Chapter 35

800 23 2
                                    

“WHAT do you mean you’re back together again? Niloloko mo ba ako?” napahinto si Sybill mula sa pagpasok sa front door nang marinig ang tili ni Jessica mula sa loob. Kagagaling lamang niya mula sa kwadra at maaga siyang umuwi dahil may usapan sila ni Keiran na kakain sa labas.

“Hindi ko kailangang magpaliwanag sa iyo, Jessica.” Matigas na sagot ni Keiran.

Hindi malaman ni Sybill kung papasok o hindi sa loob ng bahay.

“Niloloko ka lamang ng babaeng iyon, Keiran. Malay mo kung naka-ilang lalaki na siya sa Canada?”

Mapaklang natawa si Sybill sa sinabi ni Jessica.

“Hindi ko gustong makarinig pa ng anumang kasinungalingan mula sa iyo.”

“What? Kailan ako nagsinungaling sa iyo? Makinig ka sa akin. Pinaiikot ka lamang niyan. Pagkatapos ng trabaho niya rito ay aalis siyang muli, maiiwan ka na namang mag-isa.”

“Ano’ng sinabi mo?”

Naging masuyo ang tinig ni Jessica. “Aalis din siya at iiwan kang muli. Sinabi niya sa akin iyan, kahit itanong mo pa sa kanya.”

“Jessica, I’m warning you.”

“Keiran, listen to me. Hindi siya ang babaeng para sa iyo.” She cooed. “Narito ako para sa iyo, ako lang ang nagmamahal sa iyo rito. I love you, Keiran. ”

“Tumigil ka na, Jessica! Itigil mo na ang kahibangan mo.”

Doon na hindi nakapagpigil si Sybill. Pumasok siya at nadatnan niyang pilit inaalis ni Keiran ang mga braso ni Jessica na nakayakap rito.

“Sybill..” ani Keiran. Nagpapaunawa ang tingin na ibinigay nito sa kanya.

“Well, well, well. Look who’s here. Speaking of the devil.” Dahan-dahang bumitiw si Jessica kay Keiran at nanlilisik ang mga matang humarap sa kanya.

“Hello, Jessica.” Malamyos ang tinig na bati niya rito.

Jessica smiled arrogantly. “Hey, slut.”

“Jessica!” Matigas ang tinig na babala rito ni Keiran.

“Oh, please! Huwag mo akong aawatin. Ipapakita ko sa babaing ito kung sino ang kinalaban niya. Natatakot ka ba sa gagawin ko sa kanya?”

Umiling si Keiran. “Nah. I’m worried about what she’d do to you.”

Tila iba ang naging pakahulugan ng babae sa sinabi ni Keiran dahil masaya pa itong sumagot. “Oh, how sweet. Huwag kang mag-alala. Kaya ko ang sarili ko.”

“Whatever.” Naiiling na bulong ni Keiran bago lumingon sa kanya. “Sa kusina lang ako, sweetheart. Ano’ng gusto mong inumin?”

“Orange juice na lang.” Matamis ang ngiting sagot ni Sybill.

“Hey, don’t talk as if I’m not here!” inis na wika ni Jessica na hinila papalayo si Keiran.

Doon napangiti si Sybill. “Alam mo, matagal ko nang hinihintay ang pagkakataong ito, eh. Pinipigilan ko lang ang sarili ko dahil iniisip ko si Keiran. Kapag sinaktan kita, magtatampo siya sa akin.”

Humalakhak si Jessica. “Of course, mahal ako ni Keiran, eh.”

“Yeah, yeah. In your dreams, bitch.” Pang-iinis dito ni Sybill.

Tumitiling sumugod si Jessica. Nakita pa ni Sybill na iiling-iling na tumalikod si Keiran patungo sa kusina. Mabilis na nahawakan ni Sybill ang kamay ni Jessica nang akmang sasampalin siya nito.

“You’ve done enough damage on my life, Jessica. Tama na. Wala kang karapatang paglaruan ang mga tao sa paligid mo.”

“Para kay Keiran ang ginagawa ko. Alam kong hindi ikaw ang nababagay sa kanya.”

Party of Destiny, Hosted by Lolo Kupido: Sybill's Meant-To-Be (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon