Chapter 25

566 22 0
                                    


Present day...

"THAT would be one thousand, one hundred fifty two pesos and fifty centavos."

Binuklat ni Sybill ang kanyang wallet at dumukot ng tatlong tig-lilimandaang pisong papel mula roon at ibinigay sa cashier. Namili siya ng groceries nila para sa linggong ito. Balak rin niyang dumaan sa drugstore para sa gamot ng kanyang ina, paubos na rin kasi ang gamot nito.

Pasimpleng nagpalinga-linga ang dalaga sa paligid. Nagiging paranoid na yata siya. Kasalanan ito ni Keiran. Pagkatapos ng banta nito sa kanya ay hindi niya maiwasang makaramdam ng uneasiness sa tuwing lumalabas siya. Pakiramdam kasi niya'y may mga matang nakasunod sa kanyang mga galaw.

"Sybill? Ikaw ba 'yan?"

Gulat na napalingon si Sybill sa kanyang likuran nang papalabas na siya ng supermarket ng mall tulak ang cart na naglalaman ng mga pinamili niya. It took her a moment to recognize the guy.

"Jonas?"

Maluwang itong ngumiti. "Fancy meeting you here. Kumusta ka na?"

Excited na yumakap siya rito nang mahigpit. "Mabuti naman ako. Ikaw?"

Tumatawang gumanti ito ng mas mahigpit na yakap sa kanya. "I'm good. You know what, kikidnapin muna kita ngayon at marami tayong dapat pag-usapan. And I won't let you say no."

Mabilis na kinuha nito mula sa kanya ang cart at ito na ang nagtulak.

Natatawang sumang-ayon siya rito. Dinala siya ni Jonas sa isang coffee shop. Nagkakuwentuhan sila habang nasa harap ng umuusok na kape. Napag-alaman niyang pag-aari ng isa nilang batchmate ang naturang coffee shop. In fact, isa raw ang coffee shop na ito sa madalas dayuhin ng mga tao rito sa mall na ito.
Sumang-ayon siya nang matikman niya iyon. Na-miss talaga niya ang kapeng barako.

"So, how's life in Montreal?" Jonas asked, taking a piece of tissue from the table and dab it on his shirt to brush away the crumbs that fell from his bread.

"Okay naman. Medyo nanibago ako sa klima rito kasi winter doon noong umalis kami."

"Teka, kailan ka pa nga pala
nakauwi?"

"Two weeks na ako rito."

"Talaga? Hanggang kailan ka naman rito?"

Nagkibit siya ng balikat. "Depende. Inuwi ko kasi si Mama rito para magpagaling. Kaka-opera lang kasi niya two months ago sa baga."

"Ganun ba? Kumusta naman siya rito?"

"Ok naman siya. Maganda ang dulot sa kanya ng hangin rito."

Ngumiti ito. "Iba pa rin talaga ang ang hangin dito sa atin."

"Totoo 'yan."

"May personal na tanong akong huwag mo sanang mamasamain."

"Sure."

"May boyfriend ka bang naiwan roon?" he asked sheepishly.

She laughed to masked her uneasiness from his question. "Tingin mo?"

Nagkibit ito ng balikat. "Well, anyone can hope that the position is available."

"Bakit naman?"

He grinned. "Baka pwedeng mag-apply? Alam mo namang crush kita noong high school tayo."

She rolled her eyes at him. "Yeah, right. Hindi mo ba nakita ang nakasabit sa leeg kong 'No Hiring'? I mean, damn, akala ko malaki ang naipagawa kong sign." Umiiling-iling na binato niya ito ng nilukot na tissue. "Gusto mo bang sugurin ako ng mga girlfriend mo? Ang tahimik ng buhay ko, gagawan mo pa ng issue."

"Well, it's not a problem. I could squeeze you in my harem. May space pa naman." Napahalakhak ito nang muli niya itong batuhin ng tissue. "Ano ba ang pinagkakaabalahan mo roon at wala kang lovelife?" pumalatak ito. "You're missing big, sister."

Hindi niya pinansin ang panunukso nito. "I have a clinic for animals in Montreal. Volunteer din ako sa animal shelter ng community namin. Sa trabaho ko pa lang, ubos na ang oras ko para maglaan pa ng oras sa lovelife. In fact, ito pa lang ang masasabi ko ng bakasyon mula noong nagtrabaho ako."

"Wow, vet ka pala?" interesado nitong tanong.

"Yeah." Sagot niya matapos humigop ng kape.

"Excellent. May experience ka ba sa pagpapaanak ng kabayo?"

"Yes, mayroon naman. May regular client ako na isang ranch owner."

"Talaga? You are an angel!" Nagniningning ang mga matang sambit nito. "Ikaw na yata ang sagot ng Maykapal sa dasal namin."

"Huh?" Hindi maka-relate na tanong niya rito.

"Alam kong kasasabi mo lang na nakabakasyon ka, but I really, really need to ask you a favor."

"Ahmm.. Ano'ng favor?" curious niyang tanong.

"Naghahanap kasi ng tulong ang hipag ko para sa kliyente niya. Isang dosenang kabayo yata ang sunod-sunod na manganganak next week at hindi niya iyon kayang mag-isang daluhan lahat. Hindi kasi pumasa sa may-ari ng rancho ang isinama niyang veterinarian kaya desperada na talaga siya."

"Saan ang rancho na iyan?"

"Sa Tagaytay."

"Ang layo naman, Jonas." Napailing-iling siya. "Kasasabi ko lang sa iyo na inaalagaan ko si Mama."

"Please, Sybill. One week lang naman iyon."

"Pero hindi ko kasi puwedeng iwan mag-isa si Mama nang ganoon katagal."

Malungkot na bumuntung-hininga si Jonas. "I was really hoping na pagbibigyan mo ako. Nag-aalala kasi ako sa hipag kong iyon. She's three months pregnant."

"What? Delikado iyon para sa kanya, ah." Based on her experience, mahirap magpaanak ng kabayo. Puyat at pagod ang kalaban idagdag pa ang maselan na lagay ng mga nanganganak na kabayo dahil para itong tao kung mag-labor kaya kailangan talagang nakabantay sa pagmo-monitor sa buntis.

"Kaya nga gusto ko siyang tulungan." Kitang-kita ni Sybill ang pag-aalala sa mukha ni Jonas.

"Alright, I'll try to talk with my mom. I'll call you tonight."

"Thank you, Sybill. I owe you, bigtime." Relieved na bulalas nito. May iniabot ito sa kanyang calling card. "Call me asap."

"Okay. " Siguro naman ay may makakausap siyang titingin muna sa kanyang ina habang wala siya.

Party of Destiny, Hosted by Lolo Kupido: Sybill's Meant-To-Be (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon