Chapter 17

541 18 0
                                    

“HI.”

Muntik nang napatalon si Sybill sa gulat nang marinig ang tinig na iyon sa kanyang likuran. When she turned around, nakangiting nakasilip si Keiran sa pinto ng opisina ng newspaper club kung saan siya naroroon. Inalis nito ang suot na baseball cap at lumapit sa kanya.

“Nagpunta ka nga!” Hindi makapaniwalang bulalas niya.

Nang tumawag ito sa kanya nang nakaraang gabi ay sinabi nitong gusto siya nitong makasabay na mananghalian kahit alam niyang busy rin ito tulad niya.

Malapit na kasi ang national championship for high school sports clubs at lahat ay nagpe-prepare even on weekends. Sila sa newspaper club naman ay busy sa pag-iinterview at coverage ng mga events na kasali ang school nila.

“I promised, right?” lumapit ito sa kanya at dinampian ng halik ang kanyang kamay. 

Ramdam niya ang pag-iinit ng mga pisngi niya nang marinig ang sunud-sunod na pagtikhim ng mga kasama niya sa kuwarto na nakalimutan niya sandali.

Sabay-sabay pang nag-‘ayiieee’ ang mga ito nang humarap siya at hindi niya malaman kung paano patitigilin ang mga ito sa sobrang hiya niya.

“Kaya pala hindi maalis ang ngiti sa labi ni Sybill mula pa kanina, pupunta pala rito ang prinsipe niya. Naiinggit ako, bakit di man lang pumupunta dito ang bebe ko?” nagmamaktol na wika ni Claire, kapwa niya feature writer.

“Huu.... drawing naman yata ‘yang boyfriend mo.” Pang-aalaska dito ni Rico, ang cartoonist nila. Natatawa itong umilag nang batuhin ito ni Claire ng nilukot na papel.

“Manahimik ka diyan, Ricoleto Felimon! Carla, patigilin mo nga ang kutong-lupang ito!”

“Children, behave.” Pambabawal ni Carla, ang istriktong assistant editor-in-chief nila. “Fighting inside the office is strictly prohibited. Ire-report ko kayo pagbalik ni Jonas kapag hindi kayo tumigil.” Natahimik naman ang dalawa pero pagkatapos munang hampasin ni Claire ng notebook si Rico.

Nakangiwing pinisil ni Sybill ang kamay ni Keiran. “Pasensya ka na, ganyan lang talaga dito.” Bulong niya.

Ang mga naroong member ng newspaper club ay classmates din nila kaya abot ang panunukso sa kanila. Ang mga nasa lower years na miyembro ay kasalukuyang nasa field trip kaya sila lamang ang naroroon.

Hindi kasali ang mga fourth years sa field trip dahil ang pupuntahan ay ang pinuntahan din nila last year.

Muling dinala ni Keiran ang kamay niya sa labi nito at dinampian ng halik. His eyes were glittering tenderly na waring nagsasabing huwag siyang mag-alala. Bigla siyang napayuko sa ginawa nito.

Nahihiya pa rin siya rito. Her heart hammered on her chest. Parang gusto na niyang matunaw na parang ice cream!

Isang buwan na mula nang maging sila. Pero hanggang ngayon, pakiramdam niya’y nasa isang panaginip pa rin siya.

Boyfriend na nga ba talaga niya ang lalaking ito? Mayaman, guwapo, star player ng basketball team at isa sa itinuturing na prince charming ng mga kababaihan sa kanilang eskuwelahan.

Nang kumalat nga ang balitang may girlfriend na ito ay marami ang nag-iyakan. Kinakabahan pa nga si Sybill na maglakad mag-isa dahil nabalitaan niyang marami ang galit sa kanya. Pero kapag naiisip niyang nakasuporta sa kanya ang kanyang mga kaibigan ay hindi na lamang niya pinapansin ang mga galit sa kanya.

Sabi nga ng kanyang ina, huwag niyang hayaang ma-spoil ang kaligayahan niya ng mga taong hindi masaya para sa kanya. Naiinggit lang ang mga iyon, dagdag nito.  

“Guys, hihiramin ko muna ang honey ko, it’s already lunch.” Sabi ni Keiran.

“Sure.” Sabay-sabay na sagot ng mga ito. “Go!”

Party of Destiny, Hosted by Lolo Kupido: Sybill's Meant-To-Be (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon