Chapter 2

828 30 3
                                    

“SIGE NA, Sy.. Samahan mo naman ako sa party na pupuntahan ko. Kailangan ko ng moral support.” Iwinagayway ni Jhenna sa harapan ni Sybill ang isang sobre. May logo sa likod niyon na parang maskara.

“Kailangan ka ba talagang dumalo sa party na iyan?” kunot-noong tanong niya. “It sounds suspicious to me.”

Kasalukuyan siyang nagti-trim ng mga damo sa kanilang garden sa likuran ng kanilang bahay nang dumating ito at excited na nagkuwento tungkol sa isang masquerade party na gusto raw nitong daluhan.

“Ano ka ba? Ang hirap ng pinagdaanan ko para lang makakuha ng imbitasyong ito. We have to attend this.”

She snorted. “Ano ba kasing party iyan? Para namang iyan na ang napakaimportante ng party sa buong mundo.”

“Makinig ka, siguradong mamamangha ka.” Binuksan nito ang sobre at inilabas ang isang imbitasyon. Tumikhim ito. “Do you believe in destiny? In love? Then you are invited at the Party of Destiny, Hosted by Lolo Kupido. Love will strike you soon.” Madamdaming basa nito sa nakasulat doon.

Lalong kumunot ang noo ni Sybill. “What the heck was that?”

Ipinaikot ni Jhenna ang mga mata nito na para bang sinasabi nitong napakasimpleng bagay ay hindi pa niya maintindihan. Sa tagal na nilang magkaibigan ay alam na niya ang ibig sabihin ng mga ikinikilos nito.

“Ano ka ba naman, Sybill. Nawala na ba ang mga kilig bones mo sa katawan?” Nakapamaywang na tanong nito. “Tingnan mo, buwan pa ng mga puso ang date. Isa lang ang ibig sabihin nito, sa party na ito natin makikita ang destiny natin.”

Itinaas niya ang isang kamay. “Kalokohan. Pass ako diyan. Si Rain na lang ang isama mo.”

“Hindi pwede si Rain, malaki ang paniniwala ng bakla na si Kuya pa rin ang destiny niya kahit ikakasal na ‘yun. Naroon nga’t nakakulong sa kwarto niya at nagluluksa daw sabi ni Tito nang puntahan ko kahapon.” Umiiling na bida nito.

Napakamot na lamang sa kanyang ulo si Sybill. Oo nga pala, heartbroken ang isang iyon. “Bakit ka ba kasi pupunta riyan? Para ka namang sabik na sabik sa lalaki.”

“Hala! Hindi puwedeng hindi ako pupunta dahil pupunta si Jorge ko! Hindi ako papayag na may ibang maka-destiny ang mahal ko! Hindi!” tumitiling turan nito. Naitakip tuloy ni Sybill ang dalawang kamay sa kanyang mga tenga.

“Calm down! Jeez... Bakit ka pa kailangang tumili? Nabasag na yata ang eardrums ko.” reklamo niya. Hindi niya ipinahalata dito na para siyang tinamaan ng kidlat nang banggitin nito ang pangalan ng high school crush nito. Naalala kasi niya bigla ang mukha ng kaibigan ni Jorge.

Nanghaba ang nguso ni Jhenna. “Ikaw kasi eh. Naturingang BFF kita pero parang ayaw mo naman akong suportahan sa pakikibaka ko sa buhay-pag-ibig namin ni Jorge.”

“Jhenna, almost fifteen years ka nang nagpapapansin kay Jorge, ni lingunin ka man lang, hindi niya ginagawa. Don’t you think it’s the right time to move on?” Sybill cringed inward. The ‘moving on’ topic seems to plague her these days.

“Nah-uh!” Determinado itong tumayo. “Aba, ipinangako ko na sa sarili kong mapapaibig ko rin siya, kesehodang maging lifelong goal ko na iyon. Saka chance mo na rin ito para lumabas. Mag-iisang linggo ka na rito sa Pilipinas pero hindi ka pa lumalabas. Takot ka na ba sa tao ngayon?”

“Stop that.”

Namaywang ito. “Eh, ano nga kasi ang dahilan kung bakit ayaw mo? Dahil ba kaibigan ng Jorge ko ang Keiran mo?”

Pinandilatan niya ito. “Don’t even go there, Jhenna.”

“What? Gusto mong mag-move on ako pero ikaw mismo, hindi pa yata nakaka-move on. Kung gusto mo talagang makamove-on ako, ikaw muna.”

Party of Destiny, Hosted by Lolo Kupido: Sybill's Meant-To-Be (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon