkuwento sa mga ito habang naglalakad sila papunta. Sinabi niya rito ang naging unang pagkikita nila ni Keiran at inamin na rin niyang crush nga niya ang lalaki sa pagkamangha ng dalawa niyang kaibigan.

“Talaga?” nanlalaki ang mga matang bulong ng dalawa sa kanya.

Nahihiyang tumango siya. “Pero sa atin lang ito, ha? Nahihiya ako, eh.”

“Don’t worry, girl. Our lips are sealed sa ating sikretong malupet.” Sabi ni Jhenna na kunwa’y iminuwestra pang parang sinasarhang zipper nag bibig nito na sinegundahan din naman ni Rain.

“Magsuportahan tayo sa ating mga pag-ibig!” pahabol pa ni Rain. Nagtatawanang nagsipag-apir-an silang tatlo.

Party of Destiny, Hosted by Lolo Kupido: Sybill's Meant-To-Be (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon